HARPER "T-THOMAS? Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong. "Can we please talk, Harper? I'm sorry for what I did. Please, give me another chance," nagmamakaawa nitong turan. "Thomas, akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Tapos na sa 'tin ang lahat. Hindi dahil inuurong ko na ang kaso ibig sabihin noon ay maaari nang bumalik sa dati ang lahat. Kaya mabuti pa, umalis ka na. Baka makita ka pa ni Uncle Greyson dito, mas lalo pang gumulo ang sitwasyon," pagtataboy ko sa kaniya. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako binibigyan ng pagkakataong makausap ka," pagpupumilit Bago pa man ako muling makasagot ay narinig ko ang isang pamilyar na tinig mula sa aking likuran. "What's going on here?" malamig na tanong ni Uncle Greyson. Mabilis akong bumaling dito, "I got this, uncle. Huwag k