CHAPTER 40 ALMIRA Kinuhanan ni Tita si Samuel ng blood pressure. Patay malisya lang ako na nakatingin kay Samuel at Tita Amme, habang kinukuhanan niya ng blood pressure si Samuel. “Lintik kang bata ka ang taas ng blood pressure mo. Kailangan dalhin ka sa hospital. Baka mamaya maputukan ka ng ugat at delikado iyon!" natatarantang sabi ni Tita. Napapakagat na lang ako ng aking labi dahil alam ko na ako ang dahilan ng pagtaas ng bp niya. High blood pala siya? Tapos iniinis-inis ko pa siya kanina? “Mom, relax. ipahinga ko lang ito. Kailangan ko lang na may magmasahe sa tainga ko," pagpapakalma naman ni Samuel sa kaniyang ina. “Siguro naparami ang kain ng baboy kagabi. Sinabihan na nga kita na tingnan mo ang mga kinakain mo at may lahi pa man kayong highblood ng Daddy mo,” paalala ni Tita