CHAPTER 22 ALMIRA “Ah, pamangkin ka pala ni Sir Samuel? Eh ‘di, apo ka pala, Mr and Mrs Fajardo? Ikaw naman, Almira, oh! Hindi mo sa akin sinabi." nakangiti pang sabi ni Manang Merlinda sa akin. Samantalang ang mga tingin ni Samuel sa akin ay kulang na lang lunukin akong buhay. “Sir Samuel, pamangkin nyo pala si Almira, pasensiya na sa kayo dahil niyaya ko po kasi siya. Parang hindi pa yata bagay sa inyo magkaroon ng apo, hehehe…” sabi pa ni Manang kay Samuel at humingi na rin ito ng paumanhin sa pagdala niya sa akin. Gusto ko sana matawa sa reaksyon ng mukha ni Samuel nang sabihin ni Manang na hindi pa siya bagay magkaroon ng apo. “Tito Samuel, pauwi na po kami ni Manang. Huwag po sana kayong magalit,’’ nakangisi kong sabi kay Samuel. Sa klase ng tingin niya sa akin para akong malu