"Erin?" "Hmm?" "Love, can I ask you a question?" Kapwa nakahiga kami sa kama, nakatalikod si Erin sa akin. "Ano 'yon?" Lumingon siya sakin pagkatapos ay napatingin mismo sakin, lumapit pa ako kaya magkatapat ang mga mukha namin. Napabuntong hininga si Hunter, "Yung Clyve Arson na 'yon? naging kayo ba?" "Hindi." mabilis niyang sagot kaya tila nakahinga ng maluwag si Hunter. "Alam ko na nakita mo yung news na nagkita kami kanina?" Tumango si Hunter. "Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko, natatakot ako na mahulog ka sa iba." "He's just a friend, naging love interest ko siya sa movie, nung nawala yung loveteam natin noon siya yung kauna-unahang lalaki na pinayagan kong itambal sa akin." "Kung gan'on bakit parang ang hype ng mga tao sa inyo?, nakita ko may mga fans kayo."