“I WISH I didn’t see you again,” pabuntong hiningang sabi ni Sasha twenty minutes later. “Oh baby, you have no idea how sorry I am for you that we met tonight,” sagot ni James na nakatayo pa rin sa entrada ng hotel room. He locked the door with a loud click before facing her again. Mariing tumikom ang mag labi ni Sasha na nakatayo sa gitna ng silid, mahigpit na hawak sa isang kamay ang clutch bag niya. May natitira pa ring baga ng pagrerebelde sa dibdib niya dahil habang bumabiyahe sila sakay ng kotse ni James at binabalikan niya ang mga nangyari sa party lalo siyang naiinis. Hindi lang dahil sa naging attitude ni Hosea na malamang nagsisisi at nag wo-worry na sa kaniya kasi ganoon naman ang bestfriend niya. Mabait ito at siguradong hindi intensiyon na maging uncomfortable siya. Sadyang