Episode 42

2187 Words

Chapter 42 Almira Pagkatapos namin kumain ay niyaya ni Tito Manuel si Samuel na pumunta ng bayan kasama si Tito Semion. Ayaw pa sana ni Samuel, ngunit pinilit ito ng kaniyang ama upang mapa-check up na rin siya dahil tumataas pa lalo ang kanyang blood pressure. Mahirap na at baka ma stroke pa siya. “Wala ka bang ipapabili sa akin?” tanong ni Samuel sa akin. “Wala,” tipid kong sagot sa kaniya, habang ang mga mata ko kina Ashley at Dominic. Bagay na bagay silang dalawa tingnan. ”Aalis na ako,” paalam ni Samuel sa akin sabay halik niya sa aking pisngi saka tumalikod na ito. Parang seryoso naman siya sa sinabi niya kanina na ayusin niya ang pagsasama namin bilang mag-asawa. Nakakatuwa isipin ngunit nakakatakot umasa na walang kontrata. Kung pwede lang sana na may kontra ang mga sinasabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD