"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Erin kay Hunter pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay para mapakalma ito, kanina pa kasi hindi mapakali dito sa dressing room at mas lalo niyang napansin ang kaba sa mukha nito ng sinabi ng staff na tatawagin na sila para sa interview nila ngayong gabi. "Love? Hunter?" "Kinakabahan ako, Erin. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong gabi." Napangiti siya bago niyakap si Erin. "We just need to answer their questions saka wag kang mag-alala kasama mo naman ako." Napangiti si Hunter bago lumapit sa kan'ya at hinalikan ang labi niya, "Kinakabahan lang naman ako alam mo na, hindi malabo na magtanong sila sa nakaraan natin. At hindi ko alam kung papaano nila matatangap ang sagot ko." "Ako na ang bahala." Umiling si Hunter. "No, if it's too much for you t