Chapter 22

1435 Words

Apple Antoinette Maraño Kabado na ako habang papalit sa mansion. Ano kaya ang sasabihin ko sa asawa ko. Panigurado marami ang tanong sa akin. Naramdaman kong pinisil ni Jeremy ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya. "Relax, babe. Hindi nangangain si daddy," natatawa na sabi niya sa akin. "Heh!" tinampal koang kamay niya. "Wag mo nga akong mabiro-biro ng ganyan. Kinakabahan ako. Hindi ko pa nakikita na galit sa akin ang daddy mo." Sabi ko sa kanya. "Kaya nga relax lang okay? Hindi ganun si daddy," sabi niya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita dahil pakiramdam ko mas lalo lang akong kinakabahan kapag nagsasalita pa ako. Nang nasa bungad na kami ng mansion napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko ay bibitayin ako anumang oras. Kinakabahan may ay pinilit kong ikalma ang sarili.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD