CHAPTER 48 ALMIRA Hindi ko na namalayan na marami na pa lang nakiusyos sa paligid ko. Parang nawala talaga ako sa aking sarili. ‘Yong sama ng loob na naipon ko doon ko sa kotse ng babae inilabas. Iniisip ko na mukha niya iyon. “Ma’am, heto ang gasolina, sunugin mo," sabi ng isang babae na inabutan ako ng dalawang litro ng gasolina. "Dapat sa mga kabit, Ma’am, sinusunog. Kaso ‘yang kotse niya na lang ang sunugin mo para hindi ka maging kriminal,” dugtong pa ng bababe sa akin. Walang alinlangan na kinuha ko sa kamay niya ang dalawang litrong gasolina at binuhos ko iyon sa kotse ng babae. “Go, Ma’am! Dapat ganiyang ang ginagawa sa mga kabit na winasak ang isang pamilya!" udyok pa ng security guard sa akin, kaya para akong naglilingas na apoy na habang ginagatungan ay lalong lumalamas.