"HOW to do it right?" tanong ni Silent habang hawak-hawak ang buhok ko, mababakasan na ng inis ang boses niya. Kanina niya pa pinagsasama-sama ang mga buhok ko para itali pero may tumatakas na hibla, at sa tuwing kukunin niya 'yon ay may tatakas na namang panibagong hibla ng buhok ko. "Tigilan mo na kasi," sabi ko na lang. Hindi niya sinusubukang itali ang buhok ko, ginugulo niya ito. Tinigilan ni Silent ang ginagawa at sa salamin kami nagpalitan ng tingin. Nangunot ang noo ko nang mapansin ang pag-angat ng sulok ng labi niya. "Why are you smirking?" tanong ko, mababakasan ng pagtataka. Nagbaba na muli ng tingin si Silent sa buhok ko. "I just remembered something." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, pero nang maintindihan ay nanlaki ang mga mata ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng