“Wow. You have a very healthy appetite but you are so slim. Nakakainggit. Ako kasi mabilis tumaba,” komento ni Carla habang mabagal na ngumunguya. Nilunok muna niya ang laman ng bibig niya bago sumagot, “Nag bi-brisk walking ako kapag weekend.” At ginagawa ang martial arts routine na naging habit na niya mula pa noong unang beses siyang nag-aral mag taekwondo. Pagkatapos noong high school siya, para kontrolin ang sumanib sa kaniyang matinding lungkot at teenage angst bago pa iyon mauwi sa clinical depression, inenroll siya ng papa niya sa gym na nasa sentro ng bayan nila. Nag-aral siya roon ng boxing at aikido. Mas madalas pa nga siya sa gym kaysa sa bahay at sa school. But that’s too much information so she didn’t say it. Mabuti na lang rin at mukhang ang sarili nito ang favorite topi