“Badtrip ka ba?” pagtatanong ni Rim sa kausap niya sa smartphone na nakatapat sa kanang tenga niya. Nakaupo siya sa sofa habang nakapatong ang mga naka-stretch niyang mga binti at paa sa gitnang mesa. Nakabukas ang TV na nasa harapan pero wala doon ang atensyon niya kundi nasa kausap niya sa phone. Nahalata ni Rim sa boses ng kausap na badtrip ito.
Huminga nang malalim ang kausap ni Rim. “Oo. Badtrip ako sa babaeng tanga kanina sa supermarket. Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan niya kaya nabunggo ang balakang ko,” naiinis na paghuhurumentado pa niya.
Natawa naman si Rim.
“Bwisit ka! Tinatawanan mo pa talaga ako sa halip na i-comfort ako?” Naiinis ang kausap kay Rim.
Tinikom naman ni Rim ang labi niya. “Huwag mo na kasing isipin iyon, Sasha. Marami talagang nagkalat na mga tanga sa mundo at hindi mo na mababago ang katotohanang ‘yon,” aniya. Napapalatak naman si Sasha sa kabilang linya. “Anyway, kung gusto mo ay magkita na lang tayo at alisin ko ‘yang badtrip mo,” nangingiting suhestyon pa ni Rim kay Sasha.
Natawa naman si Sasha sa kabilang linya. “So, gagamitin mo na naman ang batuta mo para alisin ang badtrip ko?” nakakalokong sabi niya.
“Bakit hindi? Eh ang batuta ko lang naman ang nakakapagpaligaya sa’yo, hindi ba?” nangingiting saad ni Rim.
Humalakhak si Sasha sa kabilang linya. “Malib*g ka talaga,” natatawang bulalas pa niya kay Rim.
“Nakakalib*g ka rin naman kasi kaya hindi ko mapigilan,” nangingiting sagot ni Rim. Tiningnan niya pa ang nasa gitna ng mga hita niya at kinambyo ito. “Ito nga at tigas na tigas na naman,” aniya habang hinihimas-himas ang sariling alaga na nasa loob ng kanyang suot na boxer short.
Muling natawa si Sasha sa kabilang linya. “Sige na at pumunta ka na para mapalambot ko na ‘yang batuta mo,” aniya. “Wala ba diyan ang asawa mo?” pagtatanong niya pa.
“Wala siya. Nasa nanay at anak niya,” sagot ni Rim. “Kaya malaya mo akong matitikman,” dagdag pa niya saka nag-smirk.
“That’s great,” natutuwang wika ni Sasha. “Dapat nga mawala na siya ng tuluyan para akin ka na lang,” bulong pa niya saka umismid.
“Pupunta na ako diyan, okay?” tanong ni Rim na hindi narinig ang mga huling sinabi ni Sasha.
“Sure, baby. I will wait for you here,” nangingiting sagot ni Sasha.
Napangiti si Rim. Bigla siyang nasabik kaya mabilis niyang ibinaba ang tawag at pumunta sa kanilang kwarto ni Ashley. Hinagis niya sa ibabaw ng kama nila ni Ashley ang kanyang phone at kaagad siyang kumuha ng twalya at lakad-takbong lumabas ulit ng kwarto at tinungo ang banyo para maligo.
Si Sasha Altamirano, isang tunay na babae. Ang babaeng kinakalantari ni Rim for almost a year at walang kaalam-alam doon si Ashley dahil sa galing nilang magtago.
---
“Anak, mag-aaral ka na pala next school year,” nangingiting sabi ni Ashley kay Ash na napangiti naman sa sinabi niya.
“Talaga po, Mama?” tanong ni Ash.
Ningitian ni Ashley ang anak saka tumango. “Kaya ngayon pa lang ay maghanda ka na para sa pagpasok mo. Magbasa-basa ka ng mga libro saka huwag kang mag-alala dahil tutulungan din kita sa pag-aaral mo,” aniya pa.
Lumaki ang ngiti sa labi ni Ash. Napangiti naman lalo si Ashley saka niyakap niya ang anak.
“Hay! Big boy na ang anak ko. Hindi magtatagal ay magiging binata ka na,” naglalambing na bulong ni Ashley. Hindi maikakaila na gwapong bata si Ash, lalo na siguro sa pagbibinata nito. Gwapo rin naman kasi si Ashley noong lalaki pa siya at iyon ang minana ni Ash, ang kagwapuhan niya.
---
“Mabuti naman at day-off mo ngayon at may time na tayo na magchikahan ulit, besh,” natutuwang bulalas ni Ashley sa matalik na kaibigang si Remi. Katulad niya, transwoman na rin ito. Kasabayan niya nga ito sa pagpapa-opera sa Thailand at ito rin ang naging saksi sa lahat ng meron sa buhay niya kabilang na roon ang lovelife niya kay Rim at ang pagpapakasal niya. Kaibigan na niya ito since high school at hindi nagbabago ang turingan nila sa isa’t-isa.
Napangiti si Remi. “Oo nga, besh. Mabuti na lang talaga at saktong-sakto ang pagpunta mo rito sa bahay,” natutuwa rin na wika niya. Natutuwa siya dahil muli silang nagkita ng matalik niyang kaibigan. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa na nasa living room.
“Balita ko nga pala besh, nasabi sa akin ni mama na promoted ka as senior manager.” Ningitian ni Ashley si Remi. “Congrats sa’yo,” masayang pagbati niya pa sa kaibigan. Magkaiba ang degree na tinapos nila noong college. Business administration ang tinapos ni Remi at ngayon ay nagtatrabaho ito sa isang malaking finance company na matatagpuan sa Taguig.
Ngumiti si Remi. “Maraming salamat sa pagbati,” nangingiting sabi niya. “Ikaw kasi, hinayaan mo lang ang sarili mo na maging full-time housewife. Kung nagtrabaho ka kaya at ginamit mo ‘yung napag-aralan mo eh ‘di sana parehas na tayong nasa mataas na posisyon ngayon at isa kang successful career woman with family,” wika pa nito.
Tipid na napangiti naman si Ashley. “Masaya naman ako sa pagiging ina at asawa, and besides, fulfilling naman sa pakiramdam ko ang maging isang full-time housewife. Masaya ako na nagagawa kong alagaan ng buong puso at sa maraming oras ang pamilya ko,” aniya saka ningitian ang kaibigan.
Tumango-tango si Remi. “Sabagay, kanya-kanya rin talaga ang tao ng kaligayahan. Ako, trabaho ang kaligayahan ko at ikaw, ang pamilya mo,” sabi nito.
Ngumiti naman ulit si Ashley.
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Remi ng may maalala siya. “Oo nga pala at may bigla akong naalala na kailangan kong sabihin sayo,” aniya.
Kumunot naman ang noo ni Ashley. “Sa akin?” Tinuro pa niya ang kanyang sarili gamit ang hintuturong daliri niya sa kanan.
“Yup,” sagot ni Remi. Huminga muna ito ng malalim bago ulit magsalita. “Huwag kang magugulat at magagalit sa sasabihin ko. Actually, nakita ko lang naman ito,” sabi pa nito.
Pagak na natawa si Ashley. “Pinapakaba mo naman ako diyan. Ano ba kasi ‘yang sasabihin mo?” tanong niya pa.
Nagbaba nang tingin si Remi. Nag-inhale siya at nag-exhale din. Maya-maya pa ay tiningnan niya ulit si Ashley ng diretso sa mga mata nito. Nananatili namang nakatingin si Ashley sa kaibigan.
“Kilala mo naman ako, ‘di ba?” tanong ni Remi kay Ashley.
Natawa si Ashley na medyo kinakabahan na rin. “Oo naman. Best friend kita kaya kahit ang paborito mong s*x position, alam ko,” pagbibiro niya pa. Inaalis lang niya ang kaba na nararamdaman niya.
Napatawa ni Ashley si Remi. “Baliw ka,” aniya. “Anyway, ito at seryoso na, kilala mo akong hindi sinungaling, right?” tanong niya pa.
Ningitian ni Ashley si Remi. “Oo,”sagot niya.
“Ang totoo… nakita ko si Rim noong isang gabi habang pauwi ako,” panimula ni Remi na ikinakunot ng noo ni Ashley.
“Nakita mo siya?” tanong ni Ashley.
Tinango-tango ni Remi ang ulo niya. “Nakita ko siya… na hindi ikaw ang babaeng kasama niya habang naglalakad sa ilalim ng napakagandang sinag ng buwan,” aniya.
Hindi nagsalita si Ashley. Nagbaba siya ng tingin. ‘Nambababae na naman ba siya?’ iniisip niya.
“Ashley… naintindihan mo ba ang sinabi ko?” tanong ni Remi na nakatitig sa kaibigan.
Muling tiningnan ni Ashley si Remi. Pinilit niyang ngumiti. “Baka naman katrabaho niya lang ‘yun. Alam mo na, hindi lang naman puro lalaki ang nasa company nila, may mga babae din na kailangan niyang pakisamahan,” saad niya.
“Gusto ko ngang isipin na katrabaho lang niya ang babaeng kasama niya,” ani Remi. Ngumiti ito ng maliit. “Pero hindi ko magawang isipin ‘yon lalo na kung nakatatak sa utak ko kung paano lumigkis sa kanang braso ng asawa mo ang babaeng iyon. Isa pa, nakita ko rin kung gaano kalagkit ang tingin ni Rim sa babaeng kasama niya,” pagpapatuloy niya pa.
Natahimik si Ashley. Bumigat ang loob niya. ‘Yung kaninang saya na makita ang best friend niya, nawala at napalitan ng bigat ng loob.
“Pasensya ka na kung sinabi ko sayo, pero dahil best friend mo ako at ayoko naman na maglihim din sa’yo kaya ko sinabi,” wika ni Remi. “Isa pa, karapatan mo ‘yung malaman dahil asawa ka,” dugtong niya pa.
Pinilit ngumiti ni Ashley. Nagbaba ulit siya ng tingin. Huminga siya ng malalim.
“Anong gagawin mo?” tanong ni Remi. “Kakausapin mo ba siya tungkol sa sinabi ko?” pagtatanong niya pa.
Tiningnan ulit ni Ashley si Remi. Ningitian niya ito ng maliit. “Sa ngayon… wala pa akong gagawin,” sagot niya.
Hindi nagsalita si Remi. Mataman lang niyang tinitingnan si Ashley.
Ningitian ni Ashley si Remi. “Nag-aalala ka ba sa’kin?” tanong niya.
“Natural, best friend kita kaya nag-aalala ako sa’yo,” sagot ni Remi.
“Alam mo naman na hindi ito ang unang beses, hindi ba?” tanong ni Ashley.
Huminga nang malalim si Remi. “‘Yun na nga, kaya mas lalo akong nag-aalala,” dugtong niya.
“Huwag kang mag-alala masyado para hindi din ako labis na mag-alala sa’yo,” ani Ashley. “Akong bahala sa lahat. Kapag nahuli ko na sila sa akto, saka ako kikilos at gagawin ang nararapat bilang asawa niya,” saad pa niya.
Tinango-tango ni Remi ang ulo niya. “Mag-ingat ka,” aniya. “Kung kailangan mo ng resbak, nandito lang ako. Tawagan mo lang ako anytime and anywhere,” paalala niya pa sa kaibigan.
Ningitian ni Ashley si Remi. “Maraming salamat,” aniya na tipid na nagpangiti sa kanyang kaibigan.
Nagbaba nang tingin si Ashley. ‘Niloloko mo na naman ba ako, Rim?’ isip-isip niya. Kumirot ang dibdib niya dahil sa tanong niyang iyon.