CHAPTER 9

1136 Words

Dinala ko na ang mga damit ng Young Master sa laundry para malabhan na. Pagdating ko, nakita kong naglalaba rin si Kadilyn. "Hara, bakit ang tagal mo yata sa kuwarto ng Young Master. Oy ikaw ha? Ayieee!" namula naman ako sa pang-aasar ni Kadilyn. "Magkuwento ka dali anong nangyari, may nangyari ba?" tanong nito, at halata mong kinikilig siya. "Walang nangyari kaya, huwag kang mag-isip nang kung ano ano!" sabi ko. "Nagpapalaba lang kaya ang Young Master..." sabi ko pa "Ay gano'n ba, akala ko pa naman may nangyari na." "Tss. Ang kapal naman ng mukha ninyo mga malalandi." sabi ng isang katulong. "Hoy bruha, kung naiingit ka pumikit ka na lang!" sabi naman ni Kadilyn sa babae. "Hindi ako naiingit sa kalandian ninyo tse!" sabi nito. Kapal naman ng mukha niyang sabihan kaming malandi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD