Kabanata 3

2163 Words
Nagising na lang ako sa mahinang hikbi sa tabi ng kama ni Cheng. Agad ko naman minulat ang mata ko ng makita ko si Cheng na tila impit ang pag-iyak. Nakayuko itong umiiyak. Mabagal akong bumangon para hindi niya maramdaman na gising na ako pero alam ko namn na mararamdaman niya dahil foam ang kama nya. Napatingin naman ako sa maliit na bagay malapit sa tabi niya. Pinulot ko naman ito. Dalawang kulay pula na guhit ang nakamarka dito. Agad naman akong napahawak ng bibig at yumakap sa kanya na ikinagulat niya. B-buntis si Cheng. Kailangan niya ako, Kailangan niya ng karamay dahil kaibigan niya ako. "S-sorry Leng. Huhuhuh" umiiyak na siya ng tuluyan. "Shhhh, andito Lang ako Cheng. Tahan na." yakap ko dito hanggang sa umiiyak na rin ako. Para kaming tanga sa pag-ipit ng boses namin habang umiiyak. Sorry siya ng sorry sa akin kahit hindi naman dapat. "Kailan kapa hindi nagkaroon?" tanong ko dito. "mag-dalawang linggo na siguro." tugon nito "Kailan mo sasabihin Kay Carl?" harap ko dito. "Di ko Alam Leng. Di ko Alam" tsaka ito nayuko. "Bakit di mo sasabihin?? Sana di ka na nagpagamit ulit. Tsss. Hindi pedeng itago yan , malalaman din naman Yan. Nag-aaral pa tayo. Alam mo Yan!" sumbat ko dito. "Alam ko naman Leng pero Malay mo magkakambal ako. Hehe" tawa nitong Sabi. "Sira ka talaga. Haha" sabay batok ko dito. Nagtawanan Lang kami buong magdamag. Alas kwatro na kasi. Pinag-usapan na namin ang mangyayari sa susunod. Sasamahan ko rin siyang sabihin Kay Carl ang tungkol sa kanya. Pinatry ko pa sa kanya ang apat para maniwala ako hanggang sa ganun din ang lumabas, pare pareho lang. Para pagtumanggi si Carl. Ipapakain ko talaga sa kanya yung pregnancy kit. Sinabi ko na rin sa kanya na yung kinain namin kahapon ay galing sa pera ni Carl pero hindi man Lang siya nagalit bagkus ngumiti pa ito. Baliw talaga. Kinabukasan, ako ang naglakas loob magsabi Kay tita na buntis nga si Cheng. Akala namin magagalit ito pero hindi. Tinanggap ni tita ang katotohanan na magiging Lola na siya dahil boto naman ito Kay Carl. Sana all. Hahaha Ang problema na Lang namin ay si Carl. Kung matatanggap niya ba ito. Nung nag kwento pala sa akin si Cheng. Na frame up Lang Pala si Carl nung impaktang babae na nakita namin sa school kahapon. Alam naman din ni Cheng na mabubuntis siya kaya binigay na Lang niya ang gusto ni Carl at ginusto din naman niya ito. Sa tingin ko Alam naman din ni Carl ito. Sa loob ba naman ng limang buwan hindi mabubuntis si Cheng. Haysss mapusok na talaga mga katulad ni Cheng. Buti nalang matino ako. Char Kaya siguro nakiusap sakin si Carl kahapon dahil Alam na niya siguro na malakas na itong kumain dahil ang pagkakaalam ko ayaw ni Cheng kumain para Lang mag mukhang sexy ito sa paningin ni Carl. Lumipas ang tatlong buwan, nahahalata na ang tyan ni Cheng pero hindi parin ito umaamin Kay Carl. Tsss. Kasalukuyang nagpapahinga ito sa ilalim ng puno NG mangga. Gusto daw niya mapag-isa. Kaya eto ako nakaupo sa isang bench na tanaw Lang siya ng mga mata ko. Halata narin Kay Cheng ang eyebags, lagi ba naman umiiyak sa madaling araw. Tinatawagan Lang ako Para magsabi na... 'ang sakit Leng, nakita ko siya kanina may kasamang babae. Huhuhu' Hanggang sa Umaga na kami matatapos Kaya Pati ako may eyebags na din. Haysss. "Hi, Musta? Ally right?" kaway sakin habang papalapit sa akin si... Ryle. Agad na naman akong kinabahan hanggang sa naamoy ko na naman ang pabango niya. Bakit ba ang bango bango niya. Kaasar. "Ahhmm, yah." tango kong Sabi. "Anyway, Ryle Rodriguez nga Pala baka kasi di mo pa ako kilala although kilala naman na kita." sabay taas ng kamay nito para makipagshakehands. "Allison Guevara" tipid kong sagot at Tinanggap ang kanyang kamay para makipagshakehands pero ng pag hawak ko sa kamay nito na ground ako Kaya agad ko siyang binitiwan at binalik ko ang tanaw Kay Cheng. "Oopss sorry, ganyan talaga kamay ko kapag nakakakilala ng babae. Hehe" ngiti nito. Tss, ang hangin din Pala nito "Anyway, kamusta ka? Kayo ni Cherry?" tanong nito habang nakatingin na din Kay Cheng. "O-okay Lang kami." utal kong Sabi. "Hindi kayo okay." sabay tingin nito sa akin. "Ha?" tingin ko din sa kanya pero ngumiti Lang ito. "Lagi kasi kayong umiiwas Kay Carl. Napansin ko Yung tuwing dumadaan kami sa hallway eh magkakaklase Lang naman tayo." kwento nito. Hindi naman ako nag Salita at napayuko na Lang ako. "Tsaka sa tuwing may kasamang babae si Carl napapaluha si Cherry. Bakit Kaya? Tsaka ano Yun?" turo nito Kay Cherry. "Ang Alin?" takang tanong ko. "Yung sa tyan niya. Napansin ko kasi na lumalaki ito. Alam mo Yun, Yung parang buntis." Diretsong tingin nito sakin. Hindi ako makapag Salita. Hindi pedeng malaman nila ito. Agad akong tumayo para umiwas sa tanong pero hinawakan niya kamay ko. "So, Buntis nga siya?" mahinahon parin niyang Sabi. Hindi parin ako nagsasalita. "Bakit hindi niyo sabihin Kay Carl? Bakit niyo tinatago? Wala naman lihim na hindi nabubunyag eh!" unti-unti ng tumataas boses niya. Namumuo naman na ang luha ko. Ayoko mag Salita. Ayoko malaman Nila na nahihirapan na siya. "ANO, BAKIT HINDI KA MAGSALITA!!" Sigaw na nito sa akin. Umiyak na ako ng tuluyan hanggang sa binitiwan na niya ako Kaya pagkakataon ko ng tumakbo pero nahablot niya ulit ako sa braso. "BAKIT NIYO BA NILILIHIM! HUWAG KA NGANG UMIYAK PARA KANG BATA! WALANG LIHIM NA HINDI NABUBUNYAG. TSS!!" Sigaw nito. "Teka, ano bang nangyayari dito!" takang tanong ni Cheng "Tss!" sabay bitaw sakin ng malakas ni Ryle. Agad ko naman niyakap si Cheng. "Huhuhu, Cheng!" Sabi ko dito sabay yakap. "Bakit Leng? Bakit kaba umiiyak?" takang tanong nito. "Huhuhu, Alam na niya Cheng" hagulgol kong Sabi. "H-hindi p-pwede." gulat niyang Sabi. Humagulgol na Lang kami dalawa. Napagdesisyonan namin na hindi pumasok sa afternoon shift namin at tumambay na Lang sa mall para magpalamig. Napahawak naman ako sa braso ko. Masakit ito Kaya pag tingin ko may Pasa. Haysss " Hala Leng, anong nangyari Dyan? Bakit may Pasa?" gulat nitong tanong sakin sabay turo sa braso ko. "Ahh Wala ito, nabunggo Lang ako kanina nung nag-cr tayo. Hehe" ngiti kong Sabi. Bawal kasi mastress ang mga buntis Kaya hindi ko na dadagdagan ang problema niya. "Sure ka? Punta tayo sa Watsons mamaya. Hanap tayo ng ointment Para sa braso mo. Hindi ka kasi nag-iingat eh" pagsesermon nito sa akin. "Alam mo Cheng, nag buntis ka Lang ganyan ka na. Hahaha, super concern mo na sa akin" sabay yakap ko dito. "Ihhh, layo ka nga sa akin. Ang init Kaya." sabay tulak nito sa akin. "Hahaha nasa mall tayo Cheng. Aray!!" kinurot ba naman ung braso. "Ikaw kasi eh. Ano Punta tayo ah?" seryoso nitong tingin sa akin. "Wag na Cheng. Unahin mo na Lang magiging inaanak ko." ngiti kong Sabi dito. "Awww, natats nemen eke hehehe. Opo ninang!" sabay tawa nito. Natawa na Lang din ako. "Tara dun tayo sa ice cream parlor, treat ko dahil niligtas mo ako kanina." sabi ko sabay offer ko Kay Cheng ng kamay ko. "Sige ba!" sabay hawak nito sa kamay ko at sabay narin kaming pumunta ng ice cream parlor. Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa mag time ng uwian namin. 3 kasi uwian namin sa school pero nag decide padin kami na tumambay na Lang. Pumunta na Lang kami sa department store. Nasa baby section kami ngayon Para mag tingin-tingin ng Damit. "Leng, mag 4 months na si baby, makikita ko na Kaya Yung gender niya?" sabay hawak sa tyan niyang umuumbok na. "siguro? Gusto mo bang mag pacheck-up?" tingin ko dito "tsaka nalang siguro. Hehe." sabay hawak sa mga Damit ng pambata. "ano bang gusto mong gender?" tanong ko dito. "kahit ano, blessing naman ito eh!" ngiti niyang Sabi. "sabagay" ngiti ko dito. "Tara dun tayo!" sabay turo sa mga bottle ng mga baby. Tumango naman ako. "Hala ang cute Cheng oh! Tignan mo. Oopss!" lalapit na Sana ako Kay Cheng ng may humablot sa braso ko. Pagtingin ko si Ryle ang may hawak nito. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko na lalong na dagdagan ang kirot nito. Bakit ba ganyan siya!! Di naman kami close. " Huwag mong subukang kumawala. Masasaktan ka Lang Lalo!" Banta nito. Napatikhim na Lang ako at agad kumawala sa kanya pero Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin. "Hayaan mo na Lang sila. Sinabi ko na Kay Carl na buntis si Cherry!" Sabi nito sa akin pero Wala akong makitang reaksyon sa mukha niya. "Bakit mo sinabi?" tanong ko dito pero imbis na sumagot tinignan niya Lang ang braso ko at hinila niya ako papuntang Watson pero sa kamay ko na siya nakahawak. Gusto ko mang kiligin pero naalala ko ginawa niya kaninang vacant at ngayon. "Goodafternoon po sir, . Ano po maitutulong ko ?" pacute ng babae Kay Ryle. Andito Kaya ako. Di niya ba ako nakikita? Hello? Future Gf ito oh. "Give me a damn ointment. Now!" matigas nitong tugon sa babae at sabay turo sa braso ko. Agad naman kinuha ng babae ung ointment at Saka umirap sa akin. Aistt mga babae talaga. "Huwag mo na akong bilhan niyan.kaya kong bumili niyan" bulong ko dito. "You may Please Shut up!" Diretsong tingin nito sa akin Kaya napayuko na Lang ako. Hinila naman na niya ako ng mabayaran na niya ang ointment. *ting* Napatigil naman ako ng lakad at bumitaw ako sa kanya tsaka naman siya napa 'what look' sa akin. Sabi ko naman wait Lang. From: Chenget Leng, Mamaya na ako uuwi, kasama ko si Carl ngayon. Ihahatid ako. Ingat na Lang sa pag-uwi. ❤️ Ps. Sorry Leng, Bati na kami. Pss. Sasamahan niya daw ako mag pacheck-up next week. To: Chenget Sige, Ingats din. Yung inaanak ko ah. Ingatan mo. ❤️ Send. Haysss mag-Isa na naman akong uuwi. "Hey, ano na? Sino ba Yan?" inis na tugon ng bakulaw. Aistt hindi Pala ako mag-Isa. Kasama ko Pala tong si bak- este si Ryle. "Si Cheng nag text." lungkot kong Sabi. "Yaan mo na sila. Don't mind them. Tayo na Lang mag date. " sabay hila ulit sa akin. Namula naman ako sa sinabi niya. Ano ba itong pakiramdam ko. Napakatraydor Aishh. Kaya tinanong ko siya Para maverify kung Tama Yung sinabi niya. "Ano Sabi mo? Magd-date tayo?" tanong ko dito. "Sabi ko, gagala tayo. Tsss" masungit niyang Sabi. Nalungkot naman ako bigla ng sinabi niya Yun. Naghanap naman siya ng vacant na bench tsaka kami umupo. Walang nagsasalita saming dalawa Kaya tumingin na Lang ako sa malayo. Nagulat naman ako dahil may malamig na basa ang Dumampi sa makirot kong braso. Yung ointment Pala Nilalagay niya. "Sorry kanina kung naging ganyan braso mo." pag-aapology niya. "A-aray! Ako na Lang maglalagay. Salamat nalang!" kuha ko sa ointment. Napadiin kasi lagay niya. "Ay sorry, ako na Lang maglalagay Para naman makabawi ako." sabay kuha niya sa akin ulit ng ointment. "may moodswing ka ba?" tanong ko dito habang nakatingin sa malayo. "Wala." Diretsong sagot nito. "wew, pabago-bago ka Kaya. Kanina kung Sigawan mo ko parang kaway mo ko tas ngayon napaka bait mo!" Diretsong sumbat ko dito pero ngitian niya Lang ako. Tss. Ang creepy. "Ahh, Yun ba, I'm protecting my bestfriend. Kaya ko kasing makasakit ng tao to protect them." paliwanag nito "that's why you hurt me like this."sabay turo ko sa braso ko. Tumango naman ito. " Sorry kung nasaktan kita."sincere niyang Sabi. " Oo na, naintindihan naman kita pero hindi ako katulad mo." sumbat ko dito. " Syempre mag-kaiba tayo, babae ka, lalaki ako." sabay tapik niya sa dibdib niya. Napangiti naman ako. " Ayan okay na! " sabay ngiti nito sa akin sabay abot sa akin ng ointment. Ngitian ko nalang ito " San mo gusto kumain? " tanong nito sa akin " Kahit saan. Okay Lang." Sabi ko habang pinaglalaruan Yung ointment na hawak ko. Hinila naman niya ako at dinala niya ako sa Mcdo. Binilisan ko na Lang ang pagkain kasi nakakailang. Pagkatapos namin. Naglaro siya sa arcade. Tapos ako nanonood Lang sa kanya. Ang swabe niya Lang maglaro ng basketball. Alam niyo Yun. Yung mapapatigil ang oras tas nag-iislow mo siya sa paghagis ng Bola. Hayyyyy. "Oh!" sabay pakita niya ng malaking teddy bear. "ano to?" takang tanong ko. "Tss, syempre Para sayo. Tara na nga! Hatid na kita sa inyo!" asar- ngiti niyang Sabi. Then Hinatid na nga niya talaga ako sa bahay. - _- " Thanks nga Pala sa treat tsaka dito sa ointment and teddy." pakita ko sa kanya ng mga binigay niya. "Welcome. Basta maging masaya ka na Lang Kay Carl at Cherry!" Sabi nito. Tumango namn ako at ngumiti sa kanya. Nagpaalam na siya sa akin tsaka ako pumasok sa bahay ng tumatakbo at dumiretso sa kwarto. Basta ang nararamdaman ko Lang ngayon ay kilig. Yieeeee dinate niya ako! Nag-date kaming dalawa. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Vote. Comment. Share
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD