kabanata 2

2070 Words
Iniwan ko na sila Carl dahil mukhang nag-iisip pa sila kung anong kakainin Nila. Sobrang ingay nga ng mga kaibigan niya maliban dun kay Ryle. Pumunta na ako sa Counter at sinalubong ako ng napakatamis niyang ngiti kaya ningitian ko din siya. Nakakahiya naman kung susungitan ko diba. "Good afternoon mam. Can i have your order please?" Sabi nung babae sa counter. "Ahh, BFF fries, one spaghetti, 2 Ala king, Mc burger and 2 sundae." ngiti kong Sabi. "it's enough mam?" tanong niya ulit. "yup."ngiti ko dito. "Okay mam, ulitin ko Lang po. BFF fries, one spaghetti, 2 Ala king, Mc burger and 2 sundae. Wait for a while." ngiti nitong Sabi tsaka kinuha ung order namin. Chineck ko nmn ulit yung order ko bago ako umalis ng counter and nag thank you ulit ako kay ate. Kasalukuyang pabalik naman ako sa table namin ng mapansin ko si Cheng na tulala sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip ng bruha. Umupo naman na ako at mukhang di niya ako napansin. Mukhang malalim nga ang iniisip. Halatang naghuhukay ng problema sa baul. hahaha " Cheng, ano Pala sasabihin mo tungkol Kay Carl? Ano bang reason bat kayo nag break? marami kang dapat ipaliwanag sa akin ngayon. Nagtatampo na ako sayo." basag ko sa tahimik niyang mundo pero hindi umepekto. Nakita ko naman na nakatingin pala siya Kay Carl ngayon. Kaya winave ko na yung kamay ko para ipaalala na nandito na ako sa harapan niya at mukhang umepektibo naman. "Uy andyan kana Pala. Hehe. Wow ang dami naman. Akala ko ba low budget ka??" amazing niyang sabi pero alam kong iniiba niya ang usapan naming dalawa. "Tss, Bakit ba. Huwag mo nang alamin. Hehe. pero maiba tayo, sabihin mo nga kung bakit kayo nag break ni Carl? Diko na nalalaman Yung buhay mo eh. Nakakatampo na talaga then hindi mo pa alam na nandito na ako." pouty lips kong Sabi. "Ahhhhh, Haysss, kailangan pa bang itanong?" buntong hininga nitong Sabi. "Malamang. Best friend tayo eh!! Parang di mo naman ako best friend!" tampo kong sabi sabay puppy eyes pero shems nagcrack na ung boses ko . "OH sia. Eto na sasabihin na!! Ng wawarshack ka naman eh. hahaha. Napakatampuhin mo talaga." sabay subo niya ng fries na akala mo wala ng bukas. "Oo talaga, magpaliwanag ka na sa akin now na. kaya dali na kasi, sabihin mo na kung bakit?" sabay kuha ko din ng fries at pinangliitan ko siya ng aking mga cute na mata. Kinuha naman ni Cheng Yung Ala king tsaka nag kwento "Ganto kasi Yan, wait, naiinis padin kasi ako sa kanya. Kaya eto na nga. nagchat ako na dadalawin ko siya sa condo niya. Tapos di man Lang siya nagrereply. Ni Hi Ni Ho. Wala talaga kahit seen manlang. Wala talaga. As in wala. Since Alam ko naman pass code niya. Pumunta na ako ng walang consent niya " patuloy nitong Sabi habang kumakain kahit puno ang bibig nito. "ehh, ganun na Lang siya kung mag tiwala sayo?? Na ibigay ang pass code ng condo niya?? nang wala man lang pag-aalinlangan." takang tanong ko. Bibihira kasi ang ganun. Sa totoo lang. "syempre, mahal namin isa't-Isa eh!" ngiti nitong Sabi. Hmmm something fishy. Kinikilig ang ate ghurl niyo oh. "Oh tapos. Anong nangyare??" "Edi ibig sabihin may nang..." gulat kong Sabi ng bigla niyang pinutol. "Shhhh, wag kang maingay. Hahaha" pamumula nitong Sabi. "What the heck, Grabe ka Cheng!" seryoso kong Sabi. Tas napatingin ako Kay Carl. Eeewwwww. May ganun silang lihim sakin. "Bakit mo nilihim sakin Cheng, pano kung mabuntis ka??" seryoso kong tanong. "Kaya ko nga nilihim kasi takot ako sayo. Tsaka Wala kang pang Alam. Bata ka pa hahahha!! Ibahin na nga natin Yung story. Hahaha" tawang tawa siya. Palibhasa kasi. Haysss. Nakakadiri talaga. "Takot ka pa sa lagay nayan ha. Anyway. Pagkatapos,anong nangyari nung pumunta ka sa condo niya?" tanong ko ulit. "Yup pumunta ako sa condo niya kaso pag bukas ko ng pinto. Walang Tao Kaya dumiretso ako sa kwarto niya. T-then,," mahina niyang Sabi. Tila may gusto siyang pakawalan pero di niya magawa "Then what??" tuloy kong Sabi. "T-then nakita ko siya na may kasamang babae. Yung Impakta na babae na nakita natin sa school yung kasama niya that night. Kaya nanggagalaiti ako nung nakita ko Yung babae kanina. Kaso inawat mo ko! Kaya di ako nakaganti. Tsss." maluhaluha niyang Sabi. Nakita ko naman si Carl na akmang pupunta dito sa table namin ng bigla ko siyang tinitigan na 'wag kang lalapit, baka mabugbog kita look' at ng na gets naman niya. Umupo nalang ulit to kasama ang barkada niya. " Sorry na. Kailan pa to nangyari?" pang-aalo ko sa kanya. "a week ago na siguro." Sabi niya habang kumakain ulit. Mukha tuloy siyang isip-Bata sa itsura niya. Haysss. "ano? Bakit kahapon Lang kayo naghiwalay??" takang tanong ko. "kasi nga mahal namin ang isa't-Isa. Kaso namuro ung babae kasi nagtetext to ng another round pa daw. Tsss, eh nung nakita ko naman sila. Umalis agad ako.Kaya hindi Alam nung babae Yung itsura ko. Kaya si Carl, kinomfront ko na Lang siya sa txt. Tas nakipagkita siya sa akin that night hanggang sa Alam mo na. Hihihi" iyak-tawa niyang Sabi. "What, nababaliw ka naba Cheng??" sabay sabunot ko sa kanya. "Aray, bakit ba, siya first ko eh. Tsaka ginusto ko naman yun no." bulyaw niya sakin habang Yung bibig niya punong-puno na ng sauce ng spaghetti. "Hmmm, tissue oh. Nakakahiya naman sa bibig mo. Tsaka kahit na first mo siya. Dapat di mo na pinaulit. Nagloko na sayo eh." bulyaw ko din dto. "Sus Leng, malalaman mo din kung bakit ko pinag bigyan si Carl nun. Kapag nagkabf ka na hahaha!" tawa niyang Sabi. "Hay naku. Hindi mangyayari yun. Nakakadiri. Tas kanina iiyak-iyak ka kasi nakita mong Nagloko si Carl tas pinag bigyan mo pa. Ohhhhh, Wag mong sabihin na pinag bigyan mo din siya nang nag break kayo kahapon??" sigaw kong Sabi. Tumango naman siya. Aisssshhhh, Kaya Pala ganun nalang magbigay si Carl ng gusto ni Cheng, aisshhh bakit D ko napansin yun. Kaasar. " Hahaha, wag mo kong isusumbong Kay Mommy Leng. Magagalit yun panigurado." Sabi nito sakin. " Malamang Magagalit si Tita. Aishh" sabunot ko ulit dito. "Aishh, nakakailan ka na ah! Kumain ka na nga." sabay bato ng tissue sa akin. Bastos din eh. Grabe mga narinig at nakita ko ngayon. Bumalik na Lang ako sa pagkain ko. Ang bilis kasi kumain ni Cheng. Kanina Yung Ala king ngaun ung spaghetti na. Akala mo gutom na gutom. Samantalang ako Yung Ala king padin ang kinakain. Ang bilis bilis kasing kumain. Wait,, ganun kapag.. "Cheng, may tanong ako!" Sabi ko habang kumakain. "Ano?" seryoso niyang tingin sa akin. "Buntis ka ba?" seryoso kong tingin sa kanya. "Ahhh, ehhh." kagat labi nito. Tumayo ako agad para puntahan si Carl. *slap* "A-Ally? Bakit?" takang tanong ni Carl habang nakahawak sa pisngi nito. "How dare you to do that?" sigaw ko. "Na ano? Wala naman akong ginawa sayo ah?" taka niya paring Sabi. "NA BUN... HMMMMMM!!" Pigil sakin ni Cheng. "Sorry, gutom pa kasi tong si Leng. Hehehe. Tara na nga!" sabay hila sakin pabalik sa table. "Disgusting! Tss." rinig kong Sabi ni Ryle. Tsaka sila umalis ng table Nila. "What the heck are you doing Cheng. Pagkakataon ko na eh!!" masama kong tingin Kay Cheng. "Ano ba Leng, di pa nga ako sure eh. Tas kung makakilos ka. Parang ikaw si mommy. Tsss" ismid nitong Sabi. "Best friend mo ko Cheng, Sorry na kung ganto ako umasta. Kukuha na Lang ako ng plastic Para I take out tong mga ito."sabay turo sa mga pagkain na hindi namin nagalaw. Tumango naman sia. Kapag Alam niya kasi na galit ako. Hindi na siya umaangal. " pupunta tayo sa mercury. No matter what happen. Magtetest ka!! " Banta ko sa kanya. " oo na."malungkot nitong Sabi pero kinakain yung spaghetti na hindi niya natapos kanina. Aishhh. Nakakainis, bakit ba kasi Wala akong Alam. Pagkahingi ko ng plastic sa counter agad din akong Bumalik sa table namin Para asikasuhin yung mga foods. Yung fries, mcfloat na free, sundae, at burger na Lang ang nilagay ko sa plastic. Kinain ko na lang ung Ala king na order ko. Tahimik Lang akong kumakain samantalang si Cheng dumudukot ng fries sa plastic at kinuha ung isang free na mcfloat. Haisst "Bawal sa malamig ang Buntis. Baka lumaki ang baby." Sabi ko habang pinagpapatuloy ko padin ang pagkain "Sira, d pa nga tayo sure eh. Hahaha" tawa nitong Sabi sabay batok sa akin. Iba din eh. "Tss, tawa-tawa ka Dyan. Bahala ka Kay tita!" "Oo na. HAHAHA!" Tawang-tawa padin siya. Nang-aasar ba siya? Haissst. Bahala nga siya. Pagkatapos kong kumain pumunta na agad kami ng mercury. Naghahanap naman kami ng pregnancy test. Gagamitin kong pambili yung sukli galing sa pera ni Carl. "hanap ka diyan ah!" sigaw ni Cheng. "oo na." Sabi ko. Bawal kasi ang foods. Kaya ako na Lang maghahanap. Pumunta na ako sa pinakadulo. "Ahmm, pambili po miss." ngiti kong Sabi pero kinakabahan na ako. "ano po Yun?" ngiti nitong Sabi. "Ahh, magkano po ung p-pregnancy test?" sabay tingin ko sa likod ko baka may nakarinig eh. Nakakahiya. "Para kanino?" tanong niya ulit. "Hmmm, sa friend ko po." ngiti ko ulit dito pero ung ngiti ko parang natatae na Ewan. Nasa hot seat ba ako. Haisstt "Hahaha, kayo talagang mga kabataan. Haissst. Anyway meron kami ditong tag 50 pesos and meron dito Yung 238. Mas high quality Yun. San ka Mas prefer?" ngiti nung babae sa akin. "ahhh, hehehe b-bakit ako po t-tinatanong niyo. Hehehe. H-hindi naman po ako g-gamit nito." pilit kong ngiti. "Hahaha, sorry. Syempre ikaw ang bibili. Sge ganto na lang itig-Isa ko na Lang."ngiti nitong Sabi " Ahh, gawin niyo na pong lima. Dalawang high, tsaka tatlong tig-50. Hehehe." pilit ngiti kong Sabi. " Hahaha, sige. Wait Lang ah! " Sabi nito. Then pagkakuha niya, inabot naman na niya sakin Yung product tsaka ako nagbayad. Grabe nakakakaba naman. Agad na akong umalis sa counter ng may nabunggo ako at nalaglag yung mga kits. " Hmmm. Para kanino tong kit? Ang dami naman?" tanong ni... Ryle. Shemmss. Dugdug Kumabog ulit dibdib ko ng makita ko siya. Ano ba ito?? Teka Yung kit. "Ahh, akin na Yan." sabay hablot ko sa kamay niya. "Buntis ka?" kunot-noo niyang Sabi. Hala, lalong lumakas kabog ng dibdib ko. "Ha, H-hindi ah!" sumbat ko dito. "Eh Para kanino Yan?" sabay turo ulit sa pregnancy test. "Basta!! Wala kang pakielam." akma na akong aalis ng hablutin niya ang braso ko. "Para ba Kay Cherry Yan?" nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ahh, ano ba nasasaktan ako! Di naman kita kilala eh! " pilit kong tinatanggal Yung braso ko sa kamay niya. Hindi pedeng malaman nila ito Lalo na ni Carl "Tss, Di daw kilala, eh ka kakilala Lang natin kanina sa Mcdo." pang-aasar nito. "OH, Ally, andyan ka Pala. Ryle, bakit mo ginaganyan si Ally?" takang tanong nito habang Nakatingin sa braso ko na hawak ni Ryle ngayon. Patay na! Binitiwan naman ni Ryle ang braso ko. Tsss ang sakit. Buti nalang nakuha ko na agad yung kit sa kamay ni Ryle kanina. "Wala." sabay alis ni Ryle sa harap namin na Tila walang nangyari. "Ahh sge na Carl. Sorry Pala kanina. Anyway Una na ako. Inaantay kasi ako ni Cheng sa labas." sabay turo ko sa labas. "Oo nga eh, nakita ko siya sa labas. Sge alis na ako!" Sabi ni Carl. Tumango naman ako at saktong pagtalikod niya. Binilang ko ulit Yung pregnancy test. Buti na Lang lima padin ito. Haisstt muntik na ako dun. "Tara na nga. Uwi na tayo!!" namumutla kong Sabi sabay hila sa kanya. "Anyare sau leng? Bat namumutla ka?" tanong ni Cheng "Basta, ang Alam ko Lang magkakasakit ako sa puso kapag nakikita ko siya!" Wala sa isip kong Sabi. "Sino Yun? Uy inlab na sia!! Yieee" Tila kinilig to sa sinabi ko. "Haist Tara na. Punta tayo sa inyo. Dun ka mag test. Wag sa bahay!" diretsong sagot ko dito. Ngumiti Lang ito sa akin. Makalipas ang isang oras. Andito na kami sa bahay Nila Cheng. Na pagod ako sa nangyari Kaya nag text muna ako kila mama na matutulog muna ako ngayon sa bahay Nila Cheng. Umoo naman ito. Pumunta na ako sa kwarto ni Cheng at nahiga sa malambot niyang kama hanggang sa nakatulog na ako. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Vote. Comment. Share
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD