“GOOD MORNING, BES!” malapad ang ngiting bati sa akin ni Millie nang pumasok ito sa room namin at umupo sa may likuran ko.
“Hi, bes!” nakangiti ring bati ko rito nang lingunin ko ito.
Bigla naman itong napatitig sa akin at sumeryoso ang mukha. Bahagya ring nagsalubong ang mg kilay ko.
“Why?” nagtatakang tanong ko.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at mas lalo pa akong pinakatitigan. Pero mayamaya ay ngumiti ito ulit sa akin. “Wow! Ang blooming ng fiz mo today, bes! Ang ganda-ganda ng bakla.” Anito.
Napangiti ako ulit habang nakakunot pa rin ang noo ko. “Ano’ng blooming ka riyan?” natatawang tanong ko. “Saka, maganda naman talaga ako. Ngayon mo lang ba napagtanto?” Pabiro pang tanong ko.
Tumawa ito at binitawan ang mukha ko. “What I mean is, mas maganda ka ngayon. Mas lalong lumitaw ang kagandahan mo, bes.”
Bahagya akong umismid. “Nako, baka pinapaalala mo lang sa akin ’yong libreng sinasabi ko sa ’yo last week.”
“Hindi kaya!” Anito. “Well, dahil ipinaalala mo na rin ’yon sa ’kin, kukunin ko na rin mamaya sa lunch natin, huh?” Dagdag pa nito.
“Ang galing mo naman.” Kunwari ay inirapan ko ito.
“Pero seryoso ako, bes! Ang ganda-ganda mo today. Gusto ko ang hitsura mo. Sana all!”
“Thank you!” saad ko na lamang.
Oh, ito siguro ang resulta dahil sa nangyari sa amin ni Rufo no’ng isang gabi at kahapon doon sa hotel. Ngayon ko lang lubos napaniwalaan na nakaka-blooming nga pala talaga kapag nadiligan. Ugh! Ano ba itong naiisip ko? Nahawa na rin ba ako sa kapilyohan ni Rufo?
“May ginagamit ka ba para sa mukha mo, bes? Share naman diyan para maging blooming din ako at nang mapansin na ako ni Sir Rufo.”
Muli akong napatingin kay Millie nang magsalita ito. At sasagot na sana ako sa tanong nito, nang bigla namang pumasok si Rufo sa room kaya napaayos na ako sa puwesto ko.
Hindi niya ako nasundo kanina sa bahay. He called me this morning and said he had something important to go to before he went to school, so he couldn’t pick me up at home kaya nag-commute na ako kanina.
“Good morning everyone!” bati niya sa amin.
At nang dumako sa akin ang paningin niya, lihim akong ngumiti sa kaniya, pero hindi naman nagbago ang seryosong hitsura niya. See? This is what I’m talking about! Ibang-iba siya kapag nandito sa school. Pero kahapon no’ng kausap niya ang mga kapatid ko, ang gaan niyang kausap at nakangiti pa siya. Kapag kami rin ang magkasama, ngumingiti siya sa akin. Siguro’y ganoon talaga siya. Kapag nasa public places ay seryoso siya at mukhang nakakatakot, pero kapag komportable siya sa mga taong kasama niya ay ngumingiti siya.
“I’m sorry I’m late. I went to the hospital and talked to Mr. Santos. And... according to his doctor, it will take a long time before he can recover from what happened to him so, I’ll be your professor until the end of this school year.”
Bigla namang nagbulungan ang mga classmate ko. Natutuwa ang mga ito sa good news na sinabi niya. Oh, well, maging ako rin naman ay natutuwa na siya na ang magiging professor namin hanggang sa matapos ang second semester ng 4rth year college namin.
“Natutuwa po kaming malaman ’yan Sir Rufo.” Anang Arisa na halatang pinilit pang palambingin ang boses habang malagkit ang titig sa kaniya.
Ugh! Nakakainis talaga ang babaeng ito! Napakalandi. Tapos kami pa ni Millie ang sasabihan nitong nakikipag-flirt kay Rufo. Sarap sabunutan, e!
“And I am also glad that we will be together for a few months here in this classroom,” aniya at inilibot niya ang kaniyang paningin. Mayamaya ay may dinukot siya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. Ipinangpunas niya iyon sa kaniyang noo at pagkatapos ay sa kaniyang ilong. Dumako rin sa akin ang paningin niya.
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang mapatitig ako sa hawak-hawak niya. Damn. Is that my panty? Hindi ako maaaring magkamali. Iyon ang suot kong panty kahapon na pinahubad niya sa akin at kinuha niya. Walang-hiyang Rufo! Gawin ba naman niyang panyo ang panty ko! Is he okay?
Salubong ang mga kilay ko habang nakatitig ako sa mga mata niya. Damn him. Hindi man siya nakangiti sa akin ngayon, at may distansya man sa pagitan namin ngayon, pero kitang-kita ko mula sa mga mata niya na nakangiti siya sa akin ng pilyo.
Wala sa sariling napabuntong-hininga na lamang ako at naikuyom ko ang aking mga kamay habang nakahawak ako sa armchair ng upuan ko.
Loko pala talaga ang lalaking ito! Adik siya!
Isang beses pa niyang ipinunas sa ilong niya ang panty ko, I know sininghot pa niya iyon pagkatapos ay ibinalik sa bulsa niya at nagsimula na rin siyang mag-discus.
Mabuti na lamang at nag-a-advance study na ako sa gabi kaya nakakasagot na ako sa mga tanong niya. And I’m happy, because for the first time, naka-perfect ako sa quiz namin sa subject na ito. Samantalang dati kay Mr. Santos, kung hindi kalahati ang mali ko, mas marami pa ang mali ko kaysa sa tamang sagot ko.
“Wow! Nakakapagtaka naman at isa si Solana sa mga naka-perfect.” Anang Arisa nang lumingon ito sa akin at nakataas ang isang kilay. Tila may pagdududa ito kung bakit ako nakakuha ng mataas na score.
“Baka nag-cheat!” sabi pa ng kaibigan nito.
“Nakakapagtaka naman Solana.”
Kunot ang noo na tiningnan ko si Arisa. At handa na sana akong magsalita para depensadahan ang sarili ko, pero nagsalita naman agad si Rufo.
“It’s no wonder why Ms. Marinduque got a perfect score, guys.” Natuon sa kaniya ang mga paningin namin. “She studied. You guys heard she answered all the questions I asked her earlier, didn’t you?”
Lihim akong napangiti dahil ipinagtanggol niya ako. Well, totoo naman kasi ’yon. Nag-aral talaga ako kasi ayoko ng mapahiya sa kaniya. Okay lang sana kung si Mr. Santos ang professor namin, hindi ako nag-aalala na mapahiya o ipahiya ako. Aminado naman kasi akong tamad talaga ako sa subject na ito. Pero ngayong si Rufo na ang professor namin, oh, I really need to study. Kasi nakakahiya sa irog ko kung ako lang ang bobo sa subject niya.
“Congratulations, Ms. Marinduque!” aniya nang tapunan niya ako ng tingin at tipid siyang ngumiti sa akin. Ngumiti rin naman ako sa kaniya. “You did a great job. Ipagpatuloy mo ’yan.”
“Thank you po, sir!” saad ko sa kaniya.
“Alright. See you tomorrow.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang naglakad palabas ng room namin.
“Wow! Cograts, bes!” bati sa akin ni Millie.
“Thank you, bes.”
“Mukhang ayaw mo ng mapahiya kay Mr. Montague kaya ginagalingan mo na ngayon, a!”
“Oo naman. Ayoko ng mas lalo siyang magsungit sa akin kagaya no’ng nakaraan. Muntikan na niya akong ipahiya noon, pero mabuti na lang at wala ng tao rito sa room nang magbitaw siya sa akin ng hindi magandang salita,” sabi ko.
“Sabagay. Kahit ako man ay ayoko ring mapahiya sa kaniya or ako ang ipahiya niya sa ibang tao. Saka, baka bigla siyang ma-turn off sa akin kapag ako ang tinanong niya tapos hindi ko siya masagot. Buti sana kung ang itatanong niya lang sa akin ay kung papayag akong maging girlfriend niya, hindi ako mahihirapan at magdadalawang-isip na sagutin siya ng oo.” Kinikilig na humagikhik pa ito.
Napaismid naman ako. “Iyang mga daydreaming mo talaga, Millie,” sabi ko saka tumayo sa puwesto ko at isinukbit ang bag ko. Naglakad na ako kaya sumunod naman ito sa akin.
“Hindi naman masamang mag-daydreaming kasama ang lalaking napupusuan mo, bes.” Anito. “Teka nga, ikaw ba talaga ay walang gusto kay Sir Rufo? I mean, hindi ka manlang ba nabighani sa angking kaguwapohan niya? Kasi sa tuwing makikita kitang nakatingin sa kaniya, nakasimangot ka lagi na parang ang laki ng disgusto mo sa kaniya.”
Oh, Millie. Kung alam mo lang! Abot langit na ang pagtatangi ko sa lalaking pinagpapantasyahan mo, maging nina Arisa. Pero hindi ko lamang puwedeng ipaalam sa ’yo ang totoong status namin ni Rufo, dahil bawal.
“Hindi ko naman siya type!” iyon na lamang ang sinabi ko.
Umismid ito. “Grabe ka!” anito. “Pero okay na rin ’yong hindi mo siya type. At least hindi na hahaba ang pila sa kaniya.” Muling lumapad ang ngiti sa mga labi nito.
Kunwari ay umismid na lamang din ako at napailing. “Halika na nga sa next subject natin. Baka ma-late pa tayo.” Saad ko saka ito hinila sa kamay.
Saktong katatapos lamang nang last subject namin sa hapon ay nakatanggap ako ng text message galing kay Rufo. Alam ko ng galing iyon sa kaniya dahil isinave ko na ang number niya.
From Sir Mukbang: I’ll wait for you at my pad tonight.
Hindi ko kasi alam kung ano ang ilalagay kong pangalan sa number niya kaya iyon na ang inilagay ko. Hindi kasi puwedeng pangalan niya ang ilagay ko kasi minsan kinukuha ni Millie ang cellphone ko. Mahirap na kung mabasa nito bigla ang message sa akin ni Rufo.
Hindi na rin ako nag-reply sa kaniya.
“Bes, lika na. Sabay na tayo.” Anang Millie sa akin nang nasa hallway na ako. Nagmamadali pa itong lumapit sa akin at kaagad na yumakap sa braso ko.
“Um, mauna ka na bes,” sabi ko.
Bigla namang nagsalubong ang mga kilay nito at napatitig sa akin. “Huh? Bakit? Saan ka na naman ba pupunta?” tanong nito.
“Um,” hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko rito ngayon. Pupuntahan ko kasi sa office niya si Rufo. Oo hindi niya ako sinabihan na puntahan ko siya roon, pero pupunta pa rin ako roon kasi may babawiin lang ako sa kaniya. ’Yong panty ko!
“Don’t tell me magpupunta ka na naman sa library kasi may ipinapa-search na naman sa ’yo si Gabby?”
Ngumiti akong bigla rito. “Ang galing mong manghula, bes!” kunwari ay saad ko.
Umismid naman ito sa akin. “Niloloko mo naman ako, Solana, e!” anito.
“Hindi, a! Pupunta talaga ako sa library, bes. Kasi roon ako nag-a-advance study sa subject ni Mr. Montague.” Pagdadahilan ko pa.
Naghiwalay naman ang mga kilay nito. “Ganoon?”
Tumango ako. “Oo,” sagot ko.
“E ’di sasama na ako sa ’yo para makapag-advance study na rin ako. Tutal naman at wala akong lakad ngayon. Hindi ako nagmamadaling umuwi.” Pagkasabi niyon ay muli itong yumakap sa braso ko. “Tara na, punta na tayo sa library.”
Wala na akong nagawa no’ng hilahin na ako nito papunta sa library. Lihim na lamang akong napabuntong-hininga.
Nang makarating kami roon at makapasok kami, pareho lang kaming tahimik at kunwari ay nagbabasa talaga ako ng libro. Pero ang utak ko ay abala na sa pag-iisip ng paraan kung paano ako makakalabas dito para sumaglit sa opisina ni Rufo. Nagpalinga-linga ako sa buong paligid. Maraming estudyante ngayon dito.
“Um, bes!” mahinang tawag ko rito.
Tumingin naman ito sa akin. “Bakit?”
“Iwan muna kita rito, a!”
“Bakit, saan ka pupunta?”
“E, naiihi na ako. Pupunta lang ako sa banyo.” Pagdadahilan ko.
“Samahan na kita—”
“Hindi na. Dito ka na lang. Iiwan ko lang ang bag ko. Babalik agad ako.” Pinutol ko ang sasabihin nito sa akin.
“Okay sige. Pero huwag kang magtatagal.”
Tumango naman ako at ngumiti. “Saglit lang ako,” sabi ko saka tumayo na sa puwesto ko at dali-daling lumabas sa library. Nagmamadali naman akong tumakbo papunta sa dulo ng hallway at nagkukumahog na bumaba sa hagdan hanggang sa makarating ako sa tapat ng opisina niya. Saglit akong huminga nang malalim upang pakalmahin ang dibdib ko na hiningal, saka ako kumatok sa pinto at hinawakan ko ang doorknob. Mabuti at bukas iyon. Ibig sabihin ay hindi pa siya umuuwi. Nang makapasok ako sa pinto, nakita ko naman siyang nasa harap ng mesa at mukhang busy. Pero nagtaas naman siya ng mukha nang marinig niyang pumasok ako.
“Ms. Marinduque, what are you doing here?” kunot ang noo na tanong niya sa akin. Nagtataka siguro siya kung bakit ako nagpunta rito gayo’ng nag-text naman siya sa akin kanina na magkita na lang kami mamayang gabi sa pad niya.
Naglakad ako palapit sa mesa niya at ngumiti sa kaniya.
“I didn’t say you come here. I said you come to my pad tonight.” Saad pa niya at saglit na sinilip ang oras sa wristwatch niya.
“Yeah I received your text message,” sabi ko.
“Then what are you doing here?” kumilos siya upang tumuwid sa kaniyang pagkakaupo habang nakatitig pa rin sa akin.
Huminto ako nang nasa tapat na ako ng mesa niya. Bahagya akong humugot nang paghinga at masuyo iyong pinakawalan sa ere.
“Um, I... I would like to talk to you for a moment.” Saad ko.
Saglit na nangunot ang noo niya saka tumayo sa kaniyang puwesto. Walang salita na naglakad siya palapit sa pinto at ini-lock niya iyon. Hindi ko napigilan ang mapalunok nang muli siyang maglakad palapit sa akin. Damn. Kung nitong mga nakaraang araw, araw-araw nagiging guwapo siya sa paningin ko, ngayon naman parang bawat tingin ko sa kaniya ay nagiging guwapo siya. I mean kanina, guwapong-guwapo na ako sa kaniya, pero ngayon, habang papalapit siya sa akin, habang sinusundan ng mga mata ko ang bawat paghakbang niya na tila siya ang hari sa buong campus na ito, mas lalo pa akong nabighani sa kaniya. Ang puso ko ay mas lalong nagwawala at ang mga paru-paro sa sikmura ko ay nagliliparan na naman. Ang mga tuhod ko, nag-uumpisa na ring manghina. s**t. Bagay na bagay talaga sa kaniya kapag nakasuot din siya ng salamin.
When he finally got close to me, without saying a word, he grabbed me by my waist and slightly pushed me until my back hit the edge of his desk. Pareho kaming titig na titig sa isa’t isa. Mayamaya ay ipinagpalipat-lipat niya ang kaniyang paningin sa mga mata at mga labi ko.
Hindi ko na rin napigilan ang mapalunok at mapahawak sa matitigas niyang mga braso.
“Why do you want to talk to me, Ms. Marinduque?” he asked me softly and raised his left hand and gently caressed the back of it on my cheek.
Hindi ko napigilan ang saglit na mapapikit at bahagyang mahigit ang aking paghinga. Pero ilang segundo lang ay muli akong nagmulat at tumitig sa mga mata niya. My lips parted, but no words came out. Damn. Ano nga ulit ang pakay ko bakit ko siya pinuntahan dito?
Mayamaya ay nagulat ako nang bigla niya akong iniangat at pinaupo sa ibabaw ng mesa niya. Napalingon pa ako sa likod ko nang masagi ng puwet ko ang laptop niya maging ang lalagyan ng ballpen.
He held my chin and made me face him again. Without saying a word, he claimed my lips, so I suddenly responded and closed my eyes tightly. My hands that were holding the edge of the table automatically rose and wrapped around his neck. Bahagya akong napaungol nang maramdaman ko ang panggigigil niya sa mga labi ko.
“Mmm!” bahagya ko siyang naitulak sa dibdib niya nang kumalas ang isang braso ko sa leeg niya. “Rufo!”
“Yes, baby?” nakangiting saad niya nang tumitig siya ulit sa akin.
Saglit akong napalunok. “Stop. Baka may biglang dumating dito.”
“That’s why I locked the door.”
“Kahit na,” sabi ko.
He sighed and held both of my waists. “Alright. What do you need and want to talk to me about?” he asked.
Ang isang braso ko na nakapulupot sa leeg niya ay tinanggal ko roon ay dahan-dahang pinaglandas ko ang palad ko sa balikat niya pababa sa braso niya. Samantalang ang isang palad ko ay masuyo ring humahaplos sa dibdib niya. Saglit kong ipinagpalipat-lipat ang aking paningin sa mga mata at mga labi niya saka ako tumitig sa dibdib niya. I just want to avoid his eyes for a while. Masiyado na kasi akong naiilang at feeling ko nalulunod na naman ako.
“Hindi ako makakapunta sa pad mo mamayang gabi,” sabi ko.
Nangunot naman ang kaniyang noo. “And why?”
“Kailangan kong pumasok sa DC. Ilang gabi na kasi akong absent doon. Baka pagalitan na ako ni Mama Lu at Madam Deb.” Pagpapaliwanag ko.
Muli siyang bumuntong-hininga nang malalim at naramdaman ko ang masuyong paghimas-himas ng isang kamay niya sa baywang ko samantalang ang isa naman ay dumaosdos papunta sa may hita ko. Marahan ding humimas-himas doon na siyang naging dahilan upang bahagyang mag-react ang katawan ko. Damn. Pati sa mga haplos niya talaga iba na ang hatid niyon sa akin.
“I will talk to Deborah again. Ayoko ng pumasok ka roon.” Seryosong saad niya.
Bahagyang nangunot din ang noo ko nang mapatitig ako ulit sa mga mata niya. Gusto ko sanang magtanong sa kaniya kung bakit gustong-gusto niyang umalis na ako sa DC, but I just stopped myself. Maybe I’m just thinking wrong now. Maybe he’s just really concerned about me, so he doesn’t want me to go into such a job. Because it’s very unlikely that Rufo will like me.
“So, bukas na lang ako pupunta sa pad mo, okay?” sabi ko sa kaniya mayamaya at ngumiti pa ako sa kaniya.
Hindi naman siya umimik, sa halip ay dumukwang siya sa akin at muling hinagkan ang mga labi ko. Muli akong tumugon, pero muli ko rin siyang itinulak sa dibdib niya.
“Awat na, Mr. Montague!” nakangiting sabi ko. “Kailangan ko ng bumalik sa library. Naghihintay kasi sa akin si Millie. Baka magtaka na ’yon kung bakit ang tagal kong bumalik. Ang paalam ko kasi sa kaniya ay pupunta lang ako sa banyo at iihi ako.” Saad ko pa at muli siyang itinulak upang makababa na ako sa ibabaw ng mesa niya. Pero hindi naman siya nagpatinag sa akin, at sa halip ay tinulungan niya akong makababa. “At isa pa, gusto ko lang ’to kunin,” sabi ko at ipinakita ko sa kaniya ang panty ko na nakuha ko na sa bulsa niya. Hindi niya namalayan ’yon kanina dahil siguro distracted siya sa pahaplos-haplos ko sa dibdib niya at sa paghaplos niya sa leg at baywang ko.
Bigla namang nagsalubong ang mga kilay niya nang mapatitig siya sa kamay ko at sa hawak-hawak ko. Kaagad niyang kinapa ang bulsa ng pantalon niya.
“Tss! That’s mine.” Aniya at akma na sana iyong kukunin sa kamay ko pero mabilis ko iyong itinago sa likuran ko.
“Ano’ng that’s mine? At kailan ka pa gumamit ng panty, Mr. Montague, aber?” natatawang tanong ko sa kaniya. “This is my panty. At talagang ginawa mo pa itong panyo, a! Adik ka ba?”
“Adik sa amoy ng ano mo.” Seryosong saad niya.
Napahalakhak naman ako. Walang-hiya! “Yuck ka talaga!” sinimangutan ko siya mayamaya at akma na sanang hahakbang upang lisanin na ang opisina niya, pero mabilis niya akong hinuli sa baywang ko. “Ano ba! Aalis na ako!” mahina ngunit mariing saad ko sa kaniya.
“Give it to me first. I will not allow you to leave this office until you return it to me.”
“This is mine.”
“That’s mine. You gave it to me yesterday, remember?” tanong niya at sinubukan niya pang abutin iyon sa kamay ko na nakatago pa rin sa likod ko. Pero mahigpit kong ikinuyom ang palad ko.
“I gave this to you kasi hiningi mo—”
“Exactly. So give it back to me.”
“Ayoko nga! Bitawan mo na ako. Kailangan ko ng—”
“I won’t let you go until you give it back to me.” Mas lalo pa niya akong hinapit sa baywang ko at iniangat niya ako sa sahig at naglakad siya paikot sa mesa niya. Umupo siya sa swivel chair niya at pinaupo niya ako sa kandungan niya at ikinadena niya lalo sa baywang ko ang isang braso niya.
“Rufo, please!” kunwari ay naiinis na saad ko sa kaniya. But deep inside of me, gusto kong humagalpak ulit nang tawa dahil sa hitsura niya ngayon. Para siyang bata na inagawan ng laruan. Hindi maipinta ang mukha niya.
“Come on. I still have a lot of work to do, so give it to me, baby.”
“Ayoko nga! Akin ’to, e!”
Tinitigan niya ako nang seryoso. “Or maybe you want me to take the panties you’re wearing now?”
Nanlaki bigla ang mga mata ko. Walang-hiya talaga ang lalaking ito!
“You are a pervert!”
“I am not a pervert. I just want to take back what should be mine.”
Pinanliitan ko siya ng mga mata ko. Pero hindi manlang nagbago ang hitsura niya. Nakakainis!
“Come on, baby.” Aniya at inilahad pa niya sa akin ang isang palad niya.
Tumitig ako lalo sa kaniya, pero sa huli ay hindi ko na napigilan ang mapangiti sa kaniya nang malapad. Wala na rin akong nagawa kun’di ibalik sa kaniya ang panty ko.
“Ang adik mo! Bayaran mo ’yan!” natatawang saad ko na lang sa kaniya.
Mabilis niyang ikinuyom ang kamay niya at sumilay ang ngiti sa mga labi niya. “Sure,” aniya at pinakawalan na ang baywang ko. “You can leave, Ms. Marinduque. You’re disturbing me.” Saad pa niya.
Umalis na nga ako sa kandungan niya at saglit na inayos ang uniform ko. “Bye. See you tomorrow.” Saad ko at naglakad na. Pero hindi pa man ako nakakalapit nang tuluyan sa may pinto ay napalingon ako ulit sa kaniya nang tawagin niya ako.
“Solana!”
“Yes my asukal de papa?” nakangiting sabi ko.
Ngumiti naman siya nang malapad dahil sa sinabi ko saka siya tumayo sa kaniyang puwesto at ibinulsa ulit ang panty ko at naglakad palapit sa akin. Kinabig niya ang batok ko at muling inangkin ang mga labi ko. Pagkatapos ay inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.
“See you tonight, baby!”
I closed my eyes when I heard his raspy voice in my ear. Nagmulat lang ako nang pakawalan niya ang batok ko at binigyan niya ulit ako ng matamis na ngiti nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti sa kaniya. Pagkatapos ay iginiya niya ako palapit sa pinto. Siya ang nagbukas niyon para sa akin.
“Take care.”
“Ingat din mamaya pagkauwi mo.” Saad ko sa kaniya bago ako tuluyang lumabas sa pinto at patakbong tinungo ulit ang hagdan hanggang sa makabalik ako sa library.
“Bakit ang tagal mo bes?” kunot ang noo na tanong ni Millie.
“Sorry, bes. Ang dami ko kasing ihi, e!” hagikhik na pagdadahilan ko na lang at muling dinampot ang librong kunwari ay binabasa ko kanina.