Chapter 47 - Positive

1913 Words

MALINAW sa akin ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Nang magkaroon naman ako ng ulirat ay nasa loob na ako ng isang hindi pamilyar na kwarto. Ni wala akong ideya kung paano ako napunta sa lugar na ito. Dahan-dahan akong naupo sa kama habang sapo-sapo ko ang ulo ko. Wala na ang paghihilo ko pero bahagya namang sumakit ang ulo ko dahil sa nangyari. Nang pakiramdam ko ay maayos na ako, umalis na ako sa ibabaw ng kama at naglakad palabas ng kwarto. Nang buksan ko ang pinto nito ay may narinig akong mahinang musika na tumutugtog sa paligid. Dahil sa kuryusidad kung nasaang bahay ako, naglakad ako at sinundan ang pinanggalingan ng musika. Dinala ako nito sa isang kusina at tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na lalaki. Nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko kaya hindi ko pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD