C6. A Brother

1236 Words
NANG dumating ang hapon, may pasok pa ako sa Sarap fast food, kaya nagmadali akong umalis sa school para makaabot sa trabaho nang hindi male-late. Abala madalas sa fast food kapag ganitong oras, ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pumasok na dalawang tao—Si Hades na kasama ang hindi ko nakikilalang nilalang. Sa palagay ko ay matanda lang ako ng ilang taon sa kasama niyang lalaki. Pumila sila sa akin sa counter kahit pa nga mas maikli ang pila ng katabi ko. Ngiting-ngiti ang siraulo. Binalewala ko siya at pinilit pa rin ang ngumiti sa mga customer na umo-order. Nang dumating ang kanyang oras para um-order, malapad ang kanyang ngisi. “What are you doing here?” bulong ko, nilingon ang kasama ko. Sana ay hindi nila narinig na may pinagagalitan akong parokyano. Hinila ng kasama niya ang kanyang braso. “H-Hades, I-I wan that doy, peas…” Naintindihan ko nang bahagya ang sinabi ng kasama niya, I want that toy, please, Itinuro nito ang mumurahing laruan ng batang lalaki na nakaupo sa hindi kalayuan. Noon ko napansin na ang kasama niya ay man with special needs. Hinaplos ni Hades ang buhok nito. “We will, bro! We will make an order first. Hindi ba’t gusto mo ng spaghetti rito? How about fries?” “B-but I wan that doy! Lay now!” I want that toy, right now! Lumingon sa lugar namin ang ilang parokyano dahil nagtaas ang boses ng kasama niya. Mahaba ang pasensiya na hinaplos niya ang buhok nito. “Eros, please be good, okay? I will buy you later. Nakakahiya dito kay Miss Beautiful dahil nakapila na tayo. Maging mabait ka na muna ngayon, dadagdagan ko ng iba pang laruan na gusto mo.” Nag-init ang pisngi ko sa narinig. “B-but… do you plamis y-you buy it fo me?” Nagluha ang mata ng kasama niyang lalaki, mas kalmado na. Inilapit ko ang mukha rito at saka matamis na ngumiti. “Hi! Masasarap ang pagkain namin. Gusto mo ba ng spaghetti or chicken? How about sundae? Promise it’s soooo good!” Umaliwalas ang kanyang mukha. “A-a sundae en spaghetti, M-Miss Butiful!” Umaliwalas ang kanyang ngiti. “Coming right up!” Inilayo ni Hades ang kasama niyang lalaki sa akin. “Sit there, bro! See that table? Huwag kang makulit at umupo ka lang doon.” “Y-you al annoyin’!” You are annoying. Nakinig naman siya kay Hades at nagtungo sa mesang itinuro nito. Pinindot ko sa kahera ang mga order. “Who is he?” “Interested much about me?” Hades grinned. “Yes. Kailangan kong i-profile ang possible suspek ko, you know, para hindi na mahirapan ang mga imbestigador.” It amused him, making him laugh. Tsk! “Your brother was right. You are annoying!” “Hmm… So you knew he’s my brother?” “Hula lang.” Sa pagkakaalam ko ay may isa pa kasing kapatid si Hades na itinatago sa publiko ng magulang nito. Ayon sa mga tsismosang kapitbahay namin ay nasa abroad ang isa pang anak ni Mayor. Ngunit dahil kamukha nito ang lalaki, naikonekta ko na lang na iyon ang kapatid niya. “Alice, may problema ba tayo rito?” Nilapitan na kami ng manager ko. “No, ma’am! Ayos lang po.” Lumayo na siya sa akin. Halos magkiskis ang ngipin ko. Kung bakit kasi kinakausap ko ang siraulo sa oras ng trabaho na nagkataon pa na maraming kumakain. “Nice guess!” ani Hades. Bilib din ako sa kanya na hindi siya nahihiyang ipakita sa publiko ang kapatid na kinakailangan ng espesyal na atensiyon. Malayong-malayo ito sa Hades na nakaengkuwentro ko noong una. Sabagay, halata rin naman na wala siyang pakialam sa iisipin ng ibang tao. Kaya lang… hindi ko maintindihan kung bakit nagbigay ito ng dagdag na puntos para magustuhan ko siya. Gusto? Tsk! No way! “Weekend, okay?” aniya. “Same order ang sa akin!” “Sorry?” “Same order ni Eros—spaghetti and sundae!” Nilingon ko ang kapatid niya na mainit ang tingin sa batang lalaki na may laruan na nais nito. “Sa palagay ko mas behaved ang isang iyon kumpara sa ‘yo. Pinipigilan niya ang sarili niya kahit na gusto niya nang agawin ang laruan.” Nilingon niya saglit si Eros. “You already like my brother? Unfortunately, he does not like dating yet.” Pinaningkitan ko siya ng mata. Naiiling na lang ako. Pabago-bago ang mood ko kapag kausap itong si Hades. Malakas siya mag-trigger ng pagkainis ko, ngunit binabago rin niya ang pananaw ko sa kanya sa iilang bagay. “Ilang taon siya kung mag-isip?” tanong ko. “Two hundred thirthy, sir! May additional order pa po ba kayo?” “Five in a fifteen-year-old body.” “I received one thousand pesos, sir! Thank you for your order! Heto po ang sukli!” “Weekend! By the way, nice try sa pagpalit ng padlock!” aniya bago lumayo. Kung nakita niya nang pinalitan ko ang lock, ibig sabihin ay malamang na may inilagay na naman siya roon. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na rin na narinig ang salitang ‘weekend’ sa kanya. Halatang pinipilit niya talaga na pumunta ako sa school party. Nope! Not a chance! *** TULAD ng nasabi ko, malakas maka-trigger ng inis ko si Hades! Kinabukasan, ibang padlock na naman ang naroon sa locker ko. May one hundred plus din ang bili ko sa de-susing padlock, ngunit nagawa niya lang sirain? At talagang hindi man lang niya pinalipas ang beinte-kuwatro oras para gawin ito? Hahayaan ko na lang ang padlock kaysa naman maubusan ako ng budget kapapalit. Talaga planado na ma-bully ako ng isang iyon. Tulad ng inaasahan ay may sulat na naman na nakaupo roon sa loob na sa palagay ko ay kahapon pa niya inilagay. Babasahin ko na sana nang marinig ko ang usapan ni Atlas na nakahilera lang ang locker sa akin. Halos iurong ko ang tainga ko, marinig ko lang nang maayos ang usapan nila. “Wala si Hades?” tanong ng kasama nila sa basketball team. “May practice daw tayo, eh.” Puro bulong na lang ang narinig ko. Nilingon ko si Atlas at binasa ang galaw ng kanyang labi sa kanyang sagot kahit pa nga bahagya kong narinig ang sinabi niya. “He informed me na nasa ospital siya. Inilabas niya kasi si Eros kahapon kaya ginulpi siya ng tauhan ni Tita Amanda.” Amanda Hontiveros? Ang nanay ni Hades? Napuna yata ni Atlas na nakatingin ako sa kanilang gawi. Nilingon niya ako kung kailan mabilis kong binawi ang tingin at inilipat iyon sa sulat na hawak ko na may mga erotiko na namang nakalahad. “Let’s go!” narinig kong sabi niya. Umalis sila habang ako ay natulala. Ginulpi si Hades dahil inilabas niya si Eros para dalhin doon sa fast food kahapon? Sa palagay ko ay may nalaman ako na isa sa mga baho ng pamilya ni mayor. Kahapon ko lang nakita ang magkapatid, at para maospital si Hades, sigurado na matindi ang ginawa sa kanya. Sinong nanay ang gagawa niyon sa anak niya? Hindi ko alam kung bakit, ngunit ninakaw na talaga ni Hades ang buong atensiyon ko. Maiinis ako sa simula na agad na napapalitan ng kakaiba ang emosyon ko para sa kanya, at alam ko na masama ito. Hindi dapat ako concerned sa taong tulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD