Nayanig ang buong pagkatao ko sa kanyang naging tanong. Para akong panandaliang hindi doon makahinga. Hindi ko na alam kung ano ang nararapat na isagot. Papayag ba ako o tatanggihan ko ang kahilingan niya? Ano naman ang pag-uusapan naming dalawa? As far as I know and remember ay matagal nang natapos ang relasyon namin. At wala na kaming dapat na pag-usapan dahil ang lahat ay settle na ilang taon na ang nakakaraan. Kung may mga bagay man siyang nalimutang sabihin sa akin ay pwede naman niyang sabihin ito through text. At hindi niya na kailangang harangin pa ako, pinapatalon niya sa kaba ang puso ko. Text? Seryoso ka ba diyan Sanna? As if naman na may number ka pa sa kanya! Malamang ay burado na rin iyon matagal na, hindi ka pa man nagpapalit. Sinadya ko talagang hindi magpalit ng number