"Ang babaeng ito, unang araw pa lang natin dito ay nakabingwit na agad ng malaking isda." Natatawang sabi ni Marriam kaya maging kaming dalawa ni Tatti ay natawa rin habang pareho silang dalawa na nakatingin sa akin. "I am a big fish myself," sabi ko sa kanila. "He doesn't know," ngumingisi na sagot naman ni Tatti. "Pero teka, paanong nangyari na napapayag mo ang dayuhan na iyon na hindi kayo pupunta sa cabin n'ya?" "I don't know. I mean, I don't like him. I just found his lips a good thing to taste to you know. He was that f*cking kissable!" Hindi makapaniwalang nakatingin ang dalawa sa akin. Alam naman nila kung ano ang gjnagawa ko sa ibang bans kaya hindi na sila nagugulat na kaya kong gawin ang bagay na iyon. Ang ikinagulat nila kanina nang sabihin ko iyon ay iyong hindi kami umabo