"Your blood pressure is good, sugar level is good also, maganda rin ang result ng x-ray mo. But, still I need to give you your booster shot." natawa siya pati na rin ang doctor dahil sa huling sinabi nito, bago kinuha ang injection na naka ready na kanina pa, pinunasan niya ang balikat ni Hunter ng bulak na may alcohol bago itinurok ang injection sa balat nito. Tila wala naman na iyon sa kanya. Muli napangiti ang doctor pagkatapos ay nilinis uli ang balat sa balikat nito "You will be okay.. hindi dahil sa shots mo kundi dahil sa dahilan kung bakit kahit ininjectionan na kita ay nakangiti ka pa rin. Mukhang maganda talaga ang effect sayo kung ano man yang dahilan ng ngiti mo Tila lumapad pa lalo ang ngiti ni Hunter. "Magiging Tatay na ko, Doc." "Oh really?! Congratulations to you Hunter!