ELLA'S P.O.V Matulin ang takbo ng kanyang sasakyan dahil maliit lamang ito at kapansin-pansin sa kalsada. Kaya ang ibang sasakyan ay napapatabi at napapatitig sa ganda ng kanyang kotse. Katulad ng kanyang sasakyan ay matulin rin ang takbo ng aming nararamdaman. We both know that we like each other. Pareho kaming halata sa mga kinikilos. Hindi na rin kami mga bata para pigilan ang sariling kaligayahan. Ang hindi ko lang mauunawaan kung bakit ang laki ng tiwala ko sa kanya. Maybe because he save me. "Ella, do you like to hear a music?" tanong niya. Kahit ang kanyang atensyon ay sa kalsada ngunit nakuha pa niyang sulyapan ako paminsan-minsan. "Yeah, I love music," tugon ko naman. Napangiti siya sa tugon ko. Pawang natawa siya sa sinabi ko. Ngunit agad naman siyang nagsalita para pagaa