C4. Unbothered

1350 Words
Surprise! Surprise! Napaatras ako at saka muling sinuri ang kuwartong papasukan ko. Room 202. The Life and Works of Rizal, iyon ang subject ko sa kasalukuyan. Ngunit nabigla ako na makita si Hades sa loob. May kausap siyang miyembro din ng Net Rippers na nakikita ko sa klase. Ano ang ginagawa niya rito? Nasa unang term kami ng klase, ngunit sa loob ng isang buwan ay hindi ko siya nakita kahit isang beses. Mabilis na dumaloy ang kaba sa balat ko matapos manumbalik sa akin ang mga naganap kagabi. Kung may ipinagpasalamat ako sa mga nangyari, hindi ako ginalaw ni Hades nang walang malay. It would have been his chance to take my innocence, but he didn’t take it. Girl, don’t be thankful! He’s still a molester! Tatlong oras ko lang pagtitiyagaan ang presensiya niya kaya tumuloy ako. Iisipin ko na lang na wala siya sa silid na iyon. Pumasok ako at saka pinili ang silya sa ikalawang linya na malapit sa pintuan. I need light! Maganda na rin na narito ako malapit sa pintuan para madali akong makalalabas. Baka himatayin na naman ako. Ilang segundo lang ay tumayo ang lalaking katabi ko, pumalit sa silya si Hades Hontiveros. Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi ako natatakot sa kanya sa kasalukuyan. Hindi niya ako sasaktan sa harapan ng buong klase. May sumasayaw na pagkaaliw sa kanyang mata habang nakangisi. Nilingon ko ang ibang silya para sana lumipat ngunit napuno na iyon ng iba pang estudyante. “Sinusubukan mong umiwas sa ‘kin?” Amusement shows on his handsome face. Hell, yeah! Kailangan pa bang itanong iyon? Ngunit ayokong sabihin iyon kay Hades. “Sa huling pagkakaalam ko ay ikaw ang umiiwas sa klase na ‘to. Ano ang pakiramdam ng isang buwan na hindi pumapasok?” “So napapansin mo ang mga ginagawa ko? I never thought we were classmates. Kung alam ko lang eh ‘di sana ay pumapasok na ako nang personal.” Personal? Does he mean he’s taking this course online? Mayroon siyang ganoong pribilehiyo? “This class is boring. Ipagpatuloy mo lang na huwag nang pumasok,” sabi ko sa kanya. Ngunit nabigla ako sa tinig na dumagundong sa buong silid. “Miss dela Cruz! If you’re bored, I am giving you time to quit the class! Nagawa mo pang udyukan si Mr. Hontiveros!” Sht! Hindi ko napansin na pumasok na pala ang professor namin at narinig niya ang sinabi ko. “Prof, no! Uhm, I love Rizal! H-he’s my idol! I love Dr. Jose Rizal!” Humagikgik ang mga iba naming kaklase. Naaaliw naman si Hades sa paliwanag ko. “I see…” Professor Matias huffs. He continues to walk towards the table. May isinulat sa papel niya si Hades kaya nawala ako sa focus sa mga ibinibigkas ni Professor Matias. Pinabasa niya ang malalaking letra sa notebook. Hades: Did you see my surprise? Nagsulat din ako para sagutin ang nasa notebook habang kunwari ay nakikinig sa nakakaantok na diskusyon sa klase. Don’t be mad, Pepe. Nagkataon lang na puyat ako. Me: The porn? Hades: I was hurt! That’s the art of s*x in text context! I will give you more. No thanks! Me: Hindi ko kailangan na pag-aralan ang Kama Sutra. Sa huling pagkakatanda ko ay dapat na nag-iiwasan tayong dalawa. Nakalimutan ba niya na minolestiya ako ng Net Rippers? He almost r*ped me! Natatakot dapat ako sa kanya, pero walang magagawa ang pagmumukmok ko sa bahay. Kailangan kong mag-aral para magkaroon ng magandang kinabukasan. Kailangan kong kumilos dahil wala akong karapatan. Hades: But you like my art deep down. Nais umikot ng mga mata ko. May makatatalo pa ba sa lakas ng kumpiyansa ni Hades sa sarili niya? None! Me: Leave my locker alone! Tumaas ang sulok ng labi ni Hades habang nakatingin kay Professor Matias. Halatang wala siyang planong intindihin ang sinabi ko. Tumunog ang bell. Dahilan para tapusin ang klase. Nagmadali akong lumabas ng silid. Hahabulin ko pa ang susunod na klase ng Psychological Assessment. Tinabihan ako ni Hades habang naglalakad ako sa pasilyo. “May humahabol sa ‘yo?” aniya. “Mahirap na kapag naiwan ako nang mag-isa. Siguradong sa hallway ay hindi ako palalampasin ng siraulong nangmolestiya sa akin kagabi. More people, more fun!” tugon ko. Naiiling na lang ako nang hawakan niya ako sa braso para pahintuin. Napapiksi ako at saka nagpabaling-baling ng tingin. Okay, I’m safe! Naaaliw si Hades na pinag-aaralan ang kilos ko. “Easy, girl!” May inilabas siyang gamot sa bulsa dahilan para mabigla ako. “Kumain ka muna bago mo inumin iyan. I think you are still hot. Medyo mainit ang braso mo at nagtutubig din ang mata mo.” I’m speechless. Nag-aalala ba siya sa akin? Pero ayokong kunin ang gamot! Mamaya ay ibang droga pala ang gamot na may nakasulat lang na ‘Bioflu.’ “Come on! Wala akong plano na lasingin ka kung iyon ang iniisip mo. Isa pa, I love seeing you struggling and fearful rather than seeing you unconscious.” Kinindatan pa ako ng walanghiya bago nagmartsa palayo sa akin. Sinundan ko ng tingin ang papalayo niyang bulto. Nahihiwagaan na isinuksok ko ang gamot sa bulsa ko. Is he a pervert? Mas natutuwa siya na nag-i-struggle ako at natatakot kaysa sa walang malay? He’s an utterly and complete psycho! *** Natapos ang mga sumunod kong klase nang walang aberya. Ngunit mas nilalamig na ang pakiramdam ko. May supot ng clubhouse sandwich sa loob ng paperbag ang maayos na nakaupo sa loob ng locker ko. Nakasulat ang mga salita sa brown na papel: Eat before you drink the med. Hindi ko na kailangan pang alamin kung kanino galing ang sandwich na iyon. Inamoy ko ang pagkain para makasiguro. Mukhang ayos naman iyon. Hindi pa ako nag-aagahan at ayoko namang kumain na naman ng chicken sa Sarap fast food. Halos maglaway ako sa bango ng pagkain. Kailangan kong palitan ang padlock para hindi ako nag-aatubili nang ganito. Kung heto ang kabayaran ni Hades dahil sa mga pinaggagagawa niya sa akin kagabi, hindi ko dapat ito tinatanggap. This would be the last! Umupo ako sa canteen at saka sinubukan kainin ang sandwich. Ngunit naroon sa tapat ng mesa ko si Atlas at iba pa sa Net Rippers. May mga kasama silang cheerleaders kaya hindi ako masyadong pansinin. I’m ordinary, I’m not that pretty. Kumabog ang kaba ko nang tumabi sa akin si Atlas. “Hey…” aniya. Panay ang lingon niya sa paligid. “Atlas, if you could just please leave me alone.” Inistorbo na ni Hades ang umaga ko at ayokong tapusin ni Atlas ang pagkasira ng araw ko. “I’m sorry about last night. Ang totoo ay plano ka lang namin takutin dahil sa ginawa mo sa ‘kin. I didn’t expect it would turn that way. I… I hope hindi mo kami isumbong.” “Atlas, hindi ‘yon prank! You abducted and molested me!” bulong ko ngunit galit. “That’s why I’m sorry. I do. We don’t usually do it.” “Atlas, just leave me alone tulad ng nasabi ko sa inyo.” Nakita ko na nakatingin sa akin ang iba pang kaibigan niya. Binasa ko ang pagkakabigkas ng isa sa mga cheerleaders. Iyon siguro ang talent na mayroon ako. “Her blouse is so kadiri. How many times she had used that?” Naaaliw at nagagawa pa akong pintasan ng mga anak-mayaman na ito, ngunit wala na akong pakialam pa. Dinampot ko ang sandwich, ibinalik sa supot at saka lumayas sa kanilang harapan. Wala akong oras sa childish na mga bagay. “Let’s pretend we didn’t know each other,” huling bilin ko kay Atlas. Kung pakiramdam nila ay pwede silang tumambay at makipagngitian sa isa’t isa habang pinipintasan ang mga taong nakikita nila sa canteen, eh ‘di gow! Wala akong ganoong pribilehiyo. Ngunit hindi ko akalain na iyon ang rason ni Hades para madalas siyang lumapit sa akin. He wants to see me struggling. He wants to see the fear in my eyes. He wants to see me trembling. It turns him on like a total psycho!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD