CHAPTER 31 ALMIRA Ang ganda ng hangin dito sa pwesto namin sa ilalim ng puno ng mangga nila Nemuel at Ashley. Kasama namin ang iBang trabahador. Nagmemeryenda kami ng nilagang mais. Katatawag lang ni Samuel, ngunit pinatayan ko siya ng cellphone. Hindi ko alam kung matino pa ba ang isip ng lalaking iyon. Alam niyang kararating lang namin gusto niya agad akong pauwiin sa Alabang? Bahala nga siya. Wala talaga siya ng magawa sa Buhay niya. “Napa-praiing na naman si Kuya, ano?" nakangiting tanong ni Nemuell sa akin. “Nababaliw na kamo. Ano kaya kung dito na lang ako, hanggang sa makapanganak ako?" wika ko sa kanila ni Ashley. Wala naman problema, kaso payag kaya si Kuya?" tanong naman ni Ashley sa akin. “Papayag naman siguro iyon. Ayaw niya pa ‘yon? Mabuti nga 'yon hindi kami madalas magk