Chapter 7 - Forgot

2185 Words
NAKAHALUKIPKIP ako nang pumarada ang sasakyan ni Silent sa harapan ng bahay. Naramdaman ko naman ang titig sa akin ng lalaking katabi nang patayin niya ang makina ng kotse. Masama ang tingin ko kay Silent nang balingan ko siya ng tingin. Mahina akong suminghal sa sobrang inis. He tricked me! Buong puso akong sumama sa kanya dahil sabi niya, kapag sumama ako ay sasabihin niya sa akin ang totoo. Kaya ako namang tatanga-tanga ay agad na sumama dahil sa paniniwalang 'yon. Dinala niya ako sa isang simpleng restaurant na mas nagustuhan ko kaysa sa nauna naming pinuntahan. Mas simple ito at walang masyadong tao kaya tahimik ang paligid. Wala rin akong nakitang mga tao na nagpapasosyalan sa isa't isa. We ate there. Matapos noon ay naisipan naming tumambay sa isang parke. Nakita ko 'yon na magandang pagkakataon para kausapin siya, pero hindi siya tumupad sa usapan. Hindi niya sinabi ang totoo kung paano niya nalalaman kung sino sa amin ni Yesxia ang kaharap niya. "What's with that look? Didn't you enjoy our date?" maang-maangan niya. Bumuntong hininga na lang ako sa sobrang pagkainis. Talaga bang gusto niya akong sumabog sa galit sa kanya? "Whatever," tanging sabi ko. There's no point arguing with this person. Ako lang ang mapipikon. Pairap kong inalis ang tingin sa kanya at nagbaling ng atensiyon sa seatbelt na nasa katawan ko. Tatanggalin ko na sana 'yon nang may kamay ang humawak sa mga kamay ko na nakahawak doon. Nahigit ko ang hininga nang mapansing dumukwang si Silent dahilan para magkalapit kami ng sobra na halos magkaka-untugan na. "Let me," ani Silent at ramdam ko ang hininga niya sa tabi ko. Napalunok ako at hinarap siya. Pareho kaming nagkatitigan nang magtama ang tingin naming dalawa. Sabi ng karamihan ay ang mata raw ni Curse Montealegre ang pinakamaganda sa lahat ng mata ng mga lalaking Montealegre, but I don't believe them. For me, it's Silent's eyes. His eyes were black. For other people, it's too simple. But not to me. Kakaiba ang mata ni Silent kahit kulay itim lang ito. Kahit kasi madalas walang emosyon ang mababakas sa mukha niya ay nangingibabaw pa rin sa mukha niya ang mapungay niyang mga mata na kapag tinitigan mo ay tila dinadala ka sa ibang dimensyon. Napalunok ako nang mas lumapit si Silent dahilan para mas maglapit ang mukha namin sa isa't isa. Narinig ko ang tunog ng pagkawala ng lock ng seatbelt pero wala roon ang atensiyon ko. "You can get off now. What are you waiting for?" tanong niya at nahimigan ko roon ang panunukso. Nagmamadali kong iniwas sa kanya ang mga mata ko. I felt my cheeks burning up. "I was about to," matigas na sabi ko para pagtakpan ang hiya ko. Binuksan ko na ang pinto sa side ko at bumaba na. Inirapan ko pa muna ang Montealegre'ng kasama bago pabalibag na isinarado ang pinto at tinahak na ang daan papasok ng bahay. Wala ako sa sarili habang tinatahak ang daan papasok ng bahay. Kaya hindi ko kaagad napansin ang kakambal na nasa salas pala at nanonood ng telebisyon. Kung hindi niya pa ako tinawag ay hindi ko siya mapapansin. Masama ang tingin ko nang maupo ako sa tabi ni Yesxia rito sa mahabang sofa. Natatawang tiningnan niya lang ako, mukhang natutuwa pa na makitang asar ako. "How's your date?" pang-uusisa niya at tumawa. Hindi kaagad ako nakaimik nang maalala ang nangyari kanina. Nalaman na naman ni Silent ang pagpapanggap ko bilang kakambal ko. Nakakabahala at pangalawang beses na itong nangyayari. I should tell her about it, but it will only make her worried. Sa tingin ko naman ay hindi magiging banta sa amin ng kambal ko si Silent. Siya ang tipo ng taong walang paki sa taong nasa paligid niya. He only cares for himself and for those people who close to him. "It's boring," tanging sabi ko sa kambal. "Then? Anong ginawa nyo? Saan ka niya dinala?" sunod-sunod niyang tanong at halatang interesado sa mga maririnig na sagot ko. "Did I do a great job? Napag-date ko kayo ni Silent nang hindi mo alam, though ang alam niyang kasama niya ay ako," sabi na naman niya nang ilang segundo na ang lumilipas ay wala pa rin akong sagot. Sa halip na sagutin ang kakambal ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad patungong hagdanan. "Ang damot! Just tell me what happened to your date with your crush!" Natigilan ako sa akmang pag-akyat ko ng hagdan nang marinig ko ang sigaw niya. Nanlalaki ang mga mata ko nang magbaling ako ang tingin kay Yesxia. "What did you say?" asik ko sa kambal. Malakas siyang tumawa bago magsalita. "I know you have a crush on him." "That's not true!" kaagad kong pagtanggi, pero mukhang hindi kumbinsido si Yesxia sa sinabi kong 'yon. "Do you think you're the only observant? I am too!" Ngayon ay may nakakairita na siyang ngiti sa labi. "We have many differences, but I knew my twin sister well. You can't hide it from me." "Whatever. Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan," tanging nasabi ko at tuluyan nang tinalikuran ang kambal. Sinigurado ko munang walang nakakita sa akin bago ako pumasok ng kwarto ko para makapagbihis na. Malalim ang iniisip ko habang nakaupo sa bangko kaharap ang vanity mirror. Katatapos ko lang maligo at kasalukuyan pang tinutuyo ang buhok gamit ang blower. "Paano niya kaya nagagawa 'yon?" tanong ko sa kawalan at ang tinutukoy ay ang tungkol kay Silent. Inilapag ko ang hawak na blower sa lamesa at pinagmasdan ang sarili. Kahit na identical twin kami ni Yesxia ay may kaunting pagkakaiba pa rin naman sa aming dalawa. Una na roon ang pag-uugali, facial expression, pananalita, kilos at kung ano-ano pa. Posible namang malaman ng isang tao ang kaibahan ng magkakambal, pero kung 'yon ay talagang kilalang-kilala ng manghuhula ang pagkatao ng kambal. Kadalasan ang mga nakakagawa nito ay ang mga kasama o kamag-anak ng kambal sa bahay. At sa sitwasyon namin nila Silent at Yesxia, masasabi kong kilala kami ni Silent dahil sa ama namin ni Yesxia, pero hindi niya kilala ang pagkatao namin. Ni hindi rin kami magkasama sa bahay kaya hindi niya naoobserbahan ang mga kilos namin ni Yesxia. So, how did he find out? O baka naman normal lang 'yong nagawa ni Silent at masyado lang ako nag-o-overacting dahil siya nag unang tao na nakapansin ng kaibahan namin ni Yesxia bukod sa ina namin? I stared at myself in the mirror in front of me and sighed. I should stop thinking about it and just move on. It's not a big deal after all, right? But not to me. TULUYAN nang nawala sa isipan ko ang tungkol kay Silent nang pumasok sa kwarto ko si Yesxia para makipagkwentuhan. Hindi niya ako tinantanan sa naging date namin ni Silent. At para tigilan na niya ako, gumawa na lang ako ng kwento ng naging date namin ng Montealegre. Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo kay Yesxia na alam na ni Silent ang ginagawa naming pagpapanggap. Hindi sa gusto kong itago 'yon mula sa kanya, pero ayaw ko lang naman siya mag-isip ng kung ano-ano. "Is he sweet to you? Nakaramdam ka ba ng kilig habang kasama mo siya?" Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong ni Yesxia. Parang kinalibutan naman ako nang makita ko ang ngiti ng kakambal pati na rin ang tila kumikinang niyang mga mata habang naghihintay ng sagot ko. "Bakit naman ako kikiligin?" balik kong tanong sa kanya. "Obviously, because you were on a date with your crush." Tumamad ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Here we go again." Natawa si Yesxia sa naging reaksiyon ko. "Come on, Hestia. I'm your twin sister. Alam kong hindi ka marunong mag-express ng emotion mo, pero dahil kakambal mo ako, naiintindihan ko ang galaw mo at nakukuha ang emosyong nakatago roon." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Yesxia. Hindi ko inakalang mapapansin niya 'yon. Because everything she said is true. I don't know how to express my feelings well to the others. I tried to express it through my actions, pero hindi lahat ng taong nakapaligid sa akin ay naiintindihan 'yon. "Deny it all you want, pero alam naman nating dalawa kung ano ang totoo," marahang sabi niya at ngumiti. Nawalan ako ng imik at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko inakalang mahahalata niya ang tungkol sa bagay na 'yon. Mula pagkabata ay kilala na namin ng kakambal ko ang mga Montealegre dahil malapit na kaibigan ng pamilya namin ang mga ito. Kaya mula noon ay madalas ko nang nakikita si Silent sa tuwing may okasyon. Sa tuwing may selebrasyon na nagaganap at imbitado kami nila Yesxia at ng ama ko, kadalasan ay imbitado rin ang mga Montealegre kaya palagi namin itong nakakasama. Habang ang lahat ay abala sa pagsasaya, ang mga mata ko naman ay palihim na nagnanakaw ng tingin sa isang lalaking palaging tahimik. That became my hobby every time I attend those parties. Para sa akin ay boring ang mga okasyon. Dahil lumaki ako sa mayamang pamilya ay palagi kong nasasaksihan ang mga pangyayari sa isang okasyon. Kadalasang magpapasosyalan ang mga bisita, magpapataasan ng mga nakamit, hahamakin ang isang tao at kung ano-ano pa. Kaya para sa akin ay boring ang mga okasyon, pwera na lang kung nandoon si Silent na palaging winiwili ako kahit hindi niya alam. So yeah, Yesxia was right. Since I was a kid, I have a crush on Silent Montealegre. Napunta na sa ibang topic ang usapan naming dalawa. Nagtagal pa si Yesxia sa kwarto ko ng ilang oras bago ito lumabas dahil may gagawin na. Kaya naiwan akong mag-isa at tulala sa kisame. Ramdam ko na ang antok na unti-unting dumadalaw sa akin, pero biglang umurong 'yon nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko. Nakakunot ang noo kong kinuha 'yon sa ibabaw ng bedside table kung saan ito nakalapag. Mas lalong nangunot ang noo ko nang makita ko ang unregistered number sa screen nito, but I still answered the call to know who is the caller. "Hello," bungad ko nang sagutin ko ang tawag. "Go outside," utos ng kung sino sa kabilang linya dahilan para bumakas sa akin ang pagkagulo. "Who's this?" "Silent." Sa sobrang pagkabigla ko sa narinig ay napabangon ako mula sa pagkakahiga at naupo sa ibabaw ng kama. Pati ang antok ko kanina ay tuluyan nang nawala. "How did you get my number?" I asked. "Your sister gave it to me." My lips parted in shock. Yesxia! "Come out now, I'm getting bored here," biglang sabi ni Silent at mababakas doon ang matinding pagkainip. "What? Nasa labas ka?" hindi ko makapaniwalng tanong. I heard him sighed. "Just go outside. I'll wait you here." Tila napikon na si Silent sa dami ng tanong ko. Matapos niyang sabihin 'yon ay basta na lang niya ibinaba ang tawag. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko at hindi na nag-abalang mag-ayos pa ng sarili. Bahagyang sabog ang buhok ko nang makalabas ako ng bahay. Gaya ng inaasahan ay nang makalabas ako ay tumambad sa akin si Silent na prenteng nakasandal sa kotse niya. Nang makita niya ako ay humalukipkip siya at hindi inaalis ang tingin sa akin hanggang sa makarating ako sa harapan niya. "Why are you here?" bungad ko habang bakas pa rin sa akin ang pagkagulo. Umalis na siya mula sa pagkakansandal sa kotse niya at tumayo ng tuwid sa harapan ko. "I forgot something earlier, so I'm just going to give it to you." My brows furrowed. "What?" Saglit niya akong tinalikuran para buksan ang pinto ng kotse niya at may kinuha kung ano roon. Halos malaglag naman ang panga ko sa gulat nang makiya ko kung ano 'yon. A bouquet of roses! "I forgot to give you flowers on our first date, so here, take it," seryosong ani Silent at inilahad ang hawak niyang bouquet sa harapan ko. Napalunok ako nang maraming beses para maibalik ang sarili sa tamang pag-iisip. "Is this for Yesxia? If yes, bakit hindi na lang siya--" "Exactly. Bakit ikaw ang papalabasin ko kung hindi ito para sa 'yo?" he cut me off. "Are you freaking serious?" bulalas ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa nakalahad na bulaklak sa harapan ko. Tumamad ang mukha ni Silent. "Look at my face. What do you think?" Bakas sa boses ni Silent ang pagiging sarkasmo, pero imbes na mainis sa sinabi niyang 'yon ay parang mas lalo lang akong nagulat. "Just take it," sambit ni Silent nang hindi ko pa rin kinukuha sa kanya ang bulaklak. Nang hindi ko pa rin kunin sa kanya 'yon at marahas siyang bumuntong hininga at kinuha ang kamay ko para siya na mismo ang maglagay nito sa kamay ko. Bahagyang nabigla ako nang may maramdaman akong kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hawakan ni Silent ang kamay ko. Nakaawang ng kaunti ang bibig ko nang mag-angat ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan siya ng mabuti. Why did you have to do this, Montealegre?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD