ELLA'S P.O.V Wala na akong dapat asikasuhin pa dahil sagot na lahat ni Mr. Lee. Hinihintay ko na lang ang tawag kung kelan ang aming flight. Madalas ako nakatanggap ng mensahe mula kay Darren at sobrang sweet ito. Palaging magagandang quotes ang pinapadala niya. Kahit sa ganoon lang ay natutuwa din ako sa kanya. Hindi ko pa nasabi sa kanya na paalis na ako ng bansa. Nag-aalangan akong sabihin dahil hindi naman niya alam ang tunay kong pagkatao. Ngunit hanggang saan hahantong ang pagtatago ko sa kanya? Wala man akong balak na ilihim ito ng matagal. Ang nais ko lang ay makilala muna namin ang sarili lalo na sa tunay na nararamdaman. Sa ajing pagmuni-muni ay nagulat ako nang tumunog ang phone ko. Napangiti akong makita ang number ni Darren na nakaplash sa screen. Ano kaya kailangan n