BCS5

1018 Words
Medyo madilim ang kalsadang kinaroroonan niya walang katao tao sa paligid. Kung pano siya napunta roon? pinagtagoan niya lang naman ang nirito ng tito niya sa kanya. Sobrang aga palang kanina ng kinumperma ng tito niya na dumating na nga kahapon ang pamangkin diumano ng katrabaho ng tita niya. Kaya nakatakda sana silang magkita sa isang mall kanina. Kaya naman from QC to Alabang ang biyahe niya, balak niya kasing mag shopping after nila mag date, so iyon ang mas malapit sa mall na bibilhan niya. Kaya lang ng magkikita na sila ay may nalaman siyang karumaldumal na gawain ng hinayopak na ka date niya. Di lang pala ito mukhang addict dahil addict naman pala itong tunay. Tama nga ang sinabi nila na lubhang mapanganib ang mga blind dates lalo sa mga kababaehan. Marami na ang nabibiktima na rirape at ang iba pinapatay pa. Mabuti at narinig niya ang usapan nito at ng kung sinuman na pontio pilato at mukhang nailigtas siya mula sa mga kamay ng lalaking iyon. "Yeah, her family is dispirate to find someone for her, I think I will get laid tonight." dinig niyang sabi ng lalaki di naman ka gwapohan ang lalaki maputi lang na parang kinulang sa vitamin D. Sobrang payat pa na tila kinakapos ng kain at mukhang langong lango sa alak. "Na ah, she can't refuse, i'm planning to let her drunk and put some posh on her drinks. Im sure she is hot inside." tumatawa pa ito. "Yeah, she's pretty and sexy, and i ask Tony to follow her i already had her plate number." sabi pa nito, napalunok siya. Kung may sumusunod sa kanya, dapat maging maingat siya, dahan dahan siyang lumabas ng resto na yun, umikot siya buti sa kabilang block siya nag park, lumingon lingon siya sa paligid bago sumakay. Sa nanginginig na kamay ay nagawa niyang mag maneho paalis ng mall na iyon, na i record niya ang sinabi na iyon ng lalaki, nang nasa highway na siya ng mapansin niya ang kulay abo na sedan na nakasunod. Sinubokan niyang lumiko sa isang makipot an kalye, nang makitang nakasunod parin ito. Nang may lamay na patawid agad siyang nakisiksik sa gilid, nakita niya ang pag lampas ng sasakyan, siya tuloyan ng naligaw. Nagmaneho siya ng walang dereksyon takot siyang buksan ang cellphone niya at baka tumawag. Naubosan siya ng gas, yun ang dahilan ng pagtirik ng sasakyan niya, alas dyes na ng gabi ayon sa kanyang wrist watch. Tumingin siya sa paligid puro mga malalaking bahay ang nakatayo, mukhang village. Tapos sa kanyang kabilang gilid ay tila bakanting lote. Napaiyak nalang siya ng makita ang tatlong tila lasing na papalapit sa kotse niya. Nang makalapit ay kumatok ng ilang ulit sa kanyang bintana. "Pre mukhang may tao sa loob!" sabi ng isa na pilit binubuksan ang nakalock na bintana niya. "Oo nga no!" sabi ng isa. Kinapa niya ang kanyang cellphone ngunit di niya makita, inalog alog ng lalaki ang sasakyan niya, napaiyak na siya ng tuloyan, di nga siya narape ng ka date niya sa tambay naman siya narape. "Kumuha ka ng kahoy basagin natin ang bintana." dinig niyang utos ng pinakamalaking lalaki. Malamang ay bangkay na siya pag makita ng pamilya niya, walang katao tao sa paligid. Narinig niya ang pagkabasag ng salamin ng kaliwang bintana niya. Pumikit siya habang nakayopyop sa manibela. "Miss are you okay?"dahan dahan siyang dumilat bago lumingon. Nasa limang lalaki ang nasa harap niya, pamilyar ang mukha ng mga ito. Di siya makagalaw, parang hanggang ngayon ay nanginginig parin ang mga laman laman niya. Maya maya ay may patrol na dumating. "Miss are you okay?, ligtas kana, you can go out now." nang mabistahan niya ang mukha ay si Mr.Lacsamana. Dahan dahan siyang lumabas ng sasakyan inalalayan pa siya ng mga ito kasi may mga bobog na nakakalat sa upoan ng sasakyan. "Ms.Love?" pagkilala sa kanya ng isa. Nang makababa ay naiyak na naman siya, hinila siya ni Mr.Lacsamana at nagulat pa siya ng yakapin siya nito, tuloyan na siyang naiyak. "Sir, kayo na po ang magdala kay maam sa presento para makapagsampa ng pormal na reklamo." sabi ng police bago sumibad ang mobil. Ilang sasakyan ang nasa paligid, pero wala siyang time magbilang,isinuot nito sa kanya ang coat nito bago inalalayan siya sa isang sports car. "Water?" abot nito sa isang thumbler, atubili sana siyang abutin kasi malamang pag aari nito ang thumbler, at may bawas na, ngunit kailangan niya ng tubig. Iniabot niya ang tubig at uminom, kipkip niya parin ang sling bag niya at ang cellphone niya. Tinitigan siya nito ng mariin. "What happened?," tanong nito. Napahikbi na naman ako. "Naligaw ako e, tapos tumirik ang sasakyan ko, ubos na pala yung gas." katwiran ko. "Are you okay now?" tanong uli nito. "Oo". His pov Binabagtas nila ang short cut nila papuntang villa ni Darren Vega, ang isa naming kaibigan galing kami sa isang party, nang magsawa ay nagkayayaan kami na mag overnight sa villa ni Darren. Nang akmang paliko na siya ng makita niya ang tatlong lalaking lasing na binabasag ang isang moose green na kotse, binusinahan niya agad sa itsura ng mga ito mukhang mapapalaban kami. Huminto ako, maging ang iba pa naming kasama, may dalang baril si Gio at si Ran, kaya malakas ang loob niyang huminto. Pag baba nila agad na sinuntok ni Gio at ng iba pa ang mga lalaki bago tinalian. Agad nilang sinilip ang kotse, may tao babae na nakayupyop sa manibila umaalog ang ulo, sa hula niya ay umiiyak ito, sa takot malamang. Ganun nalang ang gulat nila ng humarap ang babae, its non other than Love Jade Herrera. Kaya naman nang makalabas ito ay nayakap niya, bigla siyang natakot para dito, kung di sila dumating malamang narape na ito, at malamang bukas laman ng dyaryo ang mukha nito. Hinayaan niya itong makatulog, sa pagod sa kakaiyak at takot. Ngayon payapa na itong nakatolog sa tabi niya, medyo kita niya ang maputi at makinis nitong hita. Napamura nalang siya sa isip, di niya hahayaang maulit pa ito. Pag dating nila ng presento ay ginising niya na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD