3.2 Muling Pagkikita

2610 Words
3.2 It's you Again PAGDATING ni Mira, ang clerk ang sumalubong sa kanya.Isang mataray na Ivy ang grabeh kung makatitig sa kanya.Head to foot with matching taas pa ng kilay at kulang na lang ay interogahin siya nito. 'Ano kayang problema nito?....' bulong ni Mira na naiilang sa mga titig ni Ivy sa kanya. " Anong kailangan mo dito?....bakit ka pinatawag ni Sir?" sunod-sunod na tanong ni Ivy ni kay Mira na tila namemersonal na ito. Tipid na ngumiti si Mira. " Ang totoo hindi ko rin alam, basta pinapunta lang ako dito," honest na sagot ni Mira. " Hindi mo alam?...imposible naman 'ata 'yun...," pagdududang sabi ni Ivy na walang nakuhang impormasyon kay Mira. " Miss Santiago?," tawag ni Alfred na madaling nakilala si Mira dahil sa picture na nakuha nila sa dating pinagtatrabahuan nito. " Yes, Sir...," sagot ni Mira.Natigil si Ivy sa pagtataray dito. " Please....follow me," ani Alfred. " Okay po,".Sumunod si Mira kay Alfred na clueless kung bakit ito pinatawag. Nakataas muli ng kilay si Ivy habang pinanonood na umalis ang dalawa.Batid ni Ivy na may something Kay Mira dahil espeyal na pinatawag ito ni Emman, hindi lang basta tungkol sa trabaho ang pakay nito....may iba pa...may naaamoy na hindi maganda si Ivy kay Mira hindi lang niya mawari kung ano. Habang papunta sa opisina hindi mapiglan ni Alfred na usisain si Mira.Dahil sa nangyari kay Emman naging misteryosa ang tingin nito kay Mira.Para kay Alfred wala naman sa mukha ni Mira na mangkukulam ito, o aswang o kayang gumawa ng kahit anong kababalaghan dahil masyadong inosente ang mukha niya. " Miss Santiago, anong probinsya niyo?," awkward na tanong ni Alfred kay Mira. Kahit si Mira ay medyo napa-isip sa tanong na iyon. " Ah, wala po akong probinsya," sagot nito. " Wala?," hindi inaasahang ni Alfred ang sagot na iyon. " Opo," sagot ni Mira. Pagpasok ni Mira sa opisina kaagad nitong napansin ang ganda ng lugar at ang magandang view nito sa glass ng dingding ng building.Talagang yayamanin ang peg ng buong kwarto at mukhang metikuloso ang may-ari nito. " Wow...ang ganda...parang hotel room...," manghang-manghang bulong ni Mira na ngayon lang nakakita na isang magarang opisina,walang-wala kung ikukumpara sa opisina ng dati nilang manager. " Sir, nandito na po siya...," pagpapa-alam ni Alfred sa presensya nila.Nakaharap si Emman sa view kaya ibig sabihin nakatalikod ito sa dalawa.Walang kaalam-alam si Mira kung anong ginagawa niya sa opisina nito. Humarap si Emman.Tiningnan niyang mabuti si Mira, hindi siya maaring magkamali, si Mira nga ang babaeng nakabangga niya at kasama niya sa hotel room. " Ikaw 'yun! 'yung lasing na lasing na guest sa party ni Mr. Lopez....," medyo gulat na reaksyon ni Mira ng makita si Emman.At ang reaksyon na iyon ang nagkumpirma na si Mira nga ang tinutukoy na babae ni Emman. " Buti naman naaalala mo pa ako," sarkastikong sagot ni Emman kay Mira. 'Wow...ang sungit hah...mas okay kung lasing siya...', bulong ni Mira sa reaksyon ni Emman pero narinig siya ni Alfred na simpleng napangiti sa sinabi nito. " Anong ginawa mo sa'kin?," hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Emman na kaagad na dineretsa si Mira. Napakunot ng noo si Mira parang may masamang hanging dumaan sa mukha niya. 'Anong ginawa ko sa kanya?....anong pinagsasabi nito?....,' napaisip siya.Binalikan niya ang nangyari kagabi ng makasalubong niya si Emman para isipin kung ano ba ang pinagsasabi nito pero wala siyang maisip na ginawang masama sa lalake kung tutuusin dapat nga ay pasalamatan siya nito...... 'Sandali lang sa tono ng lokong 'to....Oh my...pinag-iisipan ba niya ako ng masama?...iniisip ba niyang pinagsamantalahan ko siya???...ang kapal naman pala ni kuya...,' bulong ni Mira isipan. Nag-iba ang tono ni Mira. " Excuse me Sir,hindi ko po kayo maintindihan pero ganito po ang nangyari...," tila flashback ng magsimulang ikwento ni Mira ang nangyari kagabi, "....nakasalubong ko po kayo sa hallway at lasing na lasing kayo.Ang buong akala ko nga po eh kaya niyo pang maglakad kasi ilang beses niyo akong tinanggihan na tulungan kayo pero bumagsak na kayo...as in knock out...tapos-," hindi pa nakakatapos si Mira sa kwento nito ng sumingit na kaagad si Emman. " Tapos dinala mo'ko sa isang hotel room," dugtong ni Emman sa kwento ni Mira. " Opo.Naalala mo naman pala," sagot ni Mira. " E, anong ginawa mo sa'kin sa hotel room?," buong pagdududang tanong ni Emman. Nanlaki ang mata ni Mira, ' Ang intense naman 'ata nitong magtanong.Talaga bang iniisip nitong pinagsamantalahang ko siya???...grabeh....kung maka-reak 'to daig pa ang babae..bakit porke gwapo siya?.....anong akala nito sa'kin.....grabeh na siya....,' reklamo ni Mira sa isipan.Kasungitan at kaartehan ang naging unang impresyon ni Mira kay Emman na tumataktak sa kanya. " Wala akong ginawa sa'yo...hindi ba,ikaw ang may ginawa sa'kin,".Parehong nabigla si Emman at Alfred sa sinabi ni Mira. Nagtinginan sina Alfred at Emman. Kaagad na naging defensive si Emman sa sinabi ni Mira. " A-anong pinagsasabi mo?.Ano namang pwedeng gawin ko sa'yo?....hoy kahit na lasing ako nun -," natigilan si Emman dahil napansin na rin niyang nagiging O.A. na siya at super defensive. " Grabeh...sa lahat...'yun pa ang hindi mo maalala?...alam mo sa tingin ko dapat singilin kita sa ginawa mo?...hindi ko na 'yun trabaho," napapailing na sagot ni Mira na wala ng pakialam kung sino man ang kaharap niya ngayon. " Singilin?...," gulat na reaksyon ni Ivy na nakikinig pala sa usapan.Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naririnig nito ang usapan sa loob,maging siya ay nabigla sa mg rebelasyon "At ,anong ginagawa mo rito, Miss Ivy?," napaigtad si Ivy ng mahuli ni Alfred na nakikinig sa usapan sa loob. " Ah, napadaan lang ako," katwiran nito. " Kung ganoon,mawalang galang bumalik ka ma sa pwesto mo," ani Alfred, na pinagtatabuyan na siya. Tumango si Ivy, "Oo, babalik na nga ako, eh...napadaan lang naman," dahilan pa rin nito. " Sabi ko na nga ba masama ang pakiramdam ko sa babaeng 'yun," bulong ni Ivy habang papalayo. Nang makalayo na si Ivy, ini-lock ni Alfred ang pinto para siguraduhing walang makikinig sa usapan sa loob. Dahil sa init ng usapan hindi na napansin ni Emman at Mira ang nangyari sa may pinto. " Hoy...babae ka...kung anu-anong pinagsasabi mo sa'kin.E, ikaw nga 'tong may kung anong ginawa sa'kin," sumbat ni Emman. " Hoy....maarteng lalake!...ikaw ang may atraso sa'kin.Ako na nga ang nagmagandang-loob na tumulong sa'yo na naging dahilan pa nga ng pagkatanggal ko sa trabaho kaya-," At nagsilbing confession ang mga sinabi ni Mira sa tainga ni Emman kaya hindi na nagdalawang-isip pa ito, " Kaya...ano?....kaya kinulam mo'ko?...kaya isinumpa mo'kong maging hamster?...," dugtong ni Emman. Natigilan si Mira.Napa-isip sa sinabi ni Emman. 'Ano raw?....kulam??...hamster?...at talagang hamster? Hindi man lang daga?...ang sosyal naman,hah,," naguguluhan si Mira sa mga pinagbibintang sa kanya. " Hoy!...hindi ko masakyan ang trip mo.Lasing ka pa 'ata....alam niyo sinasayang niyo ang oras at pera ko sa pagpunta dito!... ang layo kaya nito kinailangan ko pang mapasahe ng mahal...," parang bulkang sumabog si Mira. Natulala ang dalawang lalake sa pagtaas ng boses ni Mira, "....minsan talaga hindi mo mahahalata kung sino ang may saltik," inis na inis na dagdag ni Mira sa antipatikong lalaking nasa harapan niya.Sa sobrang inis nito basta na lang niya tinalikuran si Emman para umalis ng opisina..... " hindi ko na matagalan ang lalakeng may saltik na 'to...talagang sinasadyang lang ang oras ko,". " Hoy!!...sinong may sabing umalis ka....hoy!!!...,"sigaw na pigil ni Emman kay Mira na hindi siya pinakikinggan, " Alfred pigilan mo siya," sabay utos ni Emman. Naguguluhan si Alfred sa takbo ng pangyayari pero nakasanayan na niyang sumunod kay Emman kaya pinigilan niya si Mira ng maayus. " Miss Santiago, pakiusap huwag muna kayong umalis....,". Kahit na naiinis si Mira hindi niya kayang mandamay ng ibang tao.Mabait sa kanya si Alfred na maayus na nakiusap pero kailangan niyang tanggihan ito, " Sorry po talaga Sir, pero sa tingin ko ang laki ng problema ng boss niyo.Mabuti pa siya na lang ang intindihin niyo...ipa-check niyo na po," pagtitimping sagot ni Mira. Walang nagawa si Alfred ng hindi niya napakiusapan si Mira pero bago pa man makaabot sa may pintuan ito napigilan na siya ni Emman na hinawakan siya sa braso. " Bitiwan mo nga ako," sinubukan ni Mira'ng kumawala sa pagkakahawak ni Emman sa kanya pero hindi ito pumayag. " Hin-," hindi na naituloy ni Emman ang sasabihin ng maramdaman niyang napapabahing siya. " H-ha-hatsingggg!!...," At mismo sa harapan ni Mira naglaho si Emman.Kasabay ng pagbahing nito parang bulang naglaho si Emman.Nalaglag na lang basta ang mga damit nito sa sahig. Nanlaki ang mga mata ni Mira sa pagkagulat, " A-a-a-anong na-nangyari...na-nawa-wala siya...nawala na lang bigla...parang-para...anong mangyayari???..," gulat na gulat na reaksyon ni Mira.Parang magic na disappearing act ang nasaksihan niya at hindi na alam ni Mira kung ano na nga ba ang nangyayari.Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. " Hindi siya nawala....," lumapit si Alfred sa naiwang damit ni Emman at kinuha ang hamster na nakatago sa ilalim ng damit, "....ito siya...," dugtong ni Alfred na pinakita ang hamster.  Disclaimer Hindi po sa'kin ang picture na ito.Tanging nakuha lang ito sa internet at ginamit para sa imagination purposes only ng kwentong ito. Plagiarism is a crime "Ha-ha....," hindi alam ni Mira kung tatawa ba siya o maiinis o magagalit sa sinabi ni Alfred. " Naging hamster siya?...hamster???....anong nangyayari dito???...sandali lang....pinagtitripan niyo ba ako...hindi totoo 'to....kalokohan lang 'to....gawa-gawa niyo lang...," hindi makapaniwalang reaksyon ni Mira ngunit habang litung-lito sa mga pangyayari mas lalo nawindang si Mira sa mga sumunod na pangyayari. Ilang saglit lang ay tumalon ang hamster at sinundan ng tingin ni Mira at Alfred.At doon na nasaksihan ni Mira ang mas nakakabaliw na pangyayari ng maging tao ito muli, naging si Emman. ".....hamster naging tao...siya 'yung hamster...hindi 'to totoo.....hindi...hindi..panaginip...tama nananaginip lang ako....," bumalik si Emman ngunit wala ng samplot ito kaya hindi na kinaya pa ni Mira ang mga nakakalokang pangyayari at tuluyan na itong hinimatay na mabilis namang nasalo ni Emman bago pa tuluyang bumagsak sa sahig. "Hay, pasaway na babae," sambit ni Emman habang nasa mga bisig niya ito. Nagising sa malawak na couch si Mira, ang buong akala nito isang panaginip lang ang lahat ngunit ng makita nito si Emman parang gusto nitong himatayin ulit. " Kamusta ang pakiramdam niyo Miss Santiago?," concern na tanong ni Alfred na inabutan siya ng bottled water.Gustong isipin ni Mira na panaginip lang ang lahat pero hindi, isang malaking kalokohan ang nangyari pero nasaksihan niya mismo ito. " Sandali lang, 'yu-yung-," hindi matapos-tapos ni Mira ang gusto nitong sabihin. " Oo, hindi 'yun panaginip kaya pwede ba huwag ka ng umarte na wala kang alam," sagot ni Emman. " Pinagbibintangan niyo kong mangkukulam?.N-na ako ang may gawa sa'yo ng kung ano mang kababalaghang nangyayari,?.Kaya niyo pala ako pinatawag?," hindi makapaniwala si Mira. " Miss Santiago, alam kong mahirap intindihin at paniwalaan ang sitwasyon pero nasaksihan mo naman ang nangyari kaya nagbabakasakali kaming may alam ka," maayus na paliwanag ni Alfred bago pa man may tuluyang mainis sa dalawa sa isa't-isa. " Pero wala talaga akong alam kaya wala akong maitutulong sa inyo," mariing sagot ni Mira kay Alfred. " Ikaw lang ang huling kasama ko sa kwarto.At nangyari lang naman sa'kin 'to matapos ng gabing 'yun.Isa pa may naaalala ako, may pina-inom ka sa'kin," katwiran ni Emman na ginigiit na may kinalaman si Mira sa nangyayari sa kanya. Hindi na nagawa pang magtimpi ni Mira kay Emman. " Wala akong pinainom na kahit na ano sa'yo.Isa pa hindi lang ako nasa kwarto nun dalawa kaming pinagtulungan kang ihatid sa kwarto ng hotel, ang bigat-bigat mo kaya hindi kita kaya mag-isa," paglilinaw ni Mira. " Dalawa kayo?!....," gulat na reaksyon ni Alfred na tila may ibig sabihin ito.Parehong napatingin sina Emman at Mira kay Alfred sa reaksyon nito. " May iba ka bang iniisip?," tanong ni Emman. " Wala naman po, Sir....nililinaw ko lang....," sagot ni Alfred. Saglit na nagulo ang usapan pero kaagad na bumalik ang buong atensyon ni Emman kay Mira. " Kung ganun 'yung kasamahan mo ang may kasalanan,at magkasabwat kayo!," walang pagdadalawang-isip na bintang ni Emman. Hindi na makayanan ni Mira ang pagka-antipatiko at pagiging masungit ni Emman. " Ang sama ng ugali mo, noh. Ni wala kang ngang ebidensya puro ka lang bintang.Hindi ka namin kinulam, pwede ba sa sungit at sama ng ugali sure akong may mga taong galit sa'yo, sila ang pagbintangan mo....," inis na sagot ni Mira. " At bakit naman kita paniniwalaan?....kayo ng kaibigan mo?,"sarkastikong tanong ni Emman. Sasagot na sana si Mira. " Kasi-," natigilan ito.Ngayong lang niya naisip na iniwan nga pala niya si Lorraine sa kwarto na silang dalawa lang ni Emman para magpalit ng damit dahil sinukahan siya nito.Pero kahit na ganun ayaw isipin ni Mira na may kinalaman ang kaibigan sa nangyayaring kababalaghan kay Emman, hindi mangkukulam si Lorraine at naniniwala siyang hindi 'yun kayang gawin nito buo ang tiwala ni Mira sa kaibigan. " Hindi ka nakasagot kaagad kasi hindi ka rin sigurado," sarkatikong sita ni Emman. Dahil nagsisimula na namang magkatensyon sa opisina umawat na si Alfred na parang gustong pumito at sumigaw ng ' Time Out!'. " Miss Santiago, para magkaroon ng linaw ang lahat ng 'to, gusto naming maka-usap ang kaibigan mo," ideya ni Alfred na sumingit na sa usapan. Napa-isip si Mira.Walang ibang paraan para patunayan na inosente si Lorraine, silang dalawa kundi ang maka-usap nila ito kaya pumayag na rin siya. " Sige po, tatawagan ko lang siya,". " Sigurado ka???...paano kung bigla na lang tumakas ang kaibigan mo?...," walang tiwalang sabi ni Emman. Mapupuno na si Mira sa pagiging antipatiko ni Emman sa kanya. " Hindi siya tatakas dahil wala siyang ginawang masama," depensa ni Mira para sa kaibigan.... 'kaya ka siguro kinukulam ka, ang sama ng ugali mo,' bulong na dugtong ni Mira. Kaagad na sinagot ni Lorraine ang tawag ni Mira, " Hello!, Mira.Napatawag ka?.Kamusta ang lakad mo?," bungat ni Lorraine. " A, okay naman....siguro??? kahit papaano?!..," hindi malinaw na sagot ni Mira. Nagtaka si Lorraine sa sagot ng kaibigan, " Bakit?.Ano bang nangyari?," tanong nito. Hindi alam ni Mira kung papaano ipapaliwanag kay Lorraine ang nakakalokang nangyari sa kanya, " A, ano kasi...magulo...basta.Saka ko na lang ipapaliwanag," sagot ni Mira. " Okay, eh bakit ka nga napatawag?," tanong ulit ni Lorraine. " A, ano kasi..., naalala mo 'yung guest na tinulungan natin sa hotel may kung anong nangyari sa kanya....kailan ka niyang maka-usap," sagot ni Mira. Nang marinig ni Lorraine ang sinabi ni Mira para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Hindi niya sinasadya ang nangyari ng gabing iyon kaya tinakasan niya ito pero hindi naman niya inisip na hahapin pala siya nito.Hindi alam ni Lorraine kung anong gagawin ngayong hinahanap siya ng lalaking ginawa niyang isang hamster. "Hello!....Lorraine!...Lorraine!....," ulit ni Mira ng hindi nakasagot kaagad ang kaibigan. " A, o-oo...," sagot ni Lorraine, "....sige, walang problema,". " Saan ba 'yan?...pupuntahan kita," dugtong nito. "Sandali lang," ani Mira na kumpiyansa sa kaibigan. "Pupunta siya rito.Hindi pa ba 'yun sapat para patunayan hindi kami guilty sa kung anumang nangyari sa'yo?," antipatikong sambit ni Mira kay Emman. " Let's see,sabihin mo sa kaibigan mo na ipasusundo ko siya, para maging maging madali," antipatikong sagot ni Emman. " Okay," sagot ni Mira. "Mas mabuti pa sumama ka para maging madali ang lahat," saad ni Emman na wala pa ring tiwala kay Mira. " Walang problema," inis na sambit ni Mira. " Okay, mabuti pa umalis ma tayo," singit ni Alfred bago pa man magka-inisan ang dalawa. Gerona J.R... Author's note: Naku...naku....ito na....magkakaalaman na nga ng tunay na nangyari....anong gagawin ni Lorraine???..aamin ba siya?...mawawala ba ng side effect ng gayuma???....basahin ang next part. Thanks sa mga nakarating sa bahagi ng kwentong ito.Sana huwag niyo ng ipagkait ang pa-vote at pa-comment na rin...thanks again...????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD