Apple Antoinette Maraño Tatlong araw na kami dito sa Negros. Sa loob ng tatlong araw na iyon, nakita kong nakuha na ni Jeremy ang loob ng nanay ko maging ni Aling Minchie. Kung ano anong binili niya para sa amin. Minsan ay dinala niya sina nanay sa mga shopping mall sa Dumaguete City. Kaya naman ay pinagsabihan ko misan si nanay na wag tumanggap ng ano-ano na galing kay Jeremy. Pero madalas ay lagi naman akong sinabihan ni nanay na binigay niya ito ng kusa kaya sino naman sila para tanggihan ang biyaya. Hindi na lang ako pumalag dahil at mauwi na naman sa pagtatalo. Gaya ngayon, Nag-aya si Jeremy namamasyal daw sa mga tourist spot dito. Maghipit akong tumutol doon ngunit sabi ni nanay ay minsan lang naman daw kaming nandito kaya sulitin para makapasyal naman sa mga magagandang lugar dito