HINDI makatingin nang maayos sa akin si Yesxia. Todo ang pag-iiwas niya ng tingin sa akin huwag lang magtama ang mga mata namin. Sa nakikita kong ikinikilos ng kakambal ay daig niya pa ang taong may nagawang kasalanan at nahihiya itong humarap sa taong nagawan niya ng kasalanan. "Yesxia," tawag ko sa atensiyon ng kakambal. Wala siyang naging tugon sa pagtawag ko at nanatili lang sa pagkakayuko dahilan para mapabuntong hininga ako. "Bakit hindi ka man lang makatingin sa akin?" Humalukipkip ako sa harapan niya at pinagtaasan siya ng kilay. "Paano pa kita haharapin matapos ng ginawa ko?" halos pabulong niyang tanong, punong-puno ng hiya. Napailing ako. "Kung tungkol 'to sa engagement nyo ni Silent, alam kong wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto ang bagay na 'yon." Nang sabihin ko ang tu