LOVE CHAPTER 1: Engaged

1446 Words
“LOVE, I’m already here. Are you ready?” ani Harry habang hawak ni Faye ang telepono, ito ang kasalukuyang nobyo niya. Tatlong taon niya nang nobyo ang lalaki. Parehas silang nag-aral sa law school sa University of Chicago noong kolehiyo. Dahil nagsimula sila bilang magkaibigan at magkasama sa trabaho, nakita niya na lang ang sarili na minahal na ito at tuluyang nawala ang lahat ng pagmamahal na mayroon siya para kay Kael Escarrer. Dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Harry, nakuha niya ang goal niya bilang prinsesa ng mga Burnham na kalimutan at iwasan ang kapatid ni Lauren, ang kanyang sister-in-law. It’s not an easy task because Kael would always be her first love. Suot ang asul na mahabang bestida ay lumabas ng apartment niya si Faye at pilit na iwinaksi na muna ang mga nagaganap sa Pilipinas lalo na ang kanyang ex. Sa labas ay naroon ang kanyang nobyong si Harry. Pumasok siya sa kotse nito. Isang may katangkaran na lalaki si Harry, may lahing espanyol ang nanay nito kaya nakuha nito pisikal na anyo ng ina. Itim ang buhok, matangos ang ilong at hindi magpapahuli sa kakisigan. Malambing ito sa kanya at ramdam niya ang labis nitong pagmamahal. “Hey, love!” bati niya rito, tinanggap niya ang halik nito sa kanyang labi. “My parents and my sisters are so excited to meet you! Naroon na sila sa Grand Hotel IL” Nagsimulang magpaandar ng sasakyan si Harry, bago nagpatuloy sa pagkuwento tungkol sa pamilya. Alam niya ang ilang dealye tulad na lang ng engineer ang tatay nito, ang nanay nito ay mabuting may-bahay, modelo ang isang kapatid na nakapag-asawa ng businessman, at ang isa naman ay may online shop at chef ang asawa. Ramdam niya ang excitement sa tinig ni Harry lalo na at bibihirang pagkakataon iyon na may dadalaw sa kanila sa Amerika mula sa pamilya nila sa Pilipinas. Sa isang makalumang hotel—ngunit sapat ang kaelegantehan ng loob—huminto ang sasakyan ng kanyang nobyo. Dumiretso sila nito sa restaurant kung saan naghihintay ang pamilya ng kanyang nobyo. “Mom!” ani Harry na lumayo na muna sa kanya para yakapin ang magulang nito at dalawang kapatid na babae. Bunso rin ito sa tatlong magkakapatid. Noon niya napuna ang kakaibang saya ni Harry. Masaya siya para sa lalaki dahil nakasama nito nang kumpleto ang pamilya. “How about you, Faye? Kumusta ang pamilya mo?” nakangiting tanong ni Mrs. dela Vega, ang ina ni Harry. “Dinadalaw ako ng parents ko every quarter at nagpupunta rin dito ang kuya ko kasama ang pamilya niya every year, kaya halos parang wala rin ako masyadong nami-miss sa pamilya. Umuuwi ako sa Pilipinas tuwing Christmas lang.” Napangiti siya matapos maalala ang Pamilya Burnham. “Kung napapadalas ang pagdalaw nila sa ‘yo, ibig sabihin, sigurado na may kaya ang pamilya n’yo!” ani Tonet, ang modelo na ate ni Harry. “Tonet!” sita ng lalaki sa kapatid nito. “Don’t mind her, love!” “Sorry! That’s not what I meant. Madalas kasi akong nasa Europe at bibihira ako na makauwi ng Pilipinas. Alam ko na nakakapagod at mahal ang pamasahe kung gusto mong makasama ang pamilya mo,” katwiran nito. “No. It’s alright! Naintindihan ko rin naman. Nagkataon lang na nakaluluwag ang pamilya ko dahil meron kaming Airline Business sa Pilipinas.” Napasinghap naman ang isa nitong kapatid na babae, si Angie, ang panganay sa magkakapatid. “Don’t tell me you are related to Finn Burnham?” “H-he’s my brother.” Napayuko siya kasabay ng pagngiwi at ayaw niyang tingnan ang napasinghap na anyo ng pamilya ni Harry. Tumikhim ang kanyang nobyo. “But don’t worry, ‘Ma, ‘Pa and sisters. Hindi kailanman nagpabigat si Faye sa pamilya niya. Pagkatapos niyang makapag-aral sa law school, siya na mismo ang nagbabayad sa sarili niyang apartment dito. She’s smart and a lovely young woman!” Masuyo siya nitong tiningnan at saka kinuha ang kanyang kamay para halikan. Napangiti siya at talagang kiniliti nito ang kanyang dibdib. “Kaya naman, I’m so happy na nagawa n’yong paunlakan ang imbitasyon ko sa inyo na magpunta rito sa Amerika.” Napangiti nang makahulugan ang pamilya nito. Doon nagtataka si Faye, masyadong espesyal ang pagpayag ng pamilya nito na magtungo roon para lang makilala siya at makasalo sa dinner na iyon na nagmula pa sa iba’t ibang bansa. “My family, I want you to personally meet the love of my life. I want you to see the person who adores me without conditions. The best person and the ideal woman in my eyes.” “Awww. Hindi ko akalain na super sweet ka pala, Harry!” tudyo ni Angie. “Well, now that you’ve heard what’s in my heart, I want you all to witness…” May dinukot na maliit na box ang kanyang nobyo na nagtatago sa suit na suot nito. “Oh, my God!” Napasinghap ang mga kasama nila sa mesa nang buksan ni Harry ang box at lumitaw roon ang singsing na may maliit na diyamante. “Faye Burnham, I am one hundred percent sure that you are the woman for me! Ginawa ko talaga ang lahat ng ito para personal na masaksihan ng pamilya ko ang pag-alok ko sa ‘yo ng kasal. I want you to be part of my family, love. This is me, offering myself to you as the humblest man. Faye Burnham, will you marry me?” Naluha si Faye, at tila may umiikot na paru-paro sa kanyang dibdib. Mahal niya si Harry! Sigurado siya roon kaya panay ang tango niya. “Of course, yes!” Nagpalakpakan ang pamilya ni Harry. Ipinasok nito sa kanyang palasingsingan ang engagement ring at saka siya hinalikan sa labi. “I love you, love!” aniya na naluluha. Unang bumati sa kanya ang ama nito. Niyakap siya isa-isa ng pamilya ni Harry at na-welcome siya ng mga ito bilang idadagdag na miyembro sa pamilya. Napapangiti siya habang nakikinita na ang sarili na mapapabilang sa maayos na pamilya ng kanyang nobyo. Nang gabing iyon ay maingat na nakipagtalik siya kay Harry, habang ipinangangako nito ang bukas na naghihintay sa kanilang dalawa. Nagplano silang dalawa kinabukasan habang nag-aalmusal. Napag-usapan nila ang pagsasama sa iisang tirahan. “Kailangan kong magpaalam sa magulang ko at kay Kuya Finn kung magsasama tayo sa iisang apartment. I have to explain na dahil magpapakasal na tayo, kailangan nating mag-ipon para sa wedding at siyempre sa iba pang bagay.” “You think papayagan ka ng pamilya mo?” May mga tradisyon at medyo makaluma pa ang mommy ni Faye. Kahit ilang taon na siyang nakatira sa Amerika, nasa dugo pa rin niya ang kultura ng makalumang Pilipino lalo na at buhay pa ang Espanyol niyang abuela. “Makatwiran naman siguro na magsama tayo sa iisang apartment para makatipid tayo. Kailangan na natin mag-practice as husband and wife,” tugon niya rito na may halong panunudyo. Hinalikan nito ang kanyang kamay habang masuyo na nakatingin sa kanya. “But it’s okay, love. Kung hindi sila pumayag ay ayos lang din naman. Alam ko na big step iyon para sa ‘yo kung sakali na mag-li-live in tayo. Lalo na at nasanay ka nang mag-isa lang sa apartment mo nang walang kasama sa loob ng ilang taon na paninirahan mo rito sa Amerika.” Hinalikan nito ang kanyang kamay. Tradisyunal din ang pamilya ni Harry kaya naiintindihan siya nito. “Why are you so perfect?” usal ni Faye. Ang pagmamahal nito na ibinibigay sa kanya ang rason kaya nasalo na nito nang tuluyan ang damdamin niya. Hinalikan siya nito sa labi na halos magpawala sa kanyang katinuan. Ilang minuto pa na magkalapat ang mga bibig nila nang mag-ring ang kanyang cellphone. Base sa ringtone na naka-set doon, isa iyon sa miyembro ng pamilya niya. Hindi siya nagkamali nang makita ang pangalan ni Finn sa screen. “I have to answer this, love! Si Kuya Finn! I’ll inform him about the engagement.” Ngumiti ang kanyang nobyo at hinayaan siya na magtungo sa bedroom area. “Kuya?” “Faye, kailangan mong bumalik dito sa Pilipinas,” anito. “What?! Are you on drugs?” Tatawagan siya nito at sasabihin na umuwi siya sa Pilipinas gayong halos dito na siya bumubuo ng buhay. “No, Faye… Si Mom…” Dinig niya sa tono nito na hindi maganda ang balita nito sa kanya. “W-what happens to Mom, Kuya?” natataranta niyang tanong. “Mom has leukemia. We are here in the hospital, and she's asking for your presence, Faye.” Sapat iyon para matutop niya ang bibig niya at ilabas ang pagbugso ng kanyang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD