3.3 The Greatest Escape

1218 Words
3.3 Ano na Lorraine? Nang matapos ang usapan Nina Mira at Lorraine sa cellphone.Nanglambot ang mga tuhod ni Lorraine dahilan para mapa-upo siya sa gilid ng kama.Pakiramdam nito ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Hindi niya mapigilan ang panginginig ng katawan, labis rin siyang pinagpalawisan at halos lumabas na ang puso niya sa bilis ng t***k nito. " Anong gagawin ko?...mabubuko ako....anong gagawin ko?....," nalilitong sambit nito. Napatayo si Lorraine, nagpalakad-lakad sa kwarto at nag-iisip ng maaarin niyang gawin para lusutan ang gulong pinasukan niya. " Kalma ka lang, Lorraine...honesty is the best policy....magsabi ka ng totoo sure maiintindihan ka nila," kumbinsi nito sa sarili ng gawin ang tama. Muli napa-upo si Lorraine at tila bumulong ang ibang bahagi ng konsensya niya. " Paano kung magalit 'yung guest?.Isa pa, paano ang gayuma?...tiyak ako may masamang epekto iyong gayuma sa kanya kaya niya kami hinanap....pa'no 'yun?...," saad nito sa sarili na labis na naguguluhan. " Aaahhh!!!....," inis na napasigaw si Lorraine. May kumatok sa pinto ng kwarto nila, bilang kinabahan si Lorraine.Bukas ang pinto kaya sumilip na lang ang kumatok. " Ayus ka lang Lorraine?...may problema ba?," tanong ng isa nilang ka-boardmate ng marinig ang disperadong pagsigaw nito. "Ah, O-oo, may nakita lang akong ipis.Nagulat lang ako," sagot ni Lorraine. " Okay," sambit ng ka-boardmate nito na umalis na rin. Saglit na kumalma si Lorraine dahil sa nangyari.Huminga ito ng malalim at mahaba. "Okay, Lorraine kaya mo 'yan basta gawin mo ang tama...," sambit nito sa sarili. Napaigtad si Lorraine ng biglan nag-ring ang cellphone niya. " Hello!,Ma," sagot nito. " Opo, gagawan ko ng paraan," sunod nitong sagot.Napatulala na lang si Lorraine matapos tumawag ng Ina. PARA maka-sigurado pinasamahan ni Emman si Mira kay Alfred para sunduin si Lorraine.Habang nasa kotse pabalik ng boarding house hindi pa rin lubos maisip ni Mira na posibleng magawa ni Lorraine ang ganun bagay.Kung sakali man anong dahilan nito?...pero habang gusto niyang paniwalain ang sariling na hindi kayang gawin iyon ng kaibigan may nagbigay ng pagdududa sa kanyang isipan. Una, ang kakaibang tindahan pinuntahan nila, ni hindi nga niya alam kung ano bang kailangan ng kaibigan doon, kung bakit sila pumunta dun at basta na lang sila umalis.Ganun rin ang kakaibang ikinilos nito sa hotel room, kung bakit wala na ito sa kwarto pagbalik niya.Marami mang rason para paghinalaan ni Mira ang kaibigan pero pinilit pa rin nito na pagkatiwalaan si Lorraine.Buo ang tiwala nito sa kaibigan.Mas madali at katanggap-tanggap isipin na sobrang masama ng ugali ni Emman kaya kinulam ito ng kung sino man.Para kay Mira hindi iyon kayawang gawin ng kaibigan. Pagbaba ni Mira ng kotse kaagad niyang nakasalubong ang ka-boardmate na si Nina. " Uy....Mira, sosyal ah, ano 'yan sa jowa mo?," biro nito ng makitang bumaba ng magarang kotse si Mira. " Hindi...ano ka ba?...," saway ni Mira, " Si Lorraine?...," sabay tanong nito. " Ewan ko lang....pero nakita ko siyang umalis may dala nga siyang mga gamit.Hindi mo alam?,hindi siya nagpaalam sa'yo?," pagtatakang sagot-tanong ni Nina ng malamang walang alam si Mira sa pag-alis ni Lorraine. Gusto ng kabahan ni Mira ng marinig na umalis si Lorraine ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano.Tinawagan niya 'to ngunit hindi ito sumasagot s tawag niya.Imposibleng kung saan-saan pa ito pumunta at bakit may dala pang mga gamit???.... Mula sa kotse nakita ni Alfred ang reaksyon ng mukha ni Mira sa kausap nito kaya bumaba na rin siya. " Miss Santiago," tawag ni Alfred paglabas ng kotse. Nabigla si Nina sa presensya ng secretary, masyado itong pormal. " Sino siya?," usisa ni Nina. " Wala....basta," tipid na sagot ni Mira. " Sige mauna na ako," paalam ni Nina. " Sige...," sagot ni Mira. Lumapit si Alfred kay Mira para alamin kung ano nga ba ang nangyayari. " May problema ba Miss Santiago?,". " Wala naman, pasok muna ako, tatawagin ko si Lorraine," pagsisinungaling si Mira para pagtakpan ang kaibigan. Madaling pumasok sa loob ng boarding house si Mira.Pagpasok niya sa kwarto nila ni Lorraine, wala na nga ang halos lahat ng mga gamit nito.Umalis na nga ang kaibigan na hindi nagpapaalam, nanghina ang tuhod ni Mira na napaupo na lang sa kama.Ayaw niyang isipin na tumakas si Lorraine pero iyon lang ang tanging paliwanag ng pag-alis nito. " Mira...ayus ka lang?," tanong ng isa pang ka-boardmate nila na si Ellie na nakasilip sa kwarto. Nag-alala ito sa hitsura ni Mira.Sinubukang tawagan ni Mira si Lorraine pero hindi na ma-contact ang cellphone nito. " H-hindi ko alam...ano ba kasing nangyayari???...," honest na sagot ni Mira.Litong-lito siya sa mga pangyayari, ni wala naman siyang alam at kinalaman sa kung anuman ang ginawa ng kaibigan. " O, may sulat na nakaipit...may pangalan mo," pansin ni Ellie ng maupo ito sa kama ni Lorraine. Kaagad na kinuha ni Mira ang sulat.Umaasa siyang may magandang paliwanag si Lorraine sa nangyayari.Madali niya itong binasa. Ang laman ng sulat ni Lorraine...... Mira, Una sa lahat gustong kong magpasalamat sa kabaitan mo sa'kin.Naging mabuti kang kaibigan pero hindi ko man lang nasuklian iyon.Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko sa'yo...maniwala ka man o hindi; ayaw kong gawin ito pero nagigipit na ako....hindi ko rin ginustong madamay ka sa palpak ng gayuma na nabili ko lang ng 500 pesos, sana pala 'yung mas mahal para effective talaga.Nang tawagan mo'ko tungkol sa guest ng siyang tumawag sa'yo, hindi ko alam ang gagawin.Hindi ko naman inisip na hahanapin pa niya ako at hindi ko rin siya matutulungan dahil hindi ko rin alam kung paano siya nagka-ganoon....patawad...ihingi mo na lang ako ng tawad sa kanya, hindi ko naman ginusto ang mga nangyari.Isa pa wala rin akong maitutulong sa kanya. Ngayon lang nakumbinsi ni Mira ang sarili na si Lorraine nga ang may kagagawan sa nangyari kay Emman.Pero may idadagdag pa pala sa gulo ng sitwasyon niya ngayon. PS.....hiniram ko muna ang inipon mong pera.Kailangan na kailangan dahil kakatawag lang ni Mama, inatake na naman si Tatay kaya kailangan ng kailangan ko ng pera.Maniwala ka babayaran kita at may interes pa.... Dugtong sa sulat ni Lorraine.Parang gustong himatayin ni Mira pero ng maisip ang pahabol sa sulat ni Lorraine, napatalon ito kung saan niya itinago ang lahat ng kanyang ipon.Wala na ang secret book niya kung saan nakatago ang inipong pera, kahit ang lalagyan ay kinuha nito.Pero kahit papaano ay may iniwang pera si Lorraine. " Bakit?...Anong nangyari?...," pagtataka ni Ellie sa naging reaksyon ni Mira matapos basahin ang kabuuan ng sulat ni Lorraine.Hindi binasa ni Mira ng malakas ang sulat kaya ganun na lang ang pagtataka ni Ellie sa naging reaksyon nito. " Mira...Mira...ayus ka lang ba?," paulit-ulit na tanong ni Ellie kay Mira na parang walang naririnig ito. " Ang ipon ko....hindiii...hindi...paano niya nagawa sa'kin 'to?....," hindi makapaniwala si Mira sa ginawa ng kaibigan.Dama niya ang pakiramdam ng tinatraydor. Buo ang tiwala niya kay Lorraine at kahit pa na totoong ito ang may kasalanan sa nangyari kay Emman, kaya niya itong intindihin.Kaya niya itong tulungan at hinding-hindi niya iiwan kahit ano man ang mangyari ngunit ngayon siya ang iniwan nito ng basta-basta lang. Gerona J.R.. Author's note: Oh,my...my gulay....ano ng mangyayari kay Mira ngayong umeskano na si Lorraine???.Iniwam siya sa ere... Eh, ano ng mangyayari kay Emman?...magiging forever hamster na na siya?.... Ano na?...paano na???... Basahin ang susunod na kabanata....salamat ng marami sa mga bumabasa....sana pa-vote at pa-comment na rin...???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD