"What?!" Gulat na tanong at medyo napataas na boses ng dalawa na sina Tatti at Marriam. "Amor, bakit ka magpapa-iwan?" Hindi makapaniwalang saad ni Tatti. "Tapos na ang invitation date. It's our last day, kailangan na natin umalis dito," dagdag pa n'ya. "I can take of myself here," nakangiti kong sabi sa kanila. "I thought you don't do 2 nights or more?" Kunot-noong sambit naman ni Marriam habang nakatingin sa akin. Hindi man nito nilinaw ang gusto n'yang sabihin ay alam ko kung ano ang sinasabi ng isang ito. "Ilang gabi at araw na nga? 5? That is the very first time, Amorie. What is happening?" "For a change," matapang kong sagot sa kaniya nang may ngisi sa mukha ko. "Not so you," nakangising gatong naman ni Marriam at may pagkindat pa. "Well, that was me abroad so maybe I ca