Chapter 6 - Date

2054 Words
DAHIL ngayong araw ay ako ang kakambal ko at hindi si Hestia, I tried my best to keep smiling while with Silent. Sinubukan ko rin siyang kausapin habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. I'm trying my best to be a jolly person like Yesxia. But all my efforts seemed useless. Kahit kasi panay na ang pagsasalita ko rito sa tabi ni Silent ay tahimik lang siya at mukhang naiinis na sa kaingayan ko. That's when I decided to stop talking. Parang nabuhayan ako sa nakakaboring na araw na ito nang tumigil ang sasakyan ni Silent sa tapat ng isang kilalang restaurant. It is not surprising to see him bringing me here. He's a Montealegre, after all. Naunang bumaba si Silent ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. I smiled at him for doing that but he just ignored me. Napanguso na lang ako at palihim na inirapan siya. Kung hindi ko lang kailangang magpanggap bilang Yesxia sa harapan niya ay baka kanina ko pa sinusungitan ang Montealegre'ng ito. He's too arrogant. Sa totoo lang ay nabigla rin ako nang malamang si Silent pala ang magiging date ni Yesxia. Ngayon ay napupuno ng katanungan ang utak ko. Anong balak ni Papa sa dalawang ito? Walang pansinan kami ni Silent nang tahakin namin ang daan papasok ng restaurant. Magkasama man kami ay tila parang hindi naman kami magkakilala. Nagsawa na rin akong daldalin siya at sa huli ay hindi naman ako papansinin, kaya mananahimik na lang ako. If he doesn't want to talk, e 'di don't. Nang makapasok ay inasikaso kami ng empleyado ng restaurant para dalhin sa ipina-reserve ni Silent na table. Habang naglalakad naman ay iginagala ko ang tingin sa paligid. Marami-rami ang costumer na nandito at mahinang nag-uusap para hindi makaabala ng iba. May isang banda naman ang tumutugtog ng instrumental music na nagbibigay ng romantic at elegant na awra sa paligid. Boring. Bumalik na ang atensiyon ko sa kasama kong Montealegre nang tumigil na kami sa paglalakad. Pinaghila ako ni Silent ng bangko at saka lang naupo nang makaupo na ako. Agad naman kaming inabutan ng menu ng waitress. Pasimple ko munang sinulyapan ng tingin si Silent bago itinuon ang tingin ko sa hawak kong menu. Wala talaga siyang planong kausapin ako. "Hestia?" Natigilan ako sa pagpili ng o-orderin nang marinig ko ang boses ng isang babae na tinatawag ako. Bahagyang bumakas sa akin ang pagkagulo dahil hindi pamilyar sa akin ang boses nito. Nang pasimple kong sulyapan ng tingin ang pinanggalingan ng boses ay nakita ko ang babaeng papalapit na sa table namin ni Silent. Humigpit ang hawak ko sa menu dahil sa kabang nagsisimula nang kumalat sa sistema ko. Who is she? Bakit bigla siyang sumulpot, ngayong kasama ko si Silent? Anong kamalasan 'to? "Hestia," sambit ng babae sa pangalan ko nang makarating na ito sa harapan ko. Inilapag ko ang hawak na menu at inosenteng nag-angat ng tingin sa babae. "Excuse me? I think nagkakamali ka. I'm not Hestia," sambit ko at ngumiti sa harapan niya. Natigilan ang babae sa sinabi ko at napatitig sa akin. Tila sinusuri niya ako ng tingin kung nagsasabi ba ako ng totoo. Nang matanto niyang totoo 'yon ay umawang ang bibig niya. "Oh my god," bulalas niya. "I'm sorry, Yesxia. I thought you're Hestia." "Don't mind it. Sanay na ako," sabi ko at marahan na tumawa. Napipilitan na lang na ngumiti ang babae sa harapan ko at nagpaalam na. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sadya ng babaeng 'yon sa akin. I don't know her, pero bakit kilala niya ako? Ang iniisip ko na lang ay baka isa siya sa mga nakilala ni Yesxia bilang ako. When I turned back my attention to Silent, I saw him looking at me. Bumakas ang pagtataka sa mukha ko nang mapansin ko ang iritado niyang ekspresiyon sa mukha. "Let's end this f*****g date," mariing sabi ni Silent at basta na lang tumayo sa kinauupuan niya. Walang paalam siyang umalis sa harapan ko at iniwan akong nakatanga. Kahit ang waitress na naghihintay ng order namin ay natulala sa ginawa ng Montealegre'ng 'yon. My jaw dropped. He left me! That jerk left me here! Napalabi ako at nahihiyang tumingin sa waitress na ngayon ay halata na ang 'di pagiging komportable dahil sa nasaksihan. "I'm sorry about that," sabi ko at tumayo na rin mula sa pagkakaupo. Pilit pa akong ngumiti sa waitress bago tinalikuran ito at naglakad na papalayo sa kanya. Nakasarado ang kamao ko habang naglalakad palabas ng restaurant. Naiinis ako! Ang kapal ng mukha ng Montealegre na 'yon para mag-walk out sa hindi ko malaman na dahilan. Dahil ba 'yon sa babaeng lumapit sa amin? Dahil ba saglit kaming naabala nito? Kung hindi, ano pa ba ang ibang dahilan sa pang-iiwan sa akin ng Montealegre'ng 'yon? Nang makarating ng parking lot ng restaurant ay naabutan ko si Silent sa labas ng kotse nito. Mas nakaramdam pa ako ng inis nang makita kong nagsisigarilyo na naman ito. I heaved a sigh before walking towards him. "Why did you leave?" mahinahon kong tanong nang makalapit sa kanya. I'm still pretending as Yesxia in front of him, kaya kahit gusto kong sigawan ang lalaking 'to dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin ay hindi ko magawa. Hindi ugali ni Yesxia ang mang-away ng ibang tao. Bakas pa rin kay Silent ang pagiging iritado nang tingnan niya ako. "Kailangan pa bang tanungin 'yan? Hindi mo ba talaga alam ang dahilan?" I want to burst out in anger. Nakakagigil ang isang 'to! Sa tingin niya ba, kung alam ko ang dahilan ng pang-iiwan niya sa akin sa loob ng restaurant ay magtatanong pa rin ba ako sa kanya? Estúpido! Napipilitan akong ngumiti kahit na naiinis na ako. "That's why I'm asking, kasi hindi ko talaga alam kung bakit bigla ka na lang nag-walk out. Don't you know? Napahiya ako dahil sa ginawa mong 'yon." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Silent nang humithit siya sa sigarilyong hawak at ibinuga ito sa paligid niya. Hindi talga magtatanda ang isang 'to hangga't hindi siya napapahamak sa bisyo niya. "You do know how to get on my nerves, huh?" ani Silent habang pinagmamasdan ako. Naglaho ang pekeng ngiti sa labi ko at naging seryoso. "What's your problem? Tell me. Kaya ka ba nag-walk out ay dahil doon sa babaeng lumapit sa akin? Kasi naabala tayo? Pero nagkamali lang siya. Akala niya kasi ay ako si Hestia kaya lumapit siya sa atin--" "Talaga bang nagkamali lang siya?" pangpuputol niya sa sinasabi ko. Natigilan ako at parang napako sa kinatatayuan ko. What does he mean? Inubos muna ni Silent ang natitirang maliit na sigarilyo at itinapon ito sa kung saan saka nagtuon ng atensiyon sa akin. Napalunok ako nang humakbang siya palapit at hinawakan ako sa siko ko para ilapit sa kanya. He stared at me, and a smirk appeared on his lips. "Do you think you can fool me, Hestia?" Bakas ang tila panghahamon sa boses niya. Bahagyang umawang ang bibig ko sa narinig. Namilog ang mga mata ko habang tinititigan siya. Bago ako umalis ng bahay ay sinigurado ko ang pagpapanggap ko. Mula sa pisikal na anyo, ang pag-uugali at facial expression ni Yesxia sa mukha ay gayang-gaya ko. Kahit ang babaeng nasa loob ng restaurant ay napaniwala kong ako si Yesxia. Pero ang Montealegre'ng nasa harapan ko ay walang kahirap-hirap na natutuklasan ang pagpapanggap ko na kahit kailan ay wala pa nakakaalam o nakakahalata. "How... how did you know?" nauutal kong tanong at hindi pa rin makapaniwala. Hindi ko na sinubukang itanggi ang sinabi niya dahil pakiramdam ko ay walang kwenta kahit gawin ko pa 'yon. Naguguluhan ako sa nangyayari, pero namamangha rin dahil sa pagkatuklas niya ng totoo kong pagkatao. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi kung sino sa amin ng kakambal ko ang kaharap niya. "It doesn't matter," matipid niyang tugon sa tanong ko pero hindi naging sapat 'yon sa akin. "Since when?" I asked again. His brows furrowed. "What?" "Kailan mo pa alam na ako 'tong kasama mo at hindi si Yesxia?" "When I came into your house to pick up Yesxia." Mas bumakas sa akin ang gulat. Ibig sabihin ay mula sa simula, alam niyang nagpapanggap lang ako na si Yesxia. But how? Paano niya nalalaman ang bagay na 'yon? Ang tanong na 'yon ang gusto kong makuhanan ng kasagutan. "Kaya ba iritado ka mula kanina sa kotse kasi hindi si Yesxia ang kasama mo? Are you disappointed dahil ako ang kasama mo?" tanong ko nang maalala ang pakikitungo niya sa akin kanina. "Why would I? I don't care about Yesxia. Sa simula pa lang naman ay napilitan lang ako sa date na 'to." Napanguso ako habang bakas pa rin sa akin ang pagkagulo. "Then, why? You were so arrogant earlier. If I wasn't pretending to be Yesxia, sigurado akong nasapak na kita." Napahakbang ako paatras nang mapansin ang mas paglapit sa akin si Silent, pero dahil hawak-hawak niya ang siko ko ay hindi ko nagawang makalayo sa kanya nang tuluyan. "Do you want to know why?" I gulped and nodded my head vigorously. "It's annoying to see you pretending in front of me, could you just stop doing it? It's useless." Tumigil siya sa pagsasalita at mayabang akong pinagmasdan. "Dahil kahit ilang beses ka pang magpanggap sa harapan ko, malalaman ko pa rin ang totoo kung ikaw ba si Hestia o ang kakambal mo." Nawalan ako ng imik sa narinig at napatitig na lang sa kanya. Hindi ko mahagilap sa utak ko kung anong meron sa lalaking 'to para masabi niya ang totoo. Imposible namang may kapangyarihan siya kaya niya nagagawa 'yon. That's ridiculous! "Be honest with me, Montealegre. Paano mo nalalaman ang totoo?" seryoso kong tanong. Tila hindi ako mapapakali kapag hindi ko nalaman ang sagot sa tanong kong ito. Binitiwan na ako ni Silent at sumandal sa kotse niya. Humalukipkip siya at tila natutuwang pinagmasdan ako. "Do you really want to know?" I nodded my head. "Yes. Tell me." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka ko nakita ang pagsilay ng isang ngisi sa labi niya. "Come with me first." Bumakas ang pagkagulo sa akin dahil sa sinabi niya. "Where?" "Somewhere where we can start our date," aniya. Sarkastisko akong natawa. Ngayong alam na niyang ako si Hestia ay wala nang dahilan para magpanggap akong mabait sa harapan niya. I can now show my true self. "Start our date? But when we were in the restaurant, you said let's end this date, and you just left me." Humalukipkip ako matapos kong sabihin 'yon. "I'm talking about my date with Yesxia, now with you," simple niyang sabi. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Not with me? Wow, kailan ako pumayag na makipag-date sa 'yo bilang ako at hindi si Yesxia?" "Just now." I laughed without humor. Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to. Hindi ko rin maintindihan ang bigla niyang pagbabago-bago ng isip. Kanina lang ay noong nasa kotse kami ay binabalewala niya ako at parang hangin lang sa tabi niya. Noong nasa loob naman kami ng restaurant ay bigla na lang siya roon nag-walk out at iniwan akong mag-isa. At ngayon, bigla na lang niya sinasabing may date kami. Tila biglang nainip ang Montealegre'ng nasa harapan ko dahil bumakas na naman sa kanya ang iritasyon. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa kotse niya. "Gusto mong malaman ang totoo kung paano ko nalalamang nagpapanggap ka bilang si Yesxia?" Isinenyas niya ang kotse niyang nasa tabi niya. "Then, get in the car." Hindi ko na nagawang makasagot sa sinabi niya dahil basta na lang siya pumasok sa kotse niya. Nakagat ko ang ibabang labi bago nagmamadaling sumunod sa kanya at sumakay na rin sa sasakyan. Dahil sa nangyari ngayon ay parang gusto kong kilalanin si Silent. Gusto kong malaman kung ano ang sekreto niya para matuklasan ang lihim namin ng kambal ko. Nang makasakay ng kotse ay binuhay na niya ang makina nito at umusad. Abala siya sa pagmamaneho, pero kung minsan ay susulyap sa akin dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ko alam kung magiging banta ba si Silent sa sekreto namin ng kakambal ko. Pero palihim din akong namamangha dahil may isang tao na ang nakakaalam ng kaibahan namin ng kakambal ko. But I'm also afraid that now someone knows my secret. And the worst is, it's Silent Montealegre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD