Chapter Three

2297 Words
Sabay kaming lumabas ni Julianne sa elevator nang bumukas ito sa seventh floor. Sumunod kami sa hotel attendant na naghatid sa amin at huminto siya sa harap ng suite na kinuha ng lolo ni Timothy para sa amin. Kasunod niya ang bell boy na dala ang mga bags namin ng best friend ko. "Thank you," nakangiti naming sabi ni Julianne pagkatapos niyang ibigay ang keycard. Hinintay naming maibaba ng bell boy ang lahat ng mga bags na dala namin bago ko siya binigyan ng tip. Isinara ko ang pinto nang lumabas siya at lumibot na sa loob ng suite ang best friend ko. "Oh, there is a second floor?" tanong niya habang umaakyat sa spiral staircase na malapit sa pinto ng kwarto. It is a two-story suite. "Come up here. It is nice!" sigaw niya pa. Ibinaba ko ang keycard sa marble table at sumunod sa best friend ko pagkatapos kong ayusin ang mga bags namin sa loob ng kwarto. "There is a complimentary wine here," turo ni Julianne habang nakaupo siya sa isang magandang couch. "And a note. It says, 'Congratulations!'. Weird." I received an invite from Timothy's grandfather last week Bea his secretary. It is for a special gathering as stated in the invitation but the event was not specified. The information regarding the event is vague. Ni hindi ko nga alam kung para saan ang special gathering na ito. Kung mayro'n bang may birthday o kung ano pa man. There is even a reminder that everyone needs to come in a semi-formal attire. Nagdala pa tuloy kami ni Julianne ng long dresses. "Maybe it is just a mistake?" sabi ko naman nang maupo ako sa tabi niya. "Well, siguro nga?" nag-a-alangan niyang sang-ayon. "Do you want a drink?" tanong niya pa at tumango na lang ako kaya binuksan niya ang wine. Curious kong tinanggal ang itim na card na nakatali sa wine bottle. Nagtaka rin ako tulad ni Julianne kung bakit 'Congratulations!' ang nakasulat dito at hindi welcome message mula sa management ng hotel. This is really weird. "Nandito ang buong clan ng Pangilinan," kuwento sa akin ng best friend ko pagkatapos niya akong abutan ng wine glass. "Tumawag ako sa reception area. Most of the suites are occupied by them." "Of course, it will be. I told you that there is a special gathering with their family that is why we are in a hotel," sagot ko sa kanya. "Aalis din tayo pagkatapos kong makipag-usap sa lolo ni Timothy. I have no plans of staying here. Naghihintay lang ako mula sa secretary niya kung anong oras siya magiging available para makipag-usap sa akin." "For what event?" kunot-noong tanong ni Julianne. "Don't you find it weird?" "Why?" Nagkatinginan kami at napalunok ako. "s**t!" "What if..." she trailed off at mabilis kong tinignan ang likod ng note na hawak ko. May calligraphy font ito at nakalagay ang pangalan naming dalawa ni Timothy gamit ang silver ink. "TODAY IS MY ENGAGEMENT PARTY?!" gulat kong sabi. "WHAT THE ACTUAL FU—!" "Oh my gosh! I told you, something feels off!" sabi naman ni Julianne at nagtaka siya nang tumayo ako mula sa couch. "Alex, where are you going!?" "Hindi ako pumayag, Julianne! Bakit may engagement party?!" galit kong sabi. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan papunta sa first floor ng suite namin habang ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit. Nakasunod si Julianne sa akin at padabog kong tinawagan ang front desk sa lobby. "I will kill that old man! Seriously!" deklara ko nang makumpirma ko na engagement party nga ang event kaya nandito ang buong clan ng Pangilinan. Goddamn it! "Alex, calm down! Do not do anything that you will regret," she reminded me. "No, Julianne! I need to speak my mind and put an end to this madness! This is absurd!" Lumabas ako mula sa suite namin at galit na galit kong hinanap ang kwarto ng lolo ni Timothy dahil ayaw ibigay sa akin ng receptionist ang room number niya. Privacy reasons my ass! They could not even respect mine! Nakasunod pa rin si Julianne sa akin habang pilit akong pinapakalma at pinipigilang katukin ang bawat pinto. "Alex!" saway niya at natigilan kaming dalawa nang makarinig kami nang sigawan mula sa loob ng suite na kakatukin ko dapat. "Pa, ayoko nga sabi! Ilang beses ko pa bang uulitin ‘to sa inyo!? I will not marry that girl!" rinig kong sigaw niya mula sa loob. Me and my best friend did not mean to eavesdrop, but they are all shouting inside their suite and I immediately recognized their voices. "Timothy, don't you dare raise your voice at me like that!" Wala nang nagsalita pagkatapos ng sigaw na ‘yon. Nagpalitan kami ng tingin ng best friend ko. Naghintay ulit kami ng ilang minuto hanggang muli kaming makaraninig ng sigaw. "Timotheo, nag-uusap pa tayo! 'Wag mo akong tinatalikuran! Timotheo!" Nawala ang galit ko at napalitan ng tawa nang tawagin siyang 'Timotheo' ng papa niya. His real name sounds to old school! Tawa kami nang tawa ni Julianne at kumunot lang ang noo ko nang hinila niya ako sa gilid. Natahimik siya at napalunok. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong sinasamaan kami ng tingin ni Timothy na nakatayo na ngayon sa harap naming dalawa. "Ano’ng nakakatawa?" iritadong tanong niya. "Wala! Sungit!" sagot ko at hihilahin ko na sana ang best friend ko pabalik sa suite namin nang marinig ko ang boses niya. "Who are you? And what the hell are you doing outside our suite?" tanong niya at sabay-sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto ng suite na tinutukoy niya. "Timothy—oh, Alex! What are you doing here?" tanong Tito Robert—ang papa niya, nang lumabas ito sa suite. Ibinaling ni Timothy ang tingin niya sa akin pagkatapos banggitin ng papa niya ang pangalan ko.  "You are Alex?" tanong niya. Umirap ako bago tumango at nagtiim-bagang agad siya. Mabilis siyang lumapit sa akin at marahas niyang hinawakan ang pulsuhan ko para hilahin ako papunta sa grand staircase. He's literally dragging me. What an ass! "Dahan-dahan naman! Yes, fiancée mo ako but that does not give you the right to drag me from the seventh floor until here in the lobby, BY STAIRS." I made sure to stress the last two words for him to realize what he did but it does not seem to get through him. "Fiancée my ass," mayabang niyang sagot habang kinakaladkad pa rin ako. Ako naman si tanga, nagpatianod lang at sinusubukang sumabay sa kanya. Nagtaka ako nang bigla siyang huminto. Marahas niya akong binitiwan bago niya isinara ang pinto. Do'n ko lang napansin na nasa loob na pala kami ng men's comfort room. What the hell?! "Kay, wala akong pakialam sa kasunduan na sinasabi nila sa atin. You are not my fiancée and I am not marrying you, okay?" mariin niyang sabi na parang may galit sa bawat salitang binibitiwan niya sa akin. Marahas niya akong pinakawalan kaya napasandal ako sa pader. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at matapang ko siyang tinignan. “What?” I taunted him. "Please do me a favor? Stay out of my life." There! Then he slammed the door in my face. Asshole! Mabilis ko siyang sinundan. Gigil na gigil ako sa kanya at hindi ko pinansin ang mga tingin ng mga tao nang magkasunod kaming lumabas mula sa men's comfort room. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay kung paano ko sasakalin si Timothy. How dare he?! Akala niya ba, gustung-gusto ko ang setup namin? Ang kapal! Bigla tuloy akong napaisip kung bakit ko nagustuhan ang mayabang na 'to. What a waste of time! "HOY TIM—Oh my god! Teka! Saan niyo siya dadalhin?!" Nag-panic ako nang makita kong may dalawang lalaking humihila sa kanya papunta sa elevator. "f**k! ANO BA! BITIWAN NIYO NGA AKO SABI!" sigaw niya habang nagpupumiglas pero masyadong malaki ang mga ito kaya wala siyang nagawa. Hahampasin ko sana sila ng heel ng isa sa pares ng pumps na suot ko pero may dalawa pang lumapit sa magkabila kong gilid ko kaya natigilan ako.  What is this?! "Ma'am Alex, gusto raw po kayong makausap ni Sir Alonzo," sabi nila sa akin. Sir Alonzo? Ang lolo ni Timothy? "Uh, okay," nag-a-alangan kong sagot. "Sasama ako sa inyo. You do not need to drag me like Timothy," duktong ko pa at tumango naman sila. "This way po, Ma'am," sabi pa nila at sumunod ako patungo sa elevator. Hinatid nila ako sa isang malaking hall at nagpasalamat ako sa kanila bago nila ako iniwan. Ang daming nakatingin nang pumasok ako sa hall. Nakaka-intimidate ang presence ng buong angkan ng mga Pangilinan pero dumiretso lang ako. Ayaw kong ipahalata na kinakabahan akong harapin silang lahat. Lumapit ako sa table kung nasaan ang lolo ni Timothy. Mapait akong ngumiti nang maalala ko na isang engagement party pala ang dinaluhan ko ngayon. Sariling engagement party ko na wala man lang akong kaalam-alam. "Come and join us, Alex," aya sa akin ng mga magulang ni Timothy kaya umupo ako sa vacant chair na katapat niya. Nakasimangot lang si Timothy habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at nag-iwas naman siya ng tingin. Katabi niya ang isang lalaki na pormal ang suot at sa tabi naman nito ay si Ninang Bea na ikinagulat ko. Magkatabi namang nakaupo sa kaliwa ko ang mga magulang ni Timothy. I know them because they were the first ones who accommodated us when we got here. They told me and Julianne that we can call them Tita Kirsten and Tito Robert. Medyo maingay sa hall habang nag-se-serve ng appetizer ang mga staffs. Ipinakilala ako ni Ninang Bea sa lalaking katabi niya at sinabi niyang ito raw si Attorney Lucas, ang family lawyer ng mga Pangilinan. "So, Alex... ano itong nabalitaan ko na ayaw mong pirmahan ang kasunduan. Why is that?" diretsong tanong sa akin ng lolo ni Timothy. Nasa gitna siya at seryoso ang aura niya habang naghihintay ng sagot ko. He is intimidating but I am not scared. "Yes, Sir," sagot ko naman. "Actually, the only reason I am here is because I want to talk to you about my refusal to tie the knot with your grandson." "Just call me Lolo Alonzo," nakangiting sabi niya sa akin na para bang wala lang ang sinabi ko. "If that is the case, what is your plan?" tanong niya pa. "If you are not willing to settle this with me, I am going to bring it to the court," sagot ko at biglang namang nagsalita si Timothy. "If she can do that, I can do it too!" mariin niyang sabi. "Really Timothy? Really? Apo, you are making me laugh!" nakatawa niyang sabi at nagtiim-bagang si Timothy sa pang-i-insulto ng sarili niyang lolo. "That is foolishness!" "Lolo, I am serious!" sagot niya. "You cannot disown and throw me out of this family just because I do not want to marry Kay. I will fight for my right to marry whoever I want to marry." "I prefer Alex," sabi ko naman dahil tinawag niya na naman akong Kay. Seriously! What is up with him calling me that? I do not like it. "I do not like the sound of Alex," pang-i-insulto niya sa akin at umirap naman ako. I cannot believe him! Pati sa pangalan ko may problem siya! There is no point in arguing with this jerk! "Let me repeat myself, Lolo," sabi niya pa nang mula niyang hinarap ang lolo niya. "I am not marrying Kay. End of our conversation." Ibinagsak niya sa gitna ng table ang contract niya at padabog siya umalis sa pwesto niya. Naglakad siya palayo sa amin at paulit-ulit naman siyang tinawag ng lolo niya. "TIM! TIMOTHY! HUWAG MO AKONG TINATALIKURAN AT BINABASTOS SA HARAP NG BUONG ANGKAN NATIN. TIMO—" "Robert, ang dad!" natatarantang sigaw ni Tita Kirsten nang bumagsak ang lolo ni Timothy sa sahig. "Tumawag kayo ng ambulansya! Bilis!" "Oh my god!" Napasinghap ako at agad kong inalalayan ang lolo ni Timothy para i-upo siya sa upuan. Hinawakan ako ni Tito Robert at pinatabi sa gilid para mapagtulungan nila ang lolo ni Timothy dahil hindi ko naman siya kayang itayo mag-isa. "Ninang, ano’ng number ng pinakamalapit na ospital dito?" nag-a-alala kong tanong habang hawak ko ang phone ko. "It is okay, Alex. They already called for an ambulance. Do not panic," pagpapakalma niya sa akin at inabutan naman ako ng tubig ni Attorney Lucas. "s**t! Lolo! I am so sorry!" natatarantang sabi ni Timothy nang bumalik siya sa tabi ng lolo niyang inaasikaso na ng ilang nurses. Conscious pa ang lolo niya pero halatang nahihirapan na itong huminga. Hawak niya pa rin ang dibdib niya habang itinuturo niya ang mga dokumento sa ibabaw ng table. "Pi-pirmahan... kontrata," hirap na hirap niyang sabi. "You h-have... to... sign. I made a... p-promise to Sid," sabi niya pa nang banggitin niya ang pangalan ng lolo ko bago siya nilagyan ng oxygen mask sa bibig. Hindi ako makapaniwala. He is already in pain and yet he is insisting for us to sign the stupid contract! Ganito ba talaga ka-importante ang kasunduan nila ni Lolo Sid!? "Give me the damn contract," mahinang sabi ni Timothy habang nakakuyom ang mga kamao niya. Tumango ang lolo niya na ayaw magpadala sa ambulansya hangga't hindi niya kami nakikitang pumirma. "Are you sure, Timothy?" tanong ni Attorney Lucas at mabilis na kinuha ni Timothy sa kamay niya ang kontrata bago siya dire-diretsong pumirma rito. "There, Lolo. I already signed it. Are you happy now?" tanong niya sa tabi ng lolo niya bago ito inihiga sa stretcher. "Kaya dapat pilitin mong gumaling, ha?" Napakagat ako sa labi ko nang mapansin ko ang tingin ng mga tao sa akin. Alam kong hinihintay nilang ako naman ang pumirma kaya hinarap ko si Ninang Bea. "Attorney Beatrice, you know what to do." "You do not have to do this, Alex," sabi niya naman at umiling na lang ako. Mahigpit ang hawak ko sa pen habang isinusulat ko ang pangalan ko. Mabilis nilang dinala ang lolo ni Timothy sa ambulansya pagkatapos kong pumirma at naglabasan na rin ang mga tao sa hall para sumunod sa ospital. Tahimik akong bumalik sa suite namin ni Julianne. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari at yumakap lang ako sa kanya. "My signature is finally attached over my printed name," mahina kong sabi. "I just got myself another headache." And probably... another heartache, too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD