"Hey!" Mga tapik sa pisngi ko ang nagpagising sa akin.
Nabigla ako nang makita ang mukha ni Hades. Alertong lumayo ako sa kanya at saka ko sinuri ang sarili ko, ang paligid ko at higit sa lahat ay kung mayroon akong kasama bukod sa kanya.
Naroon ako sa isang sasakyan sa tapat ng maliit na bahay namin. Ang huling natatandaan ko ay dinala ako sa isang tirahan ni Atlas at pagkatapos ay nakita ko si Hades doon. May mga naganap na hindi katanggap-tanggap. Habang hawak ko ang kahabaan niya, hindi siya nakuntento kaya ipinasok niya iyon sa bibig ko.
Gumapang ang takot sa balat ko.
Niyakap ni Hades ang kanyang manibela. “Hinimatay ka kanina, nakakasama ng loob.”
Yeah, hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari matapos niya akong utusan na tulungan siyang makaraos. Para bang nakabara pa sa bibig ko ang bagay na iyon, Nanakit ang lalamunan ko.
Kailangan kong makaalis dito! Sinubukan kong buksan ang pintuan na naroon sa gilid ko.
“Buksan mo ang pintuan!” natataranta kong sabi.
Nangalumbaba pa ang siraulo habang naaaliw na nakatingin sa akin. “Matapos kitang ihatid dito sa inyo, ganyan lang ang sasabihin mo sa ‘kin. Wala man lang ‘thank you?’”
Nakita kong nagbukas ang pintuan ng maliit na bahay namin at lumabas si inay.
“‘Nay!” Tila ako nakakita ng kakampi.
Binuksan ni Hades ang pintuan sa kanyang panig at pagkatapos ay saka ako sinubukang tulungan na makababa. Itinabig ko ang kanyang kamay. Hindi ko kailangan ng tulong mula sa isang demonyo.
“Magandang gabi po!” bati niya kay nanay, tila siya maamong tupa sa oras na iyon. Sinilip niya ang relo. Ala-una y medya na ng madaling araw ang kasalukuyang oras kaya mabilis siyang nakabawi. “Magandang umaga na po pala!”
Nasorpresa si inay. Unang beses kasi na may naghatid sa akin sa dis-oras ng gabi.
“M-magandang umaga rin sa ‘yo!”
Please! Hindi mo kailangan maging mabait sa sirauong iyan! Nais kong sabihin ngunit napuna ko na tila nabighani na si inay kay Hades. Hindi naman kataka-taka dahil matangkad siya at talagang punahin sa kanyang tila Espanyol na mukha. Matangos ang kanyang ilong, alon-alon ang itimang buhok at makinis ang mukha. Ang mga bagay na itinatago ng kanyang t-shirt at short ay dagdag pa sa puntos nito.
Sht! Ayokong purihin ang siraulong ito pero wala akong magagawa sa puntong iyon.
“Sana po ay huwag kayong magalit kay Alice kung na-late siya nang kaunti sa pag-uwi. Kasalanan ko po. Mainit po si Alice kaya nagmagandang loob na po ako kaysa mapahamak pa po siya sa daan. ”
Please… Nais kong masuka sa bait-baitan niya. Ang umamin sa kasalanan ay wala sa karakter ni Hades.
Nagliwanag ang mukha ni inay. “Teka lang! Hindi ba’t ikaw ang anak ni Mayor?”
Naloko na! Fan ni Mayor Hontiveros ang nanay ko. Ngayon na nakilala niya si Hades, sigurado na tila siya nanaginip nang gising.
Nahihiya pang nagkamot sa ulo niya ang siraulo. Siguro kung maliwanag ang lugar namin ay baka namula pa ang pisngi ng siraulo. “Opo, ako po ‘yon. Schoolmates po kami ni Alice sa SMU.”
“Ahh, magkaeskuwela kayong dalawa! Hindi ko alam na doon din pala nag-aaral ang anak ni mayor.”
“Nay, pumasok na tayo sa loob,” putol ko sa maganda nilang usapan.
“Ano ka ba naman, anak! Nagmagandang loob na nga ang tao na ihatid ka rito. At saka, hindi ko alam na magkakilala pala kayo!”
Sinisikmura ako lalo sa mga nagaganap. May ideya ba si nanay na dinukot ako ng grupo ni Hades? Pinagsamantalahan ako ng siraulo! But Hades uses his charm easily to hide his true colors. Pero hindi sa akin! Matapos kong makita at maranasan kung ano ang mga posible niyang gawin, lalo lang napuno ng pagkamuhi ang damdamin ko para sa kanya.
Hinipo ni nanay ang noo ko. “Aba’t may sakit ka nga anak. Ayos ka lang ba?”
Nagdilim ang mata ni Hades. Hindi ko alam kung bakit.
“Go home, Hades!” paasik kong sabi. Pinalo ako ni nanay sa braso. See? Kaya niya akong itakwil para sa siraulong ito. Naalala ko ang sinabi ni Hades kanina. Walang maniniwala sa akin at ilalagay ko lang sa alanganin ang sarili ko. Sa puntong ito ay parang ganoon na nga.
“Alice, see you soon!” Kumaway pa ang walanghiya kaya naiiling ako.
No! Ayokong makita ka ulit! Iginiya ko na si nanay papasok sa loob ng bahay habang sumakay sa sasakyan niya si Hades.
Kita ko ang saya ni Inay na bibihira ko lang makita. Madalas kasi na problema ang dalahin niya; pambayad sa kuryente o tubig, mga pagkain namin sa araw-araw at panggastos.
“Ikukuwento ko kay Marites na nakilala ko ang anak ni mayor! Sigurado na maiinggit ‘yon! Hindi lang kaguwapo, mabait pa! Ang swerte mo, anak! Nasakyan mo ang kotse nila! Ikukuwento ko ‘yon kay Marites.”
Mapait akong ngumiti. Simple ang mga bagay na iyon, pero malaking bagay ito sa nanay ko. Sa puntong ito ay natalo ako ni Hades. Hindi ko kayang sabihin ang mga naganap kanina. Ayokong makita na madismaya si nanay o kaya naman ay ako ang pagalitan niya. Ayoko siyang bigyan ng problema. Baka mamaya ay hindi niya na ako papasukin sa fast food dahil ginagabi ako ng uwi.
Hindi pwede iyon dahil ang lugar na iyon lang ang pumapayag sa schedule na mayroon ako sa school. Hindi rin naman pwede na hindi na ako magtrabaho o kaya ay bitiwan ko ang scholarship.
“Uminom ka ng paracetamol, anak. Teka, kumain ka na ba?” aniya.
“Ayos lang ako, ‘Nay. Sige na’t matulog ka na. Ako na ang bahala sa sarili ko.”
Kumuha ako ng tubig. Sana ay sapat na ito para kumalma ako. Malinaw pa rin sa akin ang mga naganap kanina. Kung paano ako ipinid sa pader ni Atlas. Higit sa lahat, kung ano ang nakita ko sa pagkatao ni Hades. Kung paano nila ako hipuan. Kung paano ako matakot! Hanggang ngayon nga ay ramdam ko pa rin dahil hindi pa naman lumilipas ang dalawang oras nang naganap iyon.
Ano ba ang tamang gawin matapos maranasan ang mga iyon? Iiyak? Aalis na lang sa school para hindi ko na sila makita pa tulad ng ginawa ni Sanya?
Wala akong ganoong pribilehiyo. Mahirap lang ako na binigyan ng magandang pagkakataon na makapag-aral sa magandang eskuwelahan! Wala akong magulang na kaya akong dalhin sa ibang lugar dahil may nang-bully sa akin.
Hindi ako papayag na sirain ng Net Rippers ang kinabukasan ko. Kailangan kong maging malakas.
***
Hindi ako nakapag-aral dahil kailangan kong matulog matapos ang sama ng pakiramdam ko kagabi. Tila umiikot pa rin ang paningin ko sa paligid nang pumasok ako sa school. Tinungo ko ang locker ko at napuna na hindi ko padlock ang naroon.
Umawang ang labi ko ngunit napuna ko ang code na nakakabit sa suksukan nito. Ginamit ko iyon para magbukas ang lock. Dalawang libro ko at gamit pa rin ang nasa loob ng maliit na box, ngunit bakit iba ang padlock?
Nasagot din naman kaagad ang tanong ko nang makita ang pinunit na hibla ng notebook na nakasuksok sa gilid.
Dinukot ko iyon at inalis sa pagkakatupi.
Maayos na sulat-kamay ang mga nakalahad sa papel.
Alice, I was really hurt after you passed out. Maraming naglalaro sa isip ko na pwede pa sanang maganap.
Nag-iiwan ng baga ang mga labi ko sa balat mo at masarap kang umungol matapos kong dilaan ang mga dibdib mo. Naliligayahan ka sa sarap habang ibinubulong sa akin ang pangalan ko. Hindi ka mapalagay sa sobrang libog kaya naman inilingkis mo pa sa akin nang mahigpit ang iyon mga binti para maramdaman ko ang iyong hiyas.
Ang iyong hiyas na kay init, naglalawa siya sa sensasyon na dinadama ng aking mga daliri.
Bumuka ang mga labi mo matapos damhin ang sarap na bumubuo sa iyong kalooban. Sinambit mong muli ang mga pangalan ko. Lumapat ang dila ko sa iyong kaselanan at naramdaman ko ang pag-iisa ng buhok ko sa iyong mga daliri. Halos mabaliw ako habang dinadama ang mga pagsabunot mo sa akin.
Iginiya mo ang iyong balakang para lalong maranasan ang sarap ng panlasa ko. Masyadong basa iyon at masarap. Hindi ka napalagay, hiniling mo na angkinin na kita. Hindi mo na kayang maghintay pa na maranasan ang pagkalal*ki ko. Nakikita ko sa iyong mga mata ang kahilingan na maging isa tayo.
Naguguwapuhan ka sa akin at hindi mo mapigil ang iyong sarili.
Lumapat ang labi ko sa iyong bibig at nadama ko ang malambot mong palad sa aking pagkalal*ki. Masarap akong umungol. Lalo itong tumigas matapos maramdaman kung paano ekspertong sumasakal ang kamay mo sa akin. Hindi na rin ako makapaghintay. Gusto na kitang angkinin.
Iginiya mo ang pagkalal*ki ko, ipinadulas iyon habang dinadama ko ang isang palad mo sa aking dibdib. Ramdam ko ang init, ang bawat hininga mo na dumadampi sa aking balat, ang bulong mo sa aking pangalan.
Naging isa tayo at kinalimutan ang iba pang bagay. Halos mabaliw ako habang naglalandas ang mga kamay mo sa leeg ko, sa braso at sa dibdib. Dinadama ko ang mainit mong kalooban na matinding naglalawa para sa akin.
Napapiksi ako matapos tumunog ng bell na ibig sabihin ay magsisimula na ang klase o susunod na exam.
Sht! Mabilis kong isinara ang sulat na iyon matapos na kumibot ang pagkab*bae ko sa pagtatapos ng sulat ni Hades o sabihin natin na erotica. He writes a passionate love making in which we are the primary characters. Me—a virgin!
Alam kong sa kanya iyon galing kahit na walang pangalan na nabanggit. Masyadong narcissistic at para bang ako ang may kagustuhan ng lahat. Para bang hinihiling ko na makipagtalik sa walanghiya!
It surprises me though! He writes well. It’s intimate.
But girl?
Napangiwi ako at ipinilig ko ang ulo ko. Gusto ko siyang isumbong sa dean’s office dahil sa panggugulo niya sa akin ngayong araw. Kaya lang ay baka ako pa ang mapahamak kapag sinabi ni Hades na inilahad niya lang sa sulat ang mga nangyari sa amin.
Inipit ko iyon sa libro na naroon. Kung paano niya nagawang palitan ang lock ko ay hindi na kataka-taka. Papalitan ko ang padlock!
That motherf*cker really wants to mess with me!