MY face was emotionless while staring at our house. Sa kabila ng ganda ng disenyo at magara nitong dating ay tila kulungan pa rin ang tingin ko sa bahay na ito. Ang ganda nitong taglay ay nakakasakal. Parang isa akong pintura sa bahay na ito na hindi puwedeng kumupas. Kailangan kong makipagsabayan sa ibang disenyo para umangat ang taglay kong ganda. I let out a sigh. Nagsimula nang humakbang ang mga paa ko patungo sa bahay na nasa harapan ko. Sa bawat hakbang na nagagawa ko ay palakas nang palakas ang t***k ng puso ko dahil sa naiisip kong nag-aabang sa akin sa loob nito. Palihim na nagsarado ang kamao ko nang makapasok ng bahay ay kaagad na sumabulong sa akin ang ama kong nakaupo sa mahabang sofa. Nandito rin sa salas ang kakambal ko na nakaupo naman sa single sofa. Nang tumigil ako