C14. Partner

1652 Words
“Sampung libo ito? Pwede ko bang ibayad ito kapag nagbayad ako ng bills sa bahay namin?” Bigla kong naisip kung gaano ka-delulu ba ang fans nila? “Kung sabagay, pwede ko itong ibenta sa fans ng Net Rippers.” Agad siyang bumuwelta. “Huwag mong ibenta. Kapag na-miss mo ako, tingnan mo na lang ang picture.” Isinarado niya ang wallet ko at siya pa mismo ang nagbalik sa bag. My lips twitch. Tila nag-hang ang isip ko sa sinabi niya. “Sinong makaka-miss sa ‘yo?” Siguradong hindi ako! Ngunit hindi niya na ako pinansin. “Hindi pa ako kumakain. Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin. Doon kumalam ang sikmura ko. Ngumisi siya at saka inutusan ang kasambahay na naroon lang sa paligid. Sa palagay ko matanda lang siya sa akin ng ilang taon. “Loida, pahanda ng dinner, isasabay ko si Alice.” “P-pero, senyorito...” Napalunok ang babae na may pangalang Loida, ngunit sumunod siya kay Hades nang pinaningkitan ito ng mata ng lalaki. “Hindi ba siya magkakaproblema?” tanong ko. “Mamomroblema siya kung hindi niya ako susundin.” “Siya nga pala, nakauwi na ba ang mommy mo? Nagbilin kasi siya sa ‘kin kanina na huwag kong iwan si Eros nang hindi pa siya umuuwi.” Walang emosyon ang kanyang mata nang sumagot siya sa akin. “Kung narito na siya at natagpuan ka niyang tulog, malamang na hindi ka na niya pabalikin bukas. Mga dalawang oras ka rin natulog sa sofa.” “Dalawang oras?!” Nanlaki ang mata ko sa narinig. “Yes.” “Y-you mean dalawang oras mo akong pinanood na natutulog?!” Tumango siya. “Bakit hindi mo ako ginising?” ulit ko sa paksang iyon. “Hmmm… I love watching you sleep. At saka, masarap nga kasing pakinggan ang hilik mo.” Uulit-ulit lang kami sa topic kaya hindi ko na siya tinanong. Kailangan ko na lang sigurong magpasalamat na wala siyang ginawa sa akin. Naghanda sila ng dalawang plato para sa amin. Kompleto sa sustansiya ang nasa mesa, may karne, prutas, gulay at dessert. Sa amoy pa lang ay nakakatakam na! Sinalinan ako ng pagkain ni Hades, bago siya naglagay sa kanyang plato. Gentleman din naman pala ang Herodes sa iilang pagkakataon na nakasama ko siya. Marami-rami akong nakain. Bibihira kasi ang ganitong pagkakataon na makakain nang masarap. Matapos ang dinner ay inusisa ko si Hades tungkol kay Eros. “Bawal pala ang junk food sa kapatid mo, bakit mo siya dinala sa Sarap fast food noong nakaraan?” “Dahil doon siya masaya.” “K-kaya ka ba napagalitan?” tanong ko. Tila nahimasmasan naman ako na bawal nga palang magtanong ng tungkol sa kanilang pamilya lalo na at narito ako sa kanilang bahay. “I’m sorry. Forget it!” “Alam mong ginulpi ako dahil do’n?” Nakita ko ang pasa niya sa katawan noong unang araw ko rito. Nasabi pa nga ni Atlas na naospital siya dahil pinagulpi siya sa bodyguards ni Mrs. Hontiveros. Bago ko siya sagutin ay narinig namin na nagkakagulo na ang mga kasambahay at pagkatapos niyon ay sunod-sunod na sasakyan ang huminto sa tarangkahan ng mansiyon. “Siguradong ang ha’yan na ang inaabangan mo. Makakauwi ka na.” Sininop ko ang mga gamit ko habang kinakabahan. Maya-maya pa ay nakita kong pumasok sa wing ng tirahan ng magkapatid sina Mrs. Hontiveros at Mayor. “You are here, son!” ani Mayor. Sobrang guwapo niya sa personal. Hindi nalalayo ang anyo niya sa magkapatid. “I almost forgot about you,” pukaw ni Mrs. Hontiveros sa akin. Nakita ko ang kunot sa kanyang noo dahil magkasama kami ng kanyang anak. Ipinakilala niya ako kay Mayor. “Siya ang tutor ni Eros. Inirekumenda siya ni Gail.” “H-hello po, mayor!” kinakabahan kong sabi. “Kaklase ko si Alice, dad,” pagbibigay-alam ni Hades. Sa palagay ko, sagot iyon sa lihim na tanong ng ginang kahit pa nga wala siyang sinabi. “Uuna na po ako. May klase pa po ako bukas.” Tumango si Mayor. Nagpatuloy na ako sa paglabas habang nakakapit nang mahigpit sa aking sling bag. “Where are you going, son?” narinig kong tanong ni Mayor. “You know him. Hindi rin naman siya mapapalagay dito sa bahay.” Umismid ang ginang. “Ihahatid ko si Alice,” walang emosyon na tugon ni Hades. Nilingon ko siya. “A-ayos lang ako. Magta-tricycle na lang ako sa labas ng gate.” “No! It’s fine. Masyado pang maaga ang oras sa ‘kin. Isa pa, na-late ka ng uwi dahil sa ‘min.” Napalunok ako. Sa oras na iyon ay para akong iginigisa ng mag-asawa. Hindi naman sila sumagot o nagkomento kaya siguro naman ay ayos lang? Naunang lumabas si Hades nang wala pa ring sinasabi ang mag-asawa kaya sumunod ako sa kanya. Kinakabahan ako habang papalapit sa kotse. Madilim na at maiiwan kaming dalawa sa loob nito. Paano kung may gawin siya sa akin? Binuksan niya ang passenger seat. “Mangako ka muna sa ‘kin na wala kang gagawin.” Para bang kailangan ko munang makipagkompromiso. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at muli ay nagniningning sa napakaraming emosyon ang kanyang mata. “Natatakot ka ba na baka may gawin ako sa ‘yo?” “Mag-promise ka na muna!” “Fine!” Nagawa niya pang ilahad sa akin ang kanyang hinliliit. “Pinky promise!” Naglingkis ang parehas naming daliri bago ako napanatag na pumasok sa kanyang kotse. “Alam mo bang ikaw pa lang ang tanging naging pasahero nitong sasakyan ko?” aniya habang nagmamaneho. “Wala kahit isa sa mga babae mo?” “Babae ko?” Nagka-amnesia kaagad ang walanghiya. “Ah, ‘you mean ang mga babaeng nakipag-s*x sa ‘kin?” Napangiwi ako sa kung paano niya i-describe ang mga babaeng iyon. Ayokong matulad o mapabilang sa kanila. “Hmm… Masyadong guwapo ang sasakyan ko para sa kanila. Wala akong binigyan ng malalim na atensiyon sa kahit na sino sa kanila. Minsan, kapag nagkatinginan lang kami o kaya ay kung saan kami abutin, doon kami nagse-s*x. Nasabi ko nang hindi pa ako nagkaroon ng girlfriend ‘di ba?” “At sinasabi mo ito sa akin kasi…” Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Kahit hindi niya ako lingunin, alam ko na may malalim siyang naiisip sa oras na iyon. “I want to fvck you in this car. I want you to be the first, just like me being your first.” Nanginig ako sa kanyang sinabi. Napalingon tuloy ako sa gilid at baka sa iba na niyang direksiyon ako dinadala. “N-nag-promise ka na wala kang gagawin sa ‘kin!” Nagbuga siya ng hangin at napailing. “Being with you is hard. Ang daming seremonyas.” Hindi ba niya alam na sa akin dapat ang salitang iyon? Mahaba masyado ang pasensiya ko kay Hades, at sa aming dalawa ay para bang ako pa ang nagpapahirap sa kanya. Tsk! Nag-pokus siya sa pagmamaneho kaya naman kinuha ko na muna ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe sa akin ang fast food. May ilang missed calls nga ako mula sa manager ko. Nagpadala ako ng mensahe sa kanya. Alice: Pasensiya na, Ma’am Beth. May kinailangan kasi akong gawin sa school at pinagbawal sa amin ang cellphone. Alam kong masama ang magsinungaling, ngunit wala akong maidadahilan sa kanya. Napabuntonghininga ako dahil wala akong magawa sa sitwasyon na mayroon ako. Loaded ang mga oras ko. Sumagot naman ang boss ko hindi pa lumilipas ang isang minuto. Ma’am Beth: Alice, ikalawang beses na ito na nag-absent ka. Mabuti na lang at walang masyadong customer. Alice: Pasensiya na po talaga. Ma’am Beth: Pumasok ka bukas ng umaga dahil nag-extend si Melisa para sa ‘yo. Alice: Okay po. “May problema?” usisa ni Hades. Umasim ang mukha ko sa kanya. “Napagalitan ako dahil hindi ako nakapagpaalam kanina.” “Ang dali ng solusyon mo.” Kuryosidad akong tumingin sa kanyang direksiyon. “Mag-resign ka para hindi ka mapagalitan.” Halos matumba ako sa kinauupuan sa kanyang sagot. Sagot iyon ng walang problema sa buhay. #Sanaall! Nag-vibrate ang cellphone na hawak ko dahil nagpadala ng email message sa akin si Draco. Here is our shared drive link. Inihanda ko na rin ang layout para mas madali sa ating parehas. Magsisimula na rin akong mag-research. If you have questions, let me know. Thanks, Draco. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa mensahe niya. Napuna naman iyon ni Hades. “Are you cheating on me?” seryoso niyang tanong. Malalim ang kanyang tingin sa akin. Noon ko lang din napansin na naroon na pala kami sa aming lugar. “Cheating?” Hinablot niya ang cellphone ko at tumiim ang kanyang bagang nang bumungad ang mensahe ni Draco. “Hey! Give it back!” “Ka-partner mo si Draco sa isang project?” aniya na ibinalik sa akin ang cellphone. “Yes.” “Makipagpalit ka sa iba,” aniya na may halong gigil sa tinig. “He’s dangerous!” Coming from the most dangerous I’ve met? Naisip ko si Draco. Mabait ang kaklase ko na iyon at kung tutuusin ay masipag siya. Nasabi siguro ni hades iyon dahil may hindi sila napagkaunawaan ng kaibigan. “He’s the one who drugged you!” Doon ako nabigla. Ang tinutukoy niya ay ang school party noong weekend kung saan sumama ang pakiramdam ko nang sobra. “At sigurado ako na nilalapitan ka niya dahil sa ‘kin!” Ayokong madamay sa alitan nilang dalawa. Estudyante ako at nakasalalay ang grade ko sa subject namin ni Draco. “Hades, are you perhaps jealous?” Wala akong naiisip na dahilan kung hindi iyon lang. Nagkiskis ang kanyang ngipin. “Yes! And I’m so annoyed because I am more handsome than him! Maliit pa ang t!ti niya!” “...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD