Chapter 10

1444 Words
"Are you ready?" seryosong tanong ni Mhegan sa akin. Nakalagay pa ang kaniyang kamay malapit sa kaniyang bibig na para bang bumubulong. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang tumango. "Sure na?" paninigurado niya pa. I nodded one more time. Tumaas ang sulok ng labi ni Mhegan bago siya muling nagsalita. "Totoo? Walang halong biro?" Kumunot ang noo ko saka ako padabog na tumayo at nakapameywang na hinarap siya. "Bubuksan mo ba o hindi?" iritado kong sinabi. Sinuyod niya ako nang tingin bago siya nagpakawala nang malutong na halakhak. Nalukot naman ang mukha ko sa ginawa niya. Ang lakas talagang mang-trip ng babaeng ito... "Excited lang girl" Her brows furrowed."May pahindi-hindi ka pang nalalaman kanina. Excited ka rin naman pa lang makita kung anong laman nito." irap niya sa akin bago lumipat ang tingin niya sa pink na paper bag. "Ah.... kaya mo 'ko binibitin, ganun?" "Medyo," Mhegan told me, then giggled. Kauuwi lang namin ni Anata sa bahay namin. And as usual kasama rin s'yempre si Mhegan. Wala raw siyang gagawin sa kanila kaya rito na lang muna siya sa amin magpapalipas ng oras. Mhegan was always alone in their home because her parents were always busy. Kaya naman mas madalas na tumatambay ang bruhildang ito rito sa amin. Pabor sa akin ang bagay na iyon dahil may naiiwan at may nagbabantay kay Anata sa tuwing may nagbibigay ng raket sa akin. Inis akong umupo muli sa harapan niya at nag-indian sit. We are in the living room now, sitting on the floor. Si Anata ay hinayaan ko na lang munang makipaglaro sa mga kaibigan niya. Kampante naman ako na hindi siya mapapahamak dahil binabantayan sila ni Jade; kaklase at kaibigan din namin ni Mhegan. "Nagbago na isip ko. 'Wag mo na lang buksan," ani ko. Nagkunwari akong nagtatampo. Tinangka kong kunin sa kaniya ang pink na paper bag na hawak niya. Mabilis pa sa alas kuwatrong inilayo niya sa akin iyon at tinaasan ako ng kilay. "Teka lang..." aniya. "Umu-oo ka na 'di ba? Kaya wala ng bawian iyon." nguso niya pa. Humalukipkip ako."Nakakainis ka kasi," sabi ko at inirapan siya. ''Tss! 'Eto na nga't bubuksan ko na. Hindi ka naman mabiro." Marahan at walang pagmamadaling binuksan niya ang pink na paper bag. Habang ginagawa niya ito ay mataman akong nanonood sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Bigla ko na lang naramdaman ang pagbilis ng pintig ng puso ko at panlalamig ng mga palad ko. To be honest, I have no plans to open it. Subalit dahil na rin sa pamimilit sa akin ni Mhegan ay napa-oo niya rin ako sa huli. Alam kong hindi niya ko titigilan hangga't hindi niya ako napapapayag. Isang maliit na jewerly box na itim ang bumungad sa paningin namin ni Mhegan matapos niyang buksan ang regalong iniabot sa akin kanina ni Manong Guard. Our eyes widened and our lips parted. Pareho kaming napatingin sa isa't-isa. Iniabot niya sa akin iyon, na agad ko namang tinanggap. Napalunok ako nang mahakawan ko ang maliit na jewerly box. Muli pa ay napatingin ako kay Mhegan.. "Kinakabahan ako," sabi ko. Kumunot ang noo niya. "Bakit naman? Hello? Hindi ka naman tutuklawin niyan, 'no. Hindi kakasya ang ahas riyan kaya buksan mo na. Bilisan mo na kasi." Inuyog-uyog niya ang balikat ko. "Bilis na." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko iyon binuksan. "FRANCINE!" I immediately turned to face to the person who had called me. Nakangiting mukha ni Lindsy ang nakita ko. Naglalakad siya papunta sa kinaroroonan ko. I stood up and waited for him to approach me. Nasa palengke ako ngayon at kauubos lang ng mga paninda kong gulay na inalsa ko pa mula kina Aling Lucia. Tuwing araw ng sabado at linggo, nagtitinda ako ng mga gulay. Isa ito sa mga raket ko. Maliit lang ang kita pero ayos lang. Nakatutulong ang kinikita ko rito pambili ng mga project sa school at pandagdag sa baon namin ni Anata. Kaya minsan, hindi ko na tinatanggap ang bigay na baon sa akin ni Nanay. Minsan naman kapag walang gulay si Aling Lucia ay nangangalakal naman ako ng mga bote, karton, bakal at plastic. Hindi ko ikinahihiya ang trabahong iyon. Nagtitinda rin ako ng balut sa gabi. Iyon nga lang pinatigil na ako ni Nanay dahil delikado raw para sa akin ang trabahong iyon. Pero s'ympre kapag wala siya at hindi umuuwi ay pumupuslit pa rin ako para magtinda. Gusto kong makatulong kay Nanay. Nakikita ko na nahihirapan na siya sa pagtatrabaho para lang buhayin kami ni Anata. Kaya nga, puspusan ang ginagawa kong pag-aaral dahil gusto kong makakuha ng scholarship sa susunod na pasukan. Malaking kabawasan iyon sa iisipin ni Nanay kapag natanggap ako sa eskwelahan na in-apply-an namin ni Mhegan. "Annyeong," bati ni Lindsy saka siya kumaway. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa baklita (bakla) kong kaibigan na nasa harapan ko na ngayon. Nakapagitna sa aming dalawa ang mahabang lamesa na nilalagyan ng mga panindang gulay. "Naubos na ba lahat ng mga paninda mo?" bagkus ay balik tanong niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid ng palengke at saka muling bumaling sa akin. Tumango ako. "Oo. Bakit? May bibilhin ka ba?" Umikot ako sa kabila. Dumaan ako sa likod niya at inumpisahan kong iligpit ang mga ginamit ko sa pagtitinda. Umupos si Lindsy sa dulo ng lamesa at saka siya maarteng dumikwatro. "May raket ko simu nga ihatag, day," pahayag niya. I frowned. Of course, I didn't understand what he said. I stopped for a moment and looked at him. "Bakit ba lagi kang nagsasalita ng ganiyan? As if naman naiintindihan kita..." sabi ko saka ako umirap sa kaniya. Sinimangutan ko siya at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. I heard Lindsy giggle but I didn't give him a glance. Malapit ng dumilim kaya kailangan ko nang bilisan ang pagliligpit ko para makauwi na rin ako at makapagpahinga. Alam kong naghihintay na rin sa akin sina Anata at Mhegan. Uuwi pa si Mhegan at ayokong gabihin siya sa daan. "Ang sabi ko may raket ako para sa 'yo." "Deal," agad kong tugon kay Lindsy. Sa pagkakataong iyon ay nakangiting lumapit na ako sa kaniya habang bitbit bitbit ko ang maliit na timbangan. Natatawang umiling-iling si Lindsy sa akin. Kinuha niya ang timbangan na hawak ko at siya na mismo naglagay niyon sa loob ng lalagyanan nito. "Sa palagay mo, papayagan ka kaya ni Aling Belinda na sumama sa akin bukas?" tanong habang nakatalikod sa akin. Kumunot ang noo ko. Naguguluhan sa sinabi niya. "Saan ba lakad natin?" "Sa burol ni Sir Vergara." "Sino iyon? Kliyente mo?" "Hindi..Boss namin." Napataas-kilay ako. "Akala ko ba freelancer ka?" Nagpagpag siya ng kaniyang kamay at humarap sa akin. "Mahabang kuwento, girl.. Sa susunod ko na lang i-chi-chika sa iyo, okay... Ano sama ka?" "S'yempre naman! Deal ako r'yan, basta pera ang pinag-uusapan." Tumaas-baba ang kilay ko saka ako ngumisi. "Tss!" umirap siya nang nakangiti. "Mukha ka talagang pera..." aniya, "kaya gustong-gusto kitang isama sa mga raket ko, e." Tumawa ako sa sinabi niya. "Teka, ano bang raket iyan?" tanong ko habang naglalakad kami pauwi. "Taga serve ng pagkain. O, 'di ba madali lang?" "Kailan ba? Hanggang anong oras?" "Bukas. Hanggang alas dos ng umaga..Mag-uumpisa ng alas sais sa gabi." Napaisip ako saglit. Kaya niya siguro naitanong kanina sa akin kung papayagan ako ni nanay na sumama dahil pala sa oras ng uwi namin. Tapos may pasok pa kami kinaumagahan. "Alam kong yakang-yaka mo iyan, Chin. 'Kaw pa ba? At saka, alam mo ba kung magkano ang sasahurin mo sa loob ng ilang oras lamang? Napatingin ako sa kaniya at saka umiling. "Tatlong nankangiti, girl," nakangiti niya ring sinabi. "Oh, ha? Saan ka makakuha nang ganoon kalaking sahod, 'di ba?" "Ha?" Napakamot ako sa ulo saka ngumiwi. "Ano iyong tatlong nakangiti?" maang kong tanong. Isang mahinang pitik sa noo ko ang natanggap ko mula kay Lindsy. Natapik ni Lindsy ang noo niya. "Naku, Francine! Kaka-stress ka girl! Pati ba naman iyon, hindi mo rin alam?" "Magtatanong ba ako kung alam ko?" irap ko sa kaniya saka ko binilisan ang bawat paghakbang ko. Nauna ako sa kaniya. "I-research mo para malaman mo," sabi niya sa likuran ko. "Tss!" Natatawang hinabol ako ni Lindsy at sumabay sa paglalakad ko. "Sa palagay mo ba papayagan ka ni Aling Belinda na sumama sa akin, Chin?" Nagkibit-balikat ako. "Siguro. Bakit naman hindi?" "Sayang naman kasi kung sa ibang tao ko pa ibibigay ang raket na iyon. Alam ko namang kailangang-kailangan mo ng pera. Ilang buwan na lang at graduation n'yo na, kaya alam kong nag-iipon ka." Ouch! Na-touch ako sa sinabi ni Lindsy. Love talaga ako ng baklitang ito! "Thank you," nahihjya kong sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD