Chapter 15

2378 Words

HARPER PAGKAHINTONG-pagkahinto pa lamang ng sasakyan sa loob ng garahe ay dali-dali na akong lumabas. Hindi ko na hinintay si uncle na makalabas ng sasakyan. "Harper!" Narinig kong tawag niya sa akin ngunit hindi ako nag-abalang lingunin ito o kahit huminto man lamang. Ang tanging nais ko lamang sa mga oras na iyon ay ang magkulong sa loob ng aking kuwarto. "Oh, nandito ka na pala, Harper---teka! Anong nangyari riyan sa mukha mo?" gulat na tanong ni Manang Guada nang mapansin niya ang pamumula ng aking pisngi pati na rin ang maliit na sugat sa gilid ng aking mga labi. "Wala po ito, Manang," wika ko saka dumiretso paakyat sa pangalawang palapag kung saan naroon ang aking silid. "Manang, pakikuha 'yong first aid kit natin." Narinig kong utos nito. "Harper!" muli niyang tawag sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD