NA-CAUGHT off guard si Sasha kasi hindi iyon ang inaasahan niyang sagot. Bumaba ang tingin niya sa katawan nito para tingnan kung nagsasabi ito ng totoo. Nanuyo ang lalamunan niya nang makitang aroused nga ito. He looks big, formidable and delicious. Siguradong isa iyon sa mga dahilan kaya gusto ng mga babaeng nakapalibot dito kanina na matikman ito uli.
His hardness gave her a sense of self-satisfaction. Nakakalaki ng ego na naapektuhan niya ito. Pero pinigilan niya ngumiti at sa halip naniningkit ang mga matang tiningala niya itong muli. Nagtama uli ang kanilang mga mata. “Sorry ka na lang. I will not allow you to f**k me.”
Tumaas ang gilid ng mga labi ng lalaki. “Such a dirty pretty mouth you have there. I’m curious to know what more you can do with that mouth.”
“Whatever my mouth can do, you will never know,” maanghang na sagot pa rin ni Sasha. Imbes na mainis ay mukhang na-amuse pang lalo ang lalaki. May sasabihin pa sana siya pero nanlaki ang mga mata niya at naalarma nang umangat ang isang kamay nito. She flinched. “Huwag mo akong hawakan!”
“Relax. My c**k doesn’t get hard for unwilling women. That’s not my kink.” Pagkasabi niyon ay pinagpatuloy nito ang balak gawin. Nahigit ni Sasha ang hininga at napayuko nang maingat na hinawakan ng lalaki ang tela ng bikini top niya at tinakpan ang naka expose pa rin niyang mga dibdib. A shiver ran down her spine when the back of his hand lightly grazed her bare skin. Kahit na dapat sawayin niya ito ay walang lumabas na mga salita sa bibig niya. Nanatili lang nakasunod ng tingin sa galaw ng kamay nito na tela naman ng dress niya ang ibinalik sa ayos. Nang bahagyang tumama ang dulo ng mga daliri nito sa tuktok ng kaliwa niyang dibdib ay napaliyad siya at mahinang napaungol bago pa niya mapigilan ang sarili.
A victorious smile appeared in his face. “I guess you’re not as unwilling as you want me to believe.”
Napakurap si Sasha at inis na tinampal ang kamay nito. Pagkatapos bumangon na siya paupo at pumihit paharap dito. “Sinundan mo ba ako?” dudang tanong niya.
Tumaas ang kilay ng lalaki at humakbang paatras pero nakaharap pa rin sa kaniya. Hindi niya naiwasan bumilib na para bang balewala rito kahit aroused pa rin ito. Malakas ang self-control. “Bakit naman kita susundan?” aroganteng sagot nito.
Naningkit ang mga mata ni Sasha. “Then why are you here? Bakit lumapit ka pa sa akin at pinanood ako?” iritableng tanong niya.
“May tinawagan ako kaya lumayo ako sa mga kasama ko. Pagkatapos narinig ko ang ungol mo. Akala ko may sumasakal sa ‘yo o kung ano pa man.” Umangat ang gilid ng mga labi ng lalaki at gumapang na naman ang tingin sa katawan niya. Katulad kanina, parang pisikal na haplos ang naging epekto niyon sa balat niya.
“Usually wala akong pakielam sa nangyayari sa mga taong hindi ko kilala. Pero mabuti na lang pala naisipan kong tingnan kung ano ang nangyayari. I got to see something good.”
Kinuha ni Sasha ang baso na inilapag niya sa buhangin. Mas mabuti pang bumalik na lang siya sa bar area kaysa mapag-isa roon kasama ang estranghero. “Whatever,” aniya bago mabilis na tumayo. Napasinghap siya kasi hindi niya inaasahang nanlalambot pa rin pala ang mga tuhod niya. Muntik na siya matumba kung hindi lang umangat ang mga kamay nito sa magkabilang braso niya. Kaso nasubsob siya sa dibdib nito.
“Ganoon lang, nanlambot na agad ang mga tuhod mo?” amused na bulong nito. Nanayo ang mga balahibo ni Sasha dahil sa mainit nitong hininga na tumama sa tainga niya. “What more if someone really f****d you? Baka hinimatay ka na.”
Huminga ng malalim si Sasha, pilit binalewala na naging extra sensitive ang balat niya at parang may kuryenteng gumagapang sa mga ugat niya dahil sa halos magkadikit nilang mga katawan. Sa ganitong proximity narealize niyang masyado itong malaki kompara sa kaniya. Hanggang dibdib lang siya nito at doble niya ang lapad ng matigas at ma-muscle nitong katawan. Kahit ang mga kamay nito, malalaki at parang kayang durugin ang mga braso niyang hawak pa rin nito. Everything about him was so big, even his confidence. It turns her on and alarms her at the same time.
Tiningala niya ang lalaki at inismiran. “Wala pang lalaki ang pumagod sa akin. Ako ang pumapagod sa kanila.”
Tumaas ang mga kilay nito at umangat ang gilid ng mga labi. “Then maybe you’ve been sleeping with weak men who don’t know how to please a woman until she’s spent, beautiful.”
Beautiful. Ayaw ni Sasha sa eanderments at usually nate-turn off agad siya sa lalaking ginagamitan siya ng ganoon. So why does hearing him call her beautiful aroused her? Hindi siya puwede makaramdam ng ganito kasi mula pa kaninang magtama ang mga paningin nila sa bar area ay nagtunugan na ang warning bells sa utak niya. Mapanganib ang lalaking ito.
Umayos siya ng tayo at humakbang patagilid hanggang mabitawan na siya nito. “Salamat sa concern pero kung sino man ang mga lalaking gusto ko maka-s*x wala ka nang pakielam doon, okay? Now, excuse me. Kung gusto mo mag stay pa rito, bahala ka. I’m going back to the bar.”
Tinalikuran na ito ni Sasha pero nakailang hakbang pa lang siya ay nagsalita na ito. “Wala kang mahahanap na kalaro doon. Unless you want to join them on their planned orgy.”
Nanlaki ang mga mata niya at napalingon sa binata na umupo sa beach chair na hinihigaan niya kanina. “Why don’t you just play with me tonight?”
Kumabog ang dibdib ni Sasha at nag-react agad ang katawan niya sa alok na iyon. Her n*****s grew hard and her p***y clenched in anticipation. God, she badly needed a f**k but her brain is telling her not to get involve with this man.
“No thanks,” sagot niya. Muntik na siya mapapikit sa frustration kasi kahit sa pandinig niya halatang nagsisinungaling siya.
“Afraid that you can’t handle me?” hamon ng lalaki. His eyes suddenly looked intense, like a predator preparing to pounce on his poor victim.
Mula pa noong araw na nalaman ni Sasha kung anong klase ng pagtataksil ang ginagawa ng nanay niya sa kanyang ama, nangako siya sa sarili niya na hinding hindi siya magpapa-agrabyado kahit kanino at kahit sa anong paraan. Kahit pagdating sa s*x.
Pumihit siya paharap sa lalaki, itinaas ang noo at namaywang. “No. I just think you are too easy for my taste,” dismissive na sagot ni Sasha.
“Wanna bet?”
May masarap na kilabot na humagod sa likod ni Sasha nang magtama ang mga paningin nila ng lalaki. Kaswal ang pagkakasabi nito pero nakikita niya sa mga mata nito ang magkahalong paghamon at pagnanasa.
Humalukipkip siya at naningkit ang mga mata. “I thought you don’t like unwilling women?”
“But you are not unwilling, sweetheart. Don’t even try to lie. I can smell your arousal. I can sense your desire to be thoroughly f****d. Pareho lang tayo ng gusto ngayong gabi. So why not spend the night with me?”