ANG HIRAP maging bata. Kahit na nakikita ni Maki na nasasaktan at umiiyak ang matalik niyang kaibigan, wala siyang magawa. Ni hindi siya puwedeng mag stay ng matagal sa tabi nito kasi nga bata pa siya at kailangan sumunod sa gusto ng mga nakatatanda. Nang dumating ang tatay ni Allen para sabihin na patay na ang mama nito, hindi na sila kinailangan ni Francis sa bahay ng mga Magsanoc. Ang ama pa ng dalagita ang kusang tumawag sa foster parents niya, sinabi ang balita at nakiusap na sunduin siya. Mula noon hindi pumasok sa school si Allen. Kahit gusto niyang araw-araw pumunta sa bahay ng mga ito kung saan nakaburol ang ina at kapatid nito, dalawang beses lang niya nagawa. Ang unang beses kasama niya ang mga guro at ibang kaklase at ang pangalawa kasama naman niya ang foster