Ayan kasi. Epekto ng kanilang pagiging madaldal pero mukhang alam na rin naman ng dalawa ang tungkol sa ginawa namin kahapon. Hindi na rin ito nakakapagtaka, alam kong kahit hindi namin sila kasama ay bantay sarado pa rin kami. Ewan ko nga lang kung paano nila nagagawa iyon dahil sigurado naman kaming walang nakamasid sa amin. Siguro ay may inilagay ang mga ito sa katawan ng mga babaeng ito para malaman kung ano ang kanilang ginagawa. Anong klaseng koneksiyon ba ang mayroon itong apat at sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Parang gusto ko na lang tuloy isipin na napakahalaga nila sa kaharian na ito. Bukod sa pakikitungo ng ibang mga namamahala sa Universidad. Bawat galaw at pananalita nila ay sobrang kakaiba kung ihahalintulad sa ibang tao rito. Minsan ay napapansin ko ang kakaibang pakikitu