“Sa tingin ko ikaw ang hindi nakakaintindi.” Hindi napansin ni Myrtel ang pagtayo ni Dante at paghabol. Niyakap niya ito mula sa likuran. “I’m sorry dahil hindi kita mapapagbigyan. Tama ka, you don’t need me. Siguro nga hindi mo ako kailangan. Pero Myrtel, ako, kailangan kita. Tama ka rin na sanay ka na sa buhay na mag-isa. Pero hindi na kailangan maging ganoon ngayon. I’m here. Hindi ko gustong lumayo sa’yo kahit kailan.” He felt her shoulders quake with renewed sobs. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap. “You deserve every attention and affection. Hindi ako naawa sa’yo. I care about you more than you’ll ever acknowledge.” Sinadya niyang hindi lumapit kaagad para maramdaman ni Myrtel bahagya ang pakiramdam niya. He felt hurt that she would even think of leaving him. Ngu