Katatapos lamang nilang mag-snorkelling at kababalik lamang ng villa nila ng makatanggap ng tawag si Dante. Nasa banyo noon si Myrtel kaya’t lumabas muna siya upang sagutin ang tawag. “Pierre, anong balita?” “Masamang balita.” Napakabog ang dibdib niya sa paunang salita. He looked at the calm ocean and the blue skies, trying to replicate the tranquility of the scenery in front of him to his feelings. “Bakit?” “I used the name of the girl to find out about the guy pero wala akong nakuha.” “That’s the bad news?” Napakapit siya sa sentido. Kahit kailan ay may pagka-drama ang kaibigan niya. “No. The bad news is that when I tried to search more about them, one common name popped up. Jane De Luca.” Sumikdo ang ugat sa noo ni Dante pagkarinig ng pangalang ‘yon