Chapter 1 - Lipstick

1965 Words
CHAPTER 1 HOME. Home is where our hearts feel at ease. Ito rin ang lugar kung saan natin unang mararamdaman ang pagmamahal at ang pagprotekta mula sa sakit na ibabato sa atin ng mundo. At ang lugar kung saan natin puwedeng ipakita ang totoong pagkatao natin. Pero bakit kabaliktaran nito ang nararamdaman ko sa lugar na tinatawag nilang ‘home’? Ang lugar na sinasabi nilang magbibigay sa akin ng pagmamahal at proteksiyon ay siyang sumasakal sa akin, at ang may pakana noon ay walang iba kundi ang sarili kong ama. “Your posture, Hestia.” Mabilis akong umayos ng tayo dahil sa sinabi ni Papa. I stood up straight, keep my shoulder back, pull my stomach in, keep my head level, and let my arms hang down naturally at my sides. Nang mapansin ni Papa na maayos na ang postura ko ay inalis na nito sa akin ang paningin at ibinaling ito sa pintuan. Saktong nagbukas ang pinto at pumasok ang hinihintay namin, nangunguna sa paglalakad ang isang kasambahay na iginigiya papasok ng kabahayan ang mga bisita, ang pamilyang Montealegre. Pinapangunahan ito ni Señor Alejandro, ang ama ng pamilya. Sumunod ay si Senyora Eunice, ang asawa ni Señor Alejandro. At ang panghuli ay ang bunso nilang anak, ngunit panganay na lalaki sa main family ng mga Montealegre, si Silent Montealegre. “Amigo,” bungad ni Papa nang tuluyan nang makalapit sa amin ang mga bisita. “Good evening. How are you?” “I’m good,” matipid na tugon ni Señor Alejandro sa ama ko. Ang boses niya ay punong-puno ng pagiging istrikto. “How about you, Silent?” Baling ng ama ko kay Silent. “I’m good.” Katulad ng ama ay sobrang tipid din ng isinagot nito. “Good evening, Senyora,” bati naman ni Yesxia, my identical twin, at magalang na bineso si Senyora Eunice. “You look stunning, Senyora.” “Thank you, Hija.” “Where’s Ate Chloe po pala?” biglang tanong ng kakambal ko. Nawala ang ngiti ni Senyora Eunice sa labi. “Hindi siya sumama sa amin. May isang tao siyang ayaw makita rito,” ani Senyora Eunice at naglipat ng tingin sa akin na buong tapang ko namang sinalubong ng mga mata ko. Lahat ng atensiyon nila ay natuon sa akin nang magsalita ako. “Good evening,” matipid kong sambit, seryoso lang ang ekspresiyon sa mukha. Hindi na ako nag-abalang ngumiti pa dahil ayaw kong magpakitang tao tulad na lang ng ginawa ng kakambal ko. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang paninitig sa akin ni Papa, ang pagkunot ng noo ni Señor Alejandro, ang pag-irap sa akin ni Senyora Eunice, at ang pagtuon sa akin ng tingin ni Silent. Gusto kong pag-ikutan silang lahat ng mga mata pero pinigilan ko lang ang sarili. Alam kong kapag ginawa ko ‘yon ay mapapahamak ako sa ama ko. “Halika na sa dining room?” pag-iiba ni Papa ng usapan dahilan para bumaling sa iba ang atensiyon ng mga Montealegre. Matipid na tumango si Señor Alejandro habang nakangiti namang tumango si Senyora Eunice. Si Silent naman ay walang imik. “Yesxia, ihatid mo na ang mga bisita sa dining room,” utos ni Papa kay Yesxia na nakatayo sa tabi niya. “Yes, Papa,” tugon ni Yesxia at sinunod na ang inuutos ni Papa. Nang mawala na sa paningin namin ni Papa ang pamilyang Montealegre ay pinukol na niya ako ng masamang tingin. “Manners, Hestia,” mariing paalala niya sa akin. Nagkibit-balikat lang ako dahilan para mas sumama ang tingin sa akin ni Papa. Napabuntong hininga ako at napipilitang tumango. “Fine, I’ll behave,” I said and turned my back on him. Sumunod na ako sa dining room. Tulad ng inaasahan, naging nakakasakal ang dinner na ginanap. Kailangan kong kumilos ayon sa gusto ng iba. Kailangan kong makinig sa pag-uusap nila na para sa akin ay walang kwenta. At higit sa lahat, kailangan kong pakisamahan ang mga taong ayaw naman sa akin. At nangunguna roon si Senyora Eunice na sa tuwing dadapo ang tingin sa akin ay umiismid. May galit ito sa akin dahil sa nangyaring gulo sa amin ng panganay niyang anak. Pero dahil malapit na ang pamilya namin sa pamilyang Montealegre, kahit nagkaroon ng alitan sa pagitan namin ay nanatili silang magkaibigan ni Papa. Nakahanap ako ng tiyempong makatakas nang maglakad sina Papa, Yesxia, at ang mga Montealegre patungong salas ay lumihis ako ng daan. Sa halip na sa salas ang tungo ko, sa garden ako pumunta. Nagtungo ako sa bench at dito ay naupo. Matunog akong nagbunga ng hangin at ipinikit ang mga mata. Bahagyang lumuwag ang pakiramdam ko nang humiwalay ako sa kanilang lahat. “What are you doing here?” Kaagad ako napamulat nang makarinig ng boses galing sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Silent na nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa akin. “s**t,” bulalas ko. “Ikaw, anong ginagawa mo rito? Dapat nandoon ka sa loob.” “Ganoon ka rin.” Umirap ako. “Can’t you see? Ayaw kong kasama sila, kaya nga ako tumakas.” Napailing na lang siya sa sinabi ko at nagtungo sa bench. Bumakas ang gulat sa mukha ko nang maupo siya sa tabi ko. May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya at agad na bumakas sa mukha ko ang inis nang makita kong sigarilyo at lighter ang inilabas niya. “You can’t smoke here,” pagpigil ko sa gusto niyang gawin. Pero hindi siya nakinig. Inilagay niya ang sigarilyo sa pagitan ng labi niya at sinindihan ito. Napaubo ako nang magbuga siya ng usok at nalanghap ko ito. “Hey, stop smoking!” iritado ko nang sabi. Akmang aagawin ko sa labi niya ang sigarilyo nang dali-dali niya itong inilayo sa akin. Tumayo siya at itinaas ang sigarilyo sa ere para hindi ko maabot, dinadaan sa tangkad ang laban. “What the hell is your problem?” asik ni Silent. “Patayin mo ang sigarilyo mo, bawal ‘yan dito,” maowtoridad kong utos. “No,” pagmamatigas ni Silent. “Wala namang nakalagay na bawal magsigarilyo rito.” Bumakas ang matinding iritasyon sa mukha ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko para hindi mahirapan sa pagtingala sa kanya. “Sinasabi ko na ngang bawal, hindi ka pa makikinig. Deaf ka?” Hindi niya pinansin ang sinabi ko at humithit na naman sa sigarilyong hawak niya. Mabilis kong iwinaksi sa ere ang kamay ko nang kumalat sa paligid ko ang usok na ibinuga niya. Sa inis ko ay mabilis kong hinablot ang sigarilyo sa labi niya at itinapon ito sa sahig saka tinapakan para mamatay ang baga. “s**t, bakit mo ginawa ‘yon?” gulat niyang tanong. “Alam mo bang puwede kang makapatay sa pagsisigarilyo mo?” inis kong tanong. “Delikado ang makaamoy ng usok ng sigarilyo. Malalang sakit ang makukuha ng mga second hand smoker.” “Then?” Naging matalim ang tingin ko kay Silent dahil sa naging sagot niya. “Alam mo naman siguro ‘yon, ‘di ba? Pero bakit nagyoyosi ka pa rin?” He looked away. “Gusto ko lang naman kumalma.” Natigilan ako sa sinabi niya at bahagyang naguluhan. What’s wrong with him? Mukha naman siyang kalmado. Wala akong nakikitang mali sa kanya. “What?” “Nagsisigarilyo lang naman ako para kumalma,” aniya sa mahinang boses. “Nagsisigarilyo ka para mapakalma ang sarili mo?” pag-uulit ko sa mga sinabi niya, nililinaw. Tumango ang ulo niya at nagbalik ng tingin sa akin. “Kapag frustrated ako, nag-o-overthink, uneasy, or kapag naguguluhan ako, natutulungan ako ng sigarilyo para kumalma,” paliwanag niya. “Just like now, nakaka-suffocate ang nangyayari sa loob kaya gusto kong kumalma.” So we feel the same way. Pero kahit pa! “Hangal ka ba?” hindi ko makapaniwalang tanong. “May iba pang paraan para kumalma ang isang tao, hindi mo kailangang magsigarilyo. Sakit lang ang maidudulot niyan!” pangaral ko sa kanya. “Anong paraan naman?” Naitikom ko ang bibig ko at nag-isip ng isasagot sa kanya. “Kumain ka ng candy, o ‘di kaya ay magstick-o ka na lang!” hindi ko siguradong sabi. Bumalik ang tingin niya sa akin. Ang itim niyang mga mata ay tumuon sa akin na nagbigay sa akin ng halo-halong pakiramdam; paglakas ng kabog ng puso, kaba, at panganib. Napakurap-kurap ako para ibalik ang ulirat sa sarili. “Sigurado naman ako na may iba pang paraan… para kumalma ka,” dagdag ko kahit na parang biglang nilipad ang utak ko kung saan. Humakbang siya papalapit sa akin at ibinaba ang ulo upang magkapantay kami. Titig na titig siya sa akin. “Candy, stick-o… Sa tingin mo, matutulungan ako ng mga ‘yon?” I gulped. “Y-yes…” I guess. “Pero hindi ako kumakain ng ganoon. Kaya anong ipapalit ko?” tanong na naman ni Silent. I licked my lips. Nakatitig siya sa akin habang ginagawa ko ang bagay na ‘yon dahilan para mas manuyot ang lalamunan ko. “I d-don’t know…” my voice was shaking. And my heart is beating erratically under his strong gaze. I feel like I am getting under his spell right now. Mas lumapit pa ang mukha ni Silent sa akin at hindi ko man lang magawang lumayo. At nang dumikit ang labi niya sa labi ko ay wala akong nagawa kundi ang manlaki ang mga mata sa gulat. “Your lips… It’s more addicting than my cigarettes,” mahinang aniya at muli kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Marahan lang. Napakagaan. Puno ng pag-iingat at pagsuyo. Namungay ang aking mga mata at bumigat ang paghinga ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Hindi naman niya ako hawak pero hindi ko mailayo ang sarili sa kanya. Ayaw ko. Dumiin ang labi niya sa labi ko dahilan para mapapikit ako. Mariin kong isinarado ang kamao ko. Nagpipigil. Hindi sa pagsapak sa kanya, kundi sa paghila sa kanya para mas idiin pa siya sa akin. Pero nang dahan-dahang gumalaw ang labi niya sa labi ko ay tuluyan nang nawala ang katinuan ko. Nakakalilo ang halik niya. Nakakawala sa tamang pag-iisip. At tila dinadala ako sa ibang dimensiyon. Akmang hahapitin ko ang batok niya palapit sa akin nang makarinig ako ng pagtunog ng doorbell. Nagmulat ako ng mga mata at parang napapasong lumayo ako kay Silent habang nanlalaki ang mga mata. Naging sunod-sunod ang paghugot ko ng malalalim na hininga habang si Silent ay kalmado pa rin habang nakatingin sa akin. “That’s my way removing a lipstick on you. Great, right?” aniya na parang wala lang sa kanya ang nangyari sa amin. Bumakas sa mukha ko ang pagkagulo dahil sa sinabi niya. “What the f**k?” tanging nasabi ko. Hindi pa ako tuluyang nakakabawi sa nangyari ay heto na naman siya at ginugulo ang isipan ko. “Next time, don’t put red lipstick on your lips. Magiging makasalanan ako,” sambit niya na mas lalong nagpagulo sa akin. Inilagay niya sa magkabilaang bulsa ang kamay niya at walang sabing naglakad papasok ng bahay. Iniwan niya akong mag-isa rito sa garden habang gulat at gulo pa rin sa nangyaring halik niya. Bumuntong hininga ako at ginamit ang camera ng phone ko para tingnan kung nagkalat ba ang lipstick ko. Nang makitang maayos at presentable naman ang itsura ko ay nagmamadali akong nagtungo sa gate. Ngayon akong nagpapasalamat na nag-volunteer akong i-tutor si Raileigh. Dahil kung hindi siya dumating, malamang ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumuong sa mapanganib na halik ng isang Silent Montealegre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD