Akala ko ba ay nasa University na ang lahat bakit kailangan pa namin bumili ng mga ganitong bagay dito sa bayan? Kung sabagay, mas mainam na rin na ganito. Alam kong may mga librong magtuturo sa akin kung paano kumilos sa ganitong klaseng kaharian. Ayaw ko na iisip nila na isa akong kaduda-dudang tao. Sumunod lamang ako kay Morris at sa kung saan ako nito dinala. Malapit na kaming makarating sa isang gusali na parang libro ang pintuan nang may tumawag sa amin mula sa aming likuran. Ibinaling ko ang atensiyon ko rito at nakita si Athena na naglakad papalapit sa amin. “Kanina ko pa kayo hinahanap tapos nandito lang pala kayo,”reklamo nito at inis na tinignan si Morris bago ibinaling ang kaniyang paningin sa gusali na nasa harapan namin. Isang marahas na hangin ang kaniyang pinakawalan bago