m******e 6

1877 Words
A/n: Ang lahat ng pangyayari, pangalan, at lugar ay likha lamang ng sariling isip at imahinasyon. Massacre 6: Thirdperson pov: Pag dating ni Ivan sa harap ng silid kainan nila ay halos manlumo ito dahil bumungad sa kanya ang mga bata sa ampunan na walang malay, pero mabilis lumapit si Ivan sa harap ng altar ng kainan dahil nandun ang kanyang Ina-inahan. "Nay!" pag sigaw nito. Nang makalapit sya dito ay naka-ngiti ito kahit bakas sa muka ang pang hihina. "Mahal kita anak," huling saad nito bago pumikit ng tuluyan. "Nay gumising ka ano ba birthday mo ngayon nay!" pasigaw na wika ni Ivan habang umiiyak. "Jusko Ivan!" rinig nyan sigaw ni Jannelliza ngunit di nya ito pinansin. Pero bigla syang napatigil sa pag iyak nang makarinig ito ng tawa ng tila isang baliw. "Lumabas ka!" sigaw nito. "Ano namang laban mo paslit," saad ng isang babae. "Sino ka?" tanong ni Jannelliza. "Ako si Kimmy isang mangkukulam." Tumatalon na sagot nito. "Halata namang witch ka, I mean your hair is so sabog daig pa yung di na plantsa," maarteng saad ni Edrian. "Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo bata," seryosong saad nito. "Pwes hindi ko din gusto tabas ng buhok mo," bawi ni Edrian. Nagulat naman sila ng mag labas ito ng isang stick at nag labas ito ng isang bolang apoy, napapikit naman ang tatlo dahil dito, makalipas ang ilang minuto ay hindi sila naka dama ng init. "Tumakbo na kayong tatlo!" sigaw ng isang lalake na may maskara. Nag dadalawang isip man ay hinila ni Ivan at si Edrian, nang maka alis ang tatlo ang mabilis umilag ang lalake sa atake ni Kimmy ngunit natanggal ang maskara nito. "Louie," gulat na bigkas ni Kimmy ng makilala nya ito. Louie Pov: Ngumisi naman ako dahil tila nawala ang atensyon nito kaya naman gumawa agad ako ng atake at pinatama sa kanya, matapos ko itong patamaan ay agad kong sinuot ang maskara ko at sinundan sila Ivan. Pag labas ko ay agad akong nag pakalawa ng kapangyarihan at nilabanan ang mga aswang na nasa harap nila Ivan, pag katapos ay agad ko silang sinenyasan ba sumunod sakin pero napatigil kami ng sumabog ang gate ng ampunan. "Tingin nyo ba makakatakas kayo!" sigaw ng isang Kimmy. Napangisi naman ako ng mapansin ko naman tila may bali ito sa braso at duguan. "Nandito ang Reyna ko kaya hindi kayo makakatakas samin!" sigaw muli nito. Nagulat naman ako ng may muntik na tumamang bala ng pana sa pwesto ni Ivan na nailagan naman nito. . "Magaling ka Ivan," saad ng isang bagong dating na babae na may maskara. "Sino ba kayo at anong kaylangan nyo!" sigaw ni Ivan na nasa likod ko. "Walang punto kung aalamin mo pa dahil katapusan mo narin naman," naka ngising saad nito. At duon biglang may nabuong spada sa kamay nito at tila gawa ito sa salamin, pero pinaulanan ko sila ng matutulis na yelo na mabilis nilang nailagan, lalabas na sana sila pero biglang may tumubong mga ugat na may tinik sa dating gate ng ampunanm "Dito lang kayo sa likod ko!" pag sigaw ko. Nagulat naman kami ng biglang nag paulan ng bolang apoy ang mangkukulam na si Kimmy, kaya naman pinag dikit ko ang palad ko at gumawa ng harang na yelo . Mabilis naman ang naging kilos at sumulpot sa harap ni Kimmy at pinaulanan ito ng suntok hangang bumagsak ito, pansin ko naman na palapit sakin sila Ivan ngumit may tumamang palaso sa braso ko. "Katapusan nyo na!" saad ng naka maskarang babae at bumuo ng tila apoy sa kamay. Nagulat naman ako dahil tila may halong ginto ang apoy nito dahil ang ginintuang apoy ay pag mamayari ng sagisag ng tag init, nagulat naman ako ng pumunta sa harap namin si Ivan at sumigaw. "Wala kang Laban!" sigaw niti Dahil don ay binato nito samin ang ginawa nyang atake kaya pumikit ako at napaluha dahil wala akong laban sa ganong uri ng kapangyarihan, pero nagulat naman ako makalipas ang ilang segundo ay biglang sumigaw si Jannelliza "Ivan!" sigaw ni Jannelliza ng humupa ang usok. Pag tingin nya sa likod namin ay nakita ko si Ivan na tila nawalan ng malay at may hawak na pananggala, pero napasigaw naman si Kimmy kaya napukaw ang atensyon namin. "Mahal na Reyna!" sigaw nito. Tumingin naman ito sa pwesto nang walang malay na si Ivan bago mag salita. "Babawian namin kayo," saad ng bruha bago kunin ang katawan ng walang malay na babaeng na nakaharap namin. "Jusko Ivan wakeup," saad ni Edrian Pag tingin ko Kay Ivan ay wala itong malay kaya naman mabilis akong lumapit dito at binuhat, tumingin naman ako ngayon kila Jannelliza at Edrian na parehong tila nag iisip ng sagot. "Kumapit kayo sakin," pag utos ko. Nang makahawak sila sa braso ko ay agad kaming nag laho at nakarating sa tinutuluyan ko, mabilis naman akong lumapit sa isang higaan at inihiga si Ivan. "Sino ka? At bakit mo kami tinulungan?" mag ka sunod na tanong ni Jannelliza. Kaya naman bumugtong hininga ako bago tanggalin ang maskara ko. "Oh My Gosh Professor Louie!" pag sigaw ni Edrian. "Bukas na ako mag papaliwanag sa ngayon ay kaylangan nyong mamahinga." Nag lalakad kong saad. Nang makalabas ako ng pinto ay agad akong bumugtong hininga. Ivan pov: Hindi ko alam kung anong oras ngunit unti-unti ko namang minulat ang mata ko dahil sa nakaramdam ako ng mainit na bagay na tumatama sa muka ko, pag dilat ko ng mata ko ay agad bumungad sakin ang natutulog na si Jannelliza at Edrian sa gilid ng hinihigaan ko kaya kinalabit ko na sila. "Guys Gising." Pagyugyog ko sa kanila Nauna namang dumilat si Jannelliza at ngumiti kahit pansin kong may lungkot sa mata nito. "Morning Beks," bati nito. "Ayos ka na ba?" tanong naman ni Edrian na bagong gising lamang. Sasagot na sana ako pero biglang bumukas ang pinto at nagulat ako dahil si Prof. Louie ito. "Professor. Louie?" biglang tanong ni Edrian. "Good Morning," bati naman nito samin. "Ikaw Prof ang nag ligtas samin," tila lutang na saad ni Jannelliza. "I know na naguguluhan kayo but trust me you're all safe for now," seryosong sagot nito. "Sino sila?" seryoso kong tanong. Pansin ko naman na nagulat ito pero sumeryoso din agad ang muka. "Ang mga nakalaban natin kagabi ay si Kimmy at ang bagong Reyna ng buong Fantamagia," sagot nito. "Teka Prof. Louie ano yung Fantamagia?" tanong ni Edrian "Hindi man alam ng mga tulad nyong mortal ay may naninirahan ding mga elemento dito sa inyong mundo, katulad ko isa akong diwata, " paliwanag nito. "Bakit nila pinatay ang mga bata sa ampunan?" tanong ko bago bumangon. "Dahil sayo." Tumayong sagot din nito. "Ano bang meron kay Ivan bukod sa pretty face nya? Wala naman ehh virgin pa ang mama nyo jusko," maarteng wika ni Edrian Dahil dun ay mabilis syang binatukan ni Jannelliza. "Baliw ka talaga Edrian." umiiling na sabi ni Jannelliza. Bago pa sila mag-away ay inaya na kami pababa ni Professor Louie, pag dating namin ay agad naming kinain ang pag kain na inihanda ni Prof. Louie. "Ang ama mo ay isang Prinsipe ng Fantamagia, lugar kung saan naninirahan ang mga katulod naming diwata. Habang ang ina mo naman ay isang albularyo, ang ngalan ng iyong ina ay Rea habang ang iyong ama ay si Prinsipe Ludwig," paliwanag nito "Grabe, imagine beks half human and half engkanto ka amazing!" sigaw ni Edrian na tinignan ko ng masama kaya nag peace sign ito. "Continue sir," saad na lamang ni Jannelliza. "isang araw napunta si Reyna Louiza sa lugar naming mga puting engkanto, si Louiza ay Reyna ng mga itim na engkanto pati narin ng mga maligno at iba pang naniniwala sa mahikang itim," paliwanag nito muli. "Sino yung Kimmy at yung babaeng naka maskara? Lalo na bat umiilaw ang rosaryo ko?" mag ka sunod kong tanong. "Si Kimmy ay ang kanang kamay n Louiza, habang ang babaeng naka maskara ay ang anak ni Louiza ngunit malakas ito dahil nakuha nya ang kapangyarihan ng Sagisag ng Tag-araw, habang ang rosaryo mo ay isang kakaibang uri ng rosaryo at ang bawat perlas nito ay may kakayahang mag bago ng anyo," paliwanag nito. "Teka ano yung Sagisag ng Tag-araw?" tanong ni Jannelliza "Ayon sa libro ng nag-daan, nung unang panahon labis ang ginagawang pag atake ng mga itim na engkanto sa mga tao at madami silang pinatay at sinirang buhay. Ito ang dahilan kung bat bumaba ang isang bathala upang ibigay ang mahiwagang rosaryo sa mga tao upang pangalagaan ang kanilang mga sarili, ayon din sa libro ang mga perlas na puti na nasa rosaryo ay may kakayahang mag bago ng anyo tulad ng pana, itak, latigo, pananggala, punyal, at sibat. Kasabay nito ay ang pag bibigay din ng apat na bathala ng kapangyarihan at yun ang Sagisag ng tag-araw o gintong apoy, sagisag ng tag lamig o dalebyo ng itim na nyebe, sagisag ng tag ulan o ginintuang kidlat, at ang huli ay ang sagisag ng tag sibol o puso ng kalikasan. Dahil don ay nagawa nilang labanan ang mga itim na elemento na gumugulo sa mundo ng tao, ayon sa libro ng nag-daan ay may 2 beses lang gamitin ang sikretong kapangyarihan ng makapangyarihang rosaryo. Ang una ay ang sumpa, ang sumpa na ito ay kakaiba dahil kapag ginamit ito ay maaari kang mag laho pero makukulong ka sa isang perlas na itim katulad ng iyong isinumpang nilalang, ito rin ang ginamit ng iyong inang si Rea, makakabalik ka lamang kung makukumpleto ng bagong tagapangalaga ng rosaryo ang mga nawawalang perlas nito kasabay din ng pag laya mo ay ang pag laya din ng iyong isinumpang nilalang. Ang ikalawang sumpa ay sumpa ng sakripisyo dahil pag ginamit daw ito matitigil ang kaguluhan na nagaganap ngunit katumbas nito ang iyong buhay, pero wala pang nag papatunay ng ikalawang sumpa dahil ayon sa libro ay ito lamang ang ini-isip naming mga engkantado o engkantada." mahabang paliwanag ni Prof. Louie samin. "Ang nanay ko ang naka gawa ng unang sumpa, ibig-sabihin ay nakakulong sya sa itim na perlas?" tanong ko. Bumugtong hininga naman ito bago sumagot. "Tama ka, isinumpa nya si Louiza nung kayo ay kanilang sugurin at ang araw din na iyon ay iyong kapanganakan," sagot naman nito "Buhay ang nanay ko," tanging lumabas sa bibig ko. "Tama ka at ngayon gusto kitang sanayin upang makumpleto ang mga nawawalang perlas ng rosaryo." Ngumiting saad nito. "Jannelliza, Edrian, pasensya na pero I need to face this alone, hindi kayo damay dito." Pagtingin kong saad sa kanila. "Shut up beks kasama mo kami dito kaya it's a no kasama mo kaming mag aaral para ma save ang world against those bad witches," saad ni Edrian. "Edrian's right Ivan, hindi ka mag iisa sa magiging misyon mo kasi sasama kami sayo, bestfriend mo kami remember." Naglalakad na pag sang ayon ni Jannelliza. Kaya napangiti naman ako habang si Professor Louie naman ay napailing samin. "Kung yan ang gusto nyo ay bukas palang bago sumikat ang araw ay sisimulan na natin ang pag eensayo ninyo para sa mga darating na labanan." Tumayong saad ni Professor Louie at umalis sa harapan namin. Don't worry nay, tay, ililigtas ko kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD