"Alex!" sigaw ng best friend ko habang kumakaway siya mula sa bleachers na inuupuan niya.
Tinakbo ko ang field at bumeso siya sa pisngi ko nang makalapit ako sa kanya. Ibinaba ko ang gamit ko sa gilid bago ako naupo sa tabi niya.
"Oh, ano na?" tanong niya sa akin. Itinaas niya pa ang phone niya para ipakita ang text ko kahapon sa kanya na, 'Bru, code red'. It means that there is an emergency or what we need to talk about is something important. "Explain this!" sabi niya pa.
"Look," maikli kong sabi sabay abot ng isang brown envelope sa kanya. "Read everything."
Tahimik niyang binasa ang contract bago siya napasinghap at bumaling sa akin.
"Oh my god!" gulat niya pang sabi. "Oh my god, Alex! You are getting married!?"
I shook my head. Ituro ko ang pangalan ko na may linya sa ibabaw nito na blangko pa rin hanggang ngayon.
"May pirma ko na ba?"
"Clearly, wala pa. Pero eventually, pipirmihan mo rin naman 'to. Wala ka namang lusot, bru!" sagot niya at muli niyang ibinaling ang mata niya sa mga papel na hawak niya. "Tatanggalan ka ng mana kapag hindi ka nagpakasal. Pati ang condo at kotse mo na graduation gift sa'yo ng lolo mo, mawawala."
"Frozen din lahat ng bank accounts ko," dagdag ko pa. "Nag-usap na kami ni Attorney Beatrice. She is our family lawyer and my ninang. She is going to help me."
"Kahit na! Nakakaloka pa rin!"
"I know," iiling-iling kong sabi. "Tell me about it."
"Ano’ng plano mo? Kakalabanin mo sila?" tanong niya.
"Oo, kung kinakailangan," sagot ko. "This is just history repeating itself, bru. I do not want it to happen with me again."
"Natatakot ka na baka matulad ka sa mommy mo?" tanong niya at tumango naman ako.
Lolo told me once that my mother loved my father, but he did not return her feelings. She settled in being his friend. She was my father's shoulder to cry on, his confidante. Until that night happened.
They got drunk in a night out. My father was hurting for another girl and my mother was the one comforting him... and then one thing led to another. My mom got pregnant with me and Lolo forced dad to marry her.
My mother called it a blessing, my father thought it was a mistake. Their marriage only broke the two them and it ended tragically.
I do not want to be miserable like that.
"Eh hindi mo naman gusto 'tong Tim-" Nanlaki ang mga mata niya at naibuga niya ang mineral water na iniinom niya. "KAY TIMOTHY PANGILINAN KA IKAKASAL!?"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. May ilang estudyante na napatingin sa amin na para bang nababaliw na kaming dalawa. Ito naman kasing bruha na 'to! Bigla-bigla na lang sumisigaw.
"Shhh! Do not shout! This is confidential!" saway ko at inalis niya naman ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.
"I cannot believe this!" hindi makapaniwalang sabi niya pagkatapos magpunas ng bibig.
"Late reaction ka naman, Julianne. It is there, right? Tabi na nga ang pangalan namin sa papel. Look," I even pointed to my name and Timothy’s so she can see it again for herself.
"Ngayon ko lang napansin, okay?"
May kinuha siyang folder sa bag niya. Isang scrapbook na may label sa harap na 'Kryptonite' with a heart symbol. Fan girl kasi itong best friend ko ng banda nina Timothy.
"I have been collecting information about them ever since, 'di ba? Pero ngayon lang talaga nag-sink in sa akin na si Timothy ang Timotheo na 'to," sabi niya pa. "I got too preoccupied with the fact that you are in an arranged marriage. What I did not notice is that, it is an arranged marriage with the love of your life,” she pointed out.
Siniko niya pa ako at humagikgik siya bago niya itinuro niya ang isang page na naglalaman ng mga full names ng members ng Kryptonite—ang pangalan ng banda nina Timothy.
"According to my sources, it is Kryptonite's rule that their names should be short and simple. Masyado raw kasing give away sa personal na buhay nila kung full names nila ang gagamitin," paliwanag niya. "Just like in showbiz where actors and actresses only use their screen names."
"Oh, I see. Ang arte!" irap ko. "Gulat na gulat tuloy ako kahapon nang mag-sink in sa akin sa akin na iisa si Timotheo at Timothy."
"Kryptonite's very private when it comes to their personal information and personal lives. That is actually a part of their charm, bru. Their mysterious effect makes them more interesting. Pati nga mga taga-ibang universities, interested sa kanila. Nakikita mo naman kapag nag-pe-perform sila rito sa Serendipity University, ang daming outsiders."
"Ikaw na talaga, bru. Ikaw na!" mangha kong sabi pagkatapos niyang magpaliwanag.
Fan na fan talaga ang best friend ko ng Kryptonite. She is an expert when it comes to that band. Buwis buhay siya para lang sa banda na 'yon kaya marami siyang alam na impormasyon tungkol sa kanila tulad ng mga ipinaliwanag niya sa akin ngayon.
I really salute her dedication as a fangirl s***h stalker—I mean, admirer. She hates being labeled as a stalker. Naiinsulto raw ang ganda niya at harmless naman daw siya.
"But you know what, Alex? This is really unbelievable," sabi niya naman pagkatapos niyang isara ang scrapbook na hawak niya.
"I know! Imagine my horror when I found out everything yesterday!"
"Horror ba talaga? O kilig?" nanunuksong tanong niya at siniko ko naman siya. "Joke lang, ito naman."
Two years ago, Julianne and I attended an event here in Serendipity High. It was battle of the bands for a cause.Fourth year kami noon at sa isang all-girls high school kami nag-a-aral. Excited na excited ako dahil madalang akong payagang lumabas ni Lolo. Gusto niya kasing mag-focus muna ako sa pag-a-aral kaya ‘yon ang unang beses na pumayag siya para raw mag-enjoy naman ako.
Maganda ang nakuhang seats ni Julianne kaya nasa harap kami nang magsimula ang event. That is how I first saw Kryptonite and Timothy. Nagsisimula palang sila noon at hindi pa sila masyadong kilala.
Tandang-tanda ko pa nga ang hitsura niya noong una ko siyang makita. Payat at tahimik pero malakas ang dating. Lalo na kapag hawak na niya ang instrument niyang bass guitar.
Sa kanilang lima, siya ang nakakuha ng atensyon ko. Doon ako nagsimulang magkaro'n ng gusto kay Timothy. Kaya kahit hindi ako fan girl tulad ni Julianne, lahat ng gigs nila pinapanuod ko pa rin dahil sa kanya—dahil kay Timothy.
"Paano ako kikiligin kung iniisip ko pa lang, natatakot na akong matulad sa mommy ko?" tanong ko at malungkot akong ngumiti.
"Alex, come on. This may seem like it is history repeating itself dahil ipinilit na naman ng lolo mo ang kasalan na hindi naman mutual feelings ang mga ikakasal. I get that," sabi niya naman at hinarap niya ako. "But... what if this time, it has a different ending? A happy one."
"What if it is not a happy one? What if this is just another mistake?" bumuntong-hininga ako at malungkot na ngumiti. "Paano si Timothy? Paano ang feelings niya? Sigurado naman akong hindi niya ako gusto. I'm just a nobody."
"Well... if by nobody... you mean his soon-to-be wife then yes, you are a nobody that everyone will die to become once they find out about this."
"Magugulo lang ang buhay ko," iling ko. "Oo nga, this may seem like an opportunity pero sapat na sa akin na hangaan si Timothy sa malayo. Ayaw ko nang paasahin ang sarili ko sa mga bagay na hindi para sa akin. He does not even know my existence. Para saan pa?"
"Fine! If you are already decided, what else is there to say?" sabi niya naman. "Ang gusto ko lang, maging masaya ka."
"Alam ko naman 'yon," sagot ko. "Ayaw ko lang maulit ang nangyari noon. Alam kong masasaktan lang ako."
I really would not let it happen, I do not want the history to repeat itself.
Not with me and Timothy, kahit gustung-gusto ko pa siya.
It will only break me, I am sure.