Chapter 19 ALMIRA Dumating kami ni Samuel sa bahay. Masaya naman ako na sinalubong ni Ashley. “Kumusta ang check up mo? Nakapagpa-ultrasound ka na ba?’’ sunod-sunod nitong tanong sa akin. “Hindi pa sa susunod na buwan pa ako magpapa-ultrasound, Ashley. Para makita na kung ano ang gender ng anak ko,’’ sagot ko sa tanong ni Ashley. Si Samuel ay tumuloy na sa loob ng bahay na parang bale wala lang ako sa kaniya. Naiwan naman kami ni Ashley dito sa labas. Wala pa itong pasok dahil bakasyon pa rin. Pero dalawang linggo na lang at magsimula na ang pasukan nila. “Ano ang ginagawa mo?’’ tanong ko kay Ashley. “Heto, nagre-review. Alam mo naman na malapit na ang pasukan. Kailangan kong pag-aralan itong binigay sa amin. Bed rest ka pa rin ba?’’ tanong nito sa akin. Ngumiti ako ng malawak kay